***7***
Tinulak ko nga ng malakas si Ash. Kung may sigurista na lang din naman sa lahat ng sigurista, siya na ang pinaka-sigurista.
Ok, that sounds odd.
Umuwi na ako pagkatapos nun. Binalik ko uli yung sumbrero ko nung papauwi na ako ng bahay.
Nung naglalakad na ako pauwi, naramdaman kong may sumusunod sa akin. Tuwing lilingon ako, wala naman. Dahil medyo kinakabahan ako, iniba ko yung daan ko at tumakbo ako. Liko dito at liko doon ang ginawa ko. At lalo kong binilisan yung pagtakbo ko.
Nung napansin kong wala na, dumeretso na ako doon sa kanto namin. Napalayo pa tuloy ako. Nagulat na lang ako nung may nagtanggal ng sumbrero ko.
Paglingon ko..
"Ikaw lang pala yung sumusunod sa akin tinakot mo pa ako!" hinampas ko nga siya.
"Aray ko! Ikaw ha, sadista ka masyado! Kung hindi mo ako itutulak, hahampasin mo ako. Masakit ha!" hinimas-himas niya yung braso niya.
"Anong drama mo at sinusundan mo ko?" inagaw ko yung sumbrero ko pero tinaas niya kaya hindi ko maabot.
Hinampas ko uli sa tiyan kaya binigay niya.
"Gusto ko malaman kung saan yung bahay niyo.." sumabay siya maglakad sa akin.
"E di sana sinabi mo."
Saglit lang eh huminto na kami sa tapat ng bahay namin. Hindi naman yun malaki kumpara sa kanila. Palibhasa kasi, anak ng doctor.
"Ito na bahay namin... tawa na." binuksan ko naman yung gate.
Nakatingala naman siya. Kahit maliit yung bahay namin, up and down din naman.
Hindi ordinary sa akin na nagdadala ng kaibigan sa bahay. Wala naman talaga akong naging kaibigan na... kaibigan talaga.
Pagpasok namin sa loob, nanood ng TV si Kuya Christian. Katatapos lang ng exams niyan kaya easy-easy na.
"Kuya!" lumingon naman siya.
Bumulong naman si Ash sa akin, 'May kuya ka pala?'
"Oo meron, at dalawa pa. Hindi pa kabilang ang tatay ko."
Tumayo naman si Kuya Christian sa pag-upo niya.
"Kuya, schoolmate, classmate, at captain ng skateboarding team.. si Ash. Anak ni Dr. Valdez."
Ngumti naman si Kuya Christian.
"Chris nga pala pare.." sabi niya tapos nakipagkamay kay Ash.
Halata kong nagulat din si Ash.
"Chris ka rin?"
Tumawa kami parehas ni Kuya.
"Lahat kaming magkakapatid eh Chris. Panganay si Kuya Christopher, nasa trabaho pa, tapos ako Christian, tapos si Chrisandra."
"Ahh.. Chris pala lahat." ngumiti naman siya pero parang kakaiba yun.
"Anong nangyari sa buhok mo? Laglag yata ngayon?"
"Eh kasi... yung ibang tao diyan!!!" pinarinig ko kay Ash, "Inalis yung sumbrero ko."
"Magtatagal ka ba? Anong gagawin niyo?"
Sumingit naman na ako.
"Sa katunayan Kuya, uuwi na si Ash. Napadaan lang siya. 'Di ba?" binigyan ko siya ng warning look.
"Naisip ko lang, may homework pala tayo. Hindi ko kasi alam yung Calculus eh."
"Kasasabi mo lang kanina, gagabihin ka umuwi sa inyo." tinignan ko siya at binigyan ko ng meaning yun.