***26***
Para akong sira doon na ayaw tumayo siya harapan nung drainage. Nakaluhod lang ako doon at parang natanim na yung dalawang tuhod ko sa lupa. Si Ash eh sinamahan lang ako doon at hinihimas-himas niya ako sa likod ko. Si Shalyna eh mukhang wala naman nang magagawa at hindi naman siya papansinin ni Ash kaya umalis na lang siya. Hindi ko alam kung anong itsura ko na nung mga oras na iyon. Siguro eh namumula na nga yung mga mata ko. Inioffer naman niya yung puting panyo niya sa akin at hindi ko siya pinansin. Pero ano pa nga bang magagawa ko, si Ash siya. Kailangang sundin mo kung ano yung gusto niyang mangyari.
"You know what Chris, you're welcome to lean on my shoulders."
Hindi ko pa rin siya pinansin nun. Napagod na yata siya sa akin kaya ang ginawa niya eh nakiluhod na rin siya sa akin.
"Kung wala kang balak umalis dito, luluhod din ako kasama mo."
Tinotoo nga niya yung sinabi niya. Saglit lang din eh nakiluhod na siya sa akin doon sa harap nung drainage. Hindi pa rin ako makapagsalita.
Kung may makakakita nga sa amin doon, siguro eh para kaming sira na nakaluhod doon. Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko naman mapigilan. Saka ko lang na-realized.. ano ba si Ash sa akin?
"W-wala na yung libro!" yun na lang yung nasabi ko sa kanya.
Hindi ko naman inaasahan na yayakap siya sa akin.
"Alam mo kung anong natutunan ko nitong mga huling araw?" tinignan ko naman siya at sa drainage din siya nakatingin, "Kapag ginagawa mong miserable ang buhay ng isang tao, hindi naman yun nakakapagpagaan ng buhay mo. I mean, you'll find it amusing on yuor part, but your life won't be any better. Isn't it?"
Tama naman siya. Wala namang magbabago kung gagawin mong miserable ang buhay ng isang tao.
Naisipan ko rin naman ng tumayo. Kakaibang-kakaiba na yung pakiramdam ko nun. Inalalayan lang ako ni Ash at hindi rin nagtagal eh nag-alarm naman na at tapos na yung breaktime.
Pagpasok na pagpasok namin sa loob ng room eh ang daming nakatingin sa amin. Pero wala talaga akong pakialam. BUmuka naman na yung bibig ng iba naming classmate para magsalita.. pero pinigilan sila ni Ash.
"Not a word!" binigyan naman niya ng warning.
"Uh... eh... tatanong ko lang sana kung tuloy ba kayo doon sa date niyo? Kung totoo ba yung presentation?"
Crap. Naalala ko na naman yun.
Tumingin si Ash sa akin at nahalata kong nag-blush siya. Iniwas niya ung tingin niya sa akin.
"I.. don't--"
"Of course!" sinabi ko sa kanya, "Tuloy kami bukas." sinabi ko sa kanya kahit na humihikbi pa ako nun. "A date is a date! What can I say?"
"Really?" sabi niya na mukhang nagulat sa akin.
"Make sure on time ka ha!" dinaan ko na lang sa ngiti kahit nalulungkot ako.
Kahit na malungkot pala ako.. meron pa palang ganitong bagay na nakakapagpasaya sa akin.
"Thanks.. CHRIS!" bigla na lang niya ako hinalikan sa pisngi ko.
Nag-asaran naman doon yung mga classmate namin. Sabi pa nung isa...
"Naks naman, nagthank you lang si Ash may kiss pa!"
Tumingin si Ash sa kanya na nakatodo-ngiti.
"Sinong maysabi na nag-kiss ako para sa thank you? What can I say?" ginaya niya yung sinabi ko kanina, "I have my own reasons."
I think I know what it is. Hindi kaya yun yung sinabi niya sa akin kagabi sa gym?
Wala nang atrasan Chris... sabi mo nga... a date is a date.