***15***
At that very moment, walang makakilos sa aming dalawa. Walang nagsasalita rin sa amin. Ang ginawa lang namin eh nagtitigan lang doon at parang nagulat kami sa mga nangyari. Ka-birthday ko siya?
Mabuti na lang naisipan din niyang gumalaw at sinandal niya yung dalawang kamay niya doon sa desk. Nakatingin siya sa dalawang kamay niya kaya ang itsura niya eh medyo nakayuko.
"Is this some kind of a joke? Kasi kung OO, you got me really bad." seryoso naman niyang sinabi yun.
Yun din ang iniisip ko. Kung joke man niya ito sa akin, nahuli niya rin ako kasi maniniwala na ako ano mang oras kapag hindi niya yun babawiin. Pero sabay kaming nagsalita, hindi naman pwedeng ginaya niya ako. Alangan namang nagbabasa siya ng isip.. imposible.
"Hindi ako nagbibiro, September 20 talaga ang birthday ko." yun na lang yung sinagot ko sa kanya.
Sa totoo lang, paran kinilabutan ako. Teka, tama ba yung word sa naramdaman ko???
Tumayo na rin siya ng maayos. Tumingin siya sa akin.
"Uh.. well.. ayos pala eh. Ngayon hindi na natin makakalimutan ang birthday ng isa't isa in case na tanungin man tayo."iniwas niya yung tingin niya pero binalik din... "Mag-16 ka na this September?"
"Yeah."
Kinuha niya yung bag niya doon sa upuan niya at kinuha niya rin yung bag ko at nilagay niya sa isang balikat niya.
"That's what I thought.. me too." nagsimula na siyang maglakad, "Uuwi na tayo."
Normal lang siguro sa akin na makipagtalo sa kanya kapag sinasabi niyang sasabay siya sa aking umuwi. Pero ngayon, parang umurong yung dila ko at hindi ko makuhang makipagtalo sa kanya.
Hinatid nga niya ako sa bahay namin. Ewan ko ba kung bakit parang nailang na lang ako nung nalaman ko na parehas kami ng birthday. Siguro, na-shock lang ako kasi hindi ko naman inaasahan. Sa dami naman ng makakaparehas ko ng birthday... siya pa.
Nung nakarating kami ng tapat ng bahay namin, siya na rin ang nagsabi na hindi na raw siya papasok. Nung kukunin ko na yung bag ko sa kanya, ini-slide niya kaya medyo naalis yung shirt niya sa shoulder niya. Kaya lang may napansin akong line..
"What's that?!?" tinuro ko naman kaya lang tinakpan niya, nahiya siguro "Scar?"
Tumango lang siya. Hindi ko alam na may scar pala siya sa braso niya. Parang line kasi eh.
Nag-bye na lang ako sa kanya at umalis na rin siya. Tama nga siguro yung nangyari, bakit ko ba iniisip. Coincidence lang yun... ano pa nga ba?
Pumasok na ako sa kwarto ko nun. Nung nag-aayos ako ng bag, kinuha ko yung fairytale book na naman ng nanay ko. May nahulog nga eh. Yung rules pala na ginawa ni Ash na pinimahan ko eh doon ko pala inipit. Hindi ko na nga alam kung saan napadpad yun.. nandito lang pala.
Nilagay ko na lang yung papel na yun sa drawer ko, baka kasi mawala eh. Mabuti nang may proof in case na may suwayin si Ash doon.
***
"Right Chris.. right Chris?!!!" ang lakas ng boses ni Ash nun kaya napatingin ako.
Kakapasok ko pa lang ng classroom at nasa harapan niya si Shalyna.
"Tama ka saan?" sabi ko naman at hindi ko alam kung ano yung sinasabi niya.
"It's September 20 right?!?" ay sus, birthday lang pala.
Nakangiti pa talaga siya nun.
"Oo na po."
Tumingin lang si Shalyna sa akin, pero walang sinabi.