(3)

11.9K 282 6
                                    

***3***

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya dahil nagkatitigan kami. Siya rin naman eh napansin niya yun kaya iniba na lang niya yung usapan.

"Ash Jerell Valdez," sabi niya tapos nagsimula na rin siyang maglakad nung naglakad ako, "Hindi pa pala ako nakakapagpakilala kanina..."

"Oo nga eh. Lumabas ka na lang bigla." tapos naisip ko naman yung form na binigay niya kanina, "So, ikaw ba ang captain ng R-13 Skateboarding Team?"

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"R-what?!?"

Napaatras naman ako dahil humarap siya sa akin.

"13? Hindi ba yun yung pangalan ng Skateboarding Team niyo?"

Umiling naman siya tapos medyo ngumiti.

"It's 'R-B'. Not 'R-13'."

"Ooh," hinanap ko sa bag ko yung papel at tinignan ko. R-13 talaga yung nakasulat, "See? R-13?"

Nakitingin din naman siya pero hindi niya kinuha yung papel sa akin.

"That's B, not 13."

Kaya pala napagkamalan kong 13 yung B eh magkahiwalay kasi yung pagkakasulat niya. Parang 1, tapos 3. Magkadugtong pala yun. Hindi kasi ganun kagaling ang penmanship eh. Pero yung pirma naman niya sa baba ang cute.

"Si Miss Lansangan kasi hindi masyadong ayusin yung pagsulat..." sabi ko nga yung teacher ang nagsulat nun at hindi siya!

Tumango na lang ako nun.

"Hindi pa kita nakikitang mag-skateboard..." mahinahon pa yung pagkakasabi niya pero nagulat na lang ako nung hawakan ako sa dalawang balikat ko ng mahigpit, "Magaling ka ba talaga?"

"Hey... easy lang bro!" Inalis ko yung kamay niya sa akin, "Nakakagawa ako ng bagay-bagay sa skateboard. Yun nga lang, hindi ko alam ang tawag doon."

"Okay, siguraduhin mo lang. Dalhin mo yung skateboard mo bukas at titignan ko yung gagawin mo at susubukan kitang i-train ng tama. Sige, una na ko."

Hindi man lang nag-bye sa akin basta umalis na lang. Mahilig talaga siya sa maagang pag-alis.

Dahil wala na akong gagawin sa school, nagsimula na akong maglakad pauwi ng bahay namin. Magaan naman yung bag ko kaya hindi naman ako nahirapan at hindi rin naman sumakit yung likod ko.

Dumaan muna ako doon sa isang tindahan sa kanto para bumili ng chewing gum at wala na akong stock sa bag ko. Nagmumukha na nga akong kambing kakanguya eh.

"Manang pabili nga po..." tumingin naman yung ale sa akin, "Yung mint po."

Nung babayaran ko na, may dumating naman sa gilid ko kaya naharangan yung sikat ng araw. Pagtingin ko, sino pa nga ba?  

"Anong ginagawa mo dito?"

Hindi niya siguro inaakala na kakausapin ko siya at hindi rin niya napansin na nandun ako.

"Bumibili." Oo nga naman Chris, bumibili!

"I mean, bakit ka nandito?"

Nakuha na niya yung binili niya at yung sa akin eh wala pa. Nauna pa siya sa akin. Bakit ganun?

"Sinagot ko na nga, bumibili." tapos nung paalis na siya tumingin siya sa akin, "Anong ginagawa mo dito?"

"Bumibili din."

Ngumiti na naman siya sa sinabi ko. Nung nakuha ko na yung binili ko, tinawag niya ako doon sa kintatayuan niya at  may tinuro.

"Dito kami nakatira, bahay namin yun!" tinuro niya yung isang bahay doon.

R-13 (COMPLETED - 2006)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon