***14***
Nang-amoy dagat na nga siguro kami parehas paano ba naman eh ilaglag daw ba ako sa dagat. Tuwing patayo nga ako at pabalik sa gamit ko, lagi niya ako hihilahin. Pumasok pa nga yata yung tubig sa mata ko kaya sumakit eh. Ang hapdi super.
Syempre may restrooms naman doon sa resort, kanya-kanyang pasok na lang kaming dalawa para mag-shower at magbihis na rin. Grabe, nanginginig na nga yung baba ko nun dahil giniginaw ako. Ang lakas kasi ng hangin nung umahon kami sa tubig.
Masaya rin naman yung naging gabi kahit yung dalawang abnormal eh bigla na lang sumibat. Nung kinausap nga ni Ash yung isang lalaki doon sa resort para yata sa car service nila, ang tugtog pa eh 'Loving You'. Mapag-asar din sila eh no!
Gabing-gabi na nga kaming umuwi nun. Nakatulog na nga ako doon sa kotse at kung hindi pa siguro ako ginising ni Ash, hindi ko na alam kung nasaan ako. Sumakit nga yung leeg ko eh, paano ba naman eh pinili kong isandal yung ulo ko sa gilid sa may salamin kaysa naman sa balikat niya. Hello? Hindi naman ganun kakapal ang mukha ko.
Sa sobrang pagod ko na rin siguro eh umakyat lang ako sa taas at nagpalit ng hindi ko man lang napansin kung sino yung nagbukas ng pinto para sa akin. Saglit lang din, mala-boxing na akong na knock-out.
Dumaan naman ang Sunday ng wala namang nangyari kakaiba...
***
Nakatingin naman yung mga classmates namin sa akin, as usual, nung dumadaan ako sa classroom. Parang nalaman ko na kung bakit dahil na rin nalaman nga nila nung tinanong ako ni Chester kung pwede daw bang sumama ako sa kanya. Obvious ba, hindi naman yun sikreto.
Nandun na naman yung ritwal na rose na galing kay Chester at may kung anik-anik na naman na sulat at ang nakalagay eh walang kamatayang 'Good Morning'.
Pero sa lahat ng hindi ko inaasahan, pinatawag nila ako si Shalyna, si Chester, yung isa pa naming classmate, at si Ash na natutulog para sa hindi ko malamang dahilan. Ewan ko ba kung bakit napuyat yun. Akala ko kung para saan yung pagtawag nila sa amin, kukuhanan pala kami ng picture para sa pesteng Pageant na yan. Nandun din yung mga kasali na galing sa ibang section. Pinag-tube pa nga yung mga babae at may binigay sa amin na kumot para daw ang effect ng picture eh half naked pero may cover up. Sa guys naman, hindi ko alam. Hindi naman kasi namin sila kasama sa picture taking eh. Ayoko talaga yung idea nung photographer. Hindi naman yun ordinary picture so, seryoso talaga yung itsura namin. May solo pa nga eh.
Gusto yatang sumakit ng ulo ko nung nakalabas na ako. Si Ash nga eh baliktad pa yung damit nung lumabas ng kabilang room. Hatang puyat nga siya kasi nung sinabihan kong baliktad yung damit niya, tinanggal ba naman doon sa hallway. Tinulak ko nga kaya napapasok siya bigla-bigla doon sa room at doon na siya nagpatuloy magbihis.
Si Shalyna, kinakausap naman na niya ako. Mabait, pero sarcastic effect so hindi pa rin talaga totoo lahat. Nung may free time nga kami, naisipan ba naman kaming interviewhin ni Ash. Si Ash, ayun, walang pakialam. Tinapik ko nga sa gilid eh. Interesado naman din yung iba.
"Nanliligaw si Ash sa 'yo 'di ba?" sabi ni Shalyna na nakaupo doon sa table ng teacher.
"Bakit tinatanong mo pa?"
"Wala lang. Kasi kung ganun, dapat alam niya yung bagay-bagay sa 'yo." tinapik niya si Ash na nag-angat naman ng ulo,"Hey.. gising!"
"Anong meron?" nag-stretch pa yan ng kamay niya at tinamaan pa ko sa mukha.
"Anong favorite color ni Chris?"
Sinusubukan yata talaga kami nitong babaeng ito.
Say Black.. Say Black Ash... or red.. either one.
"Syempre alam ko no. It's pink."
Pink? Tingin ba niya mahilig ako sa pink.
Balak na sana niyang bumalik sa pagtulog, pero tinanong ako ni Shalyna.
"Anong favorite color ni Ash, Chris?"
Wala nang isip-isip.
"Orange!"
Biglang tumayo si Ash sa pagkakasandal niya sa desk. Nagulat yata sa sinabi ko eh.
"Marami akong alam kay Chris. Favorite songs niya? Love Songs. Mas gusto niya classical. Mahilig siya sa mga operas... theater plays.."
Hindi ko pinahalatang tinitignan ko siya ng masama... nananadya ba 'to?
"Si Ash naman, hindi niyo alam pero mahilig siya sa cartoons. Ayaw niya kasi ng anime eh. Yung mga may crush sa kanya diyan, regaluhan niyo siya ng something that concerns Winnie The Pooh!"
Tawa naman ng tawa yung classmates namin sa amin. Isama mo na si Shalyna.
"Anong favorite food mo Chris?"
"Lasagna/Beef Steak!"
Nagtinginan kaming dalawa.
"Beef Steak/Lasagna!"
HOLY COW.
"Oh... dalawa pala no."
"Yeah! Dalawa. And Ash loves... kare-kare!" ngumiti ako.
"Nakalimutan ko na yung birhday mo chris.. ano bang birthday niya Ash?"
"Its on..." hindi niya alam ang birthday ko!
Nag-alarm naman na at at nagsitayuan na sila. Ang bibilis nagsialisan nung mga classmates namin. Sumigaw naman si Ash.
"I'll tell you tomorrow Shalyna!" todo-ngiti pa yan.
Nung kami na lang yung tao doon sa classroom, para kaming mga bull na nag-uusok ang mga ilong sa isa't isa. Ewan ko kung anong nangyari sa amin para mag-asaran na lang ng ganun.
"I hate pink!" sabi ko sa kanya. "Tingin mo naman ako yung tipong mahilig sa pink?"
"Orange? you think orange is my favorite color? That's gay!"
Sumigaw kaming dalawa sa isa't isa kaya lang sabay na naman kami.
"It's Black!"
Nanahimik kami uli. Tinakpan ko yung bibig ko tapos dinagdag ko.
"And red." yumuko ako ng kaunti. "I don't like operas.. theater plays.."
"Me too! Do you think I love Winnie the Pooh?"
"Ano bang favorite mo na pagkain?"
"Hindi ako kumakain ng kare-kare. I hate peanut butter. Favorite ko na ulam, menudo."
"Ok then. Actually... it's Lasagna."
Ngumiti lang din siya nun. Para kami ng sira na dalawa. Sa susunod tuloy sa harap ng ibang tao, kailangan naming pangatawanan yung pinagsasasabi namin kanina kahit mali-mali.
"I don't know when's your birthday.." sabi niya sa akin.
"Hindi ko rin alam ang birthday mo."
Tumahimik kami parehas. Tumango siya sa akin at parang sign na sasabihin na niya.
"Mine's.."
"September 20." you've got to be kidding me!