"WHAT?!?" napaatras ako sa kanya dahil ang lakas ng boses niya, "I.. I mean, bakit may rule-13? H-hindi pwede magkaroon ng rule 13."
"Pwede, meron na nga eh. 'Di ba?" tinaasan ko siya ng kilay ko.
"Ahh... I think."
"Great! Kakain na ko." kumuha na ako ng tray at pumila na rin ako.
Sumunod din naman siya sa akin.
Hindi kami nag-usap ni Ash hanggang sa nakabili na kami ng pagkain. Nanahimik din naman siya eh. Ang nakakainis pa eh tuwing lilingon ako sa likuran ko, may mga nakatingin tapos halatang-halata na bigla nilang ibabaling yung tingin nila.
Sa inis ko talaga, binato ko nga sila ng French Fries.
"Bakit mo ginawa yun? Mali naman yata yun.." sabi ni Ash nung binaba ko na yung carton nung fries ko.
"Eh nakakainis eh. Akala mo nasa circus!"
Tumawa naman siya.
"Mali talaga yung ginawa mo. Tingnan mo, nasayang tuloy yung fries."
Eh kung sampal-sampalin ko kaya itong tao na ito, matauhan kaya?
Nag-lean siya doon sa table.
"Oo nga pala, mamayang hapon.. may gagawin tayo." kumain siya ng burger niya.
"Ano na naman?" nagdududa na talaga ako, "Baka bibili ka na naman ng mga damit na ayoko.. hindi ako sasama."
"Hoy sobra ka na ah.. ang dami ko nang binili sa 'yo," alam ko naman nagbibiro siya, "Hindi yun... iba."
Kinakabahan naman ako dito. Takasan ko kaya ito mamaya at hindi ako sumama? Baka kasi may kung ano na namang balak na masama eh.
"Sigurado ka bang wala kang balak na masama?"
"Hoy! Pagtatangkaan ko na si Kian bago ikaw no!"
Tumawa naman kaming dalawa. Sa katunayan, kami yung pinakamaingay doon na tawa ng tawa. Hindi na siguro ako magtataka kung bakit nakatingin sila.
They should mind their own business! At tama yan Ash, work it out! Usap lang kami ng usap ng walang kakwenta-kwentang mga bagay.
Nakakatuwa din kumain si Ash. Nilagay ba naman niya yung spoon niya sa gilid ng table at nilagyan niya ng chocolate. Tapos ihi-hit niya yung dulo para tumalsik at susubukan niyang kainin.
Hirap nun ah! So far out of all the chocolate na nasa pack niya, 4 lang ang nakain niya. Sinasabihan pa ako na sinayang ko yung fries, siya rin pala.
Pagkatapos ng eventful na pagkain ko sa cafeteria sa first week ko dito sa Sports Curriculum, bumalik na kami sa classroom at nag regular class na. As usual, nagsipag na naman akong makinig doon. Nung nasa Computer Curriculum ako, usually isa ako sa mga nakakakuha ng top marks. Ewan ko lang dito. Madalas na kasi akong tinatamad eh.
Nag-alarm din naman kaagad. Sinuot ko na yung sumbrero ko pero unlike before, babae na ang tingin nila sa akin. Si Ash ang may kasalanan. Papatayo pa lang ako eh muntik na akong matumba nung hinila ba naman yung strap ng bag ko.
"ANO?!?" hindi ako galit, ninerbiyos lang ako at muntik na akong mag-backward.
"Yung sinabi ko sa cafeteria kanina?"
Napaisip naman ako.
"Which one?" tinanggal na niya yung kamay niya sa bag ko, "Ang dami na kaya. Yung sinabi mo ba na natutulog ka dati at ginagawa mong kumot yung punda ng unan mo, o yung nagdamit pambabae ka dahil pinilit ka nung batang binaby-sit mo?"
Tumayo na siya at sinukbit niya yung bag sa balikat niya.
"Yung sinabi kong babatukan ko yung babaeng mahilig mang-asar," nagkunwari pang babatukan ako pero hindi tinuloy,"Sinabi ko kanina, may gagawin tayo."