(16)

6.6K 226 20
                                    

***16***

Ako?!? Siya?!? Kami?!? Bakit... bakit ganun?

Kung sabagay ok na rin siguro yun. Kung saka-sakali rin naman na pipiliin ng partner, isang malaking possibility na solo flight ako. Ayos na itong si Ash.

"Ayos naman pala eh, I want you to be my WIFE and I'll be your HUSBAND ." nakangiti siya doon.

"Ok then. I want to WIPE you off and I'll make sure there's a TRASH CAN."

"Ang galing naman ng asawa ko!"

Tinignan ko naman siya ng masama..

"Ang galing naman ng sweetheart ko.."

Tinaas ko yung isang kilay ko..

"Ang galing naman ng honey ko.."

Nakapamewang na ako..

"Ang galing naman ng baby ko?"

"ASH!!!"

Tumawa lang din siya. Tinaas niya ung isang kamay niya.

"Ok.. ok.. titigil na ako." tapos bumulong siya kaya lang narinig ko, "Ang galing talaga ng MAHAL ko.."

"Kapag hindi ka tumigil diyan.." nag-threat na ako at tinaas ko yung fist ko, "Nakikita mo itong kamay ko? Lumilipad 'di ba? Lumilipad sa classroom. Kapag nawalan na siya ng control sa brakes, baka mag-crash... san ang landing?" tinuro ko yung mukha niya.

"Nagloloko lang ako eh!" umatras siya, "Ang lakas ng pandinig nito!"

"Anong sabi mo?!?"

"Wala." nagsimula na siyang maglakad.

"Narinig ko eh. Sabi mo ang lakas ng pandinig ko."

"Eh bakit tinatanong mo pa??"

Asar na ito. May point naman siya. Bakit ko nga ba tinatanong kung narinig ko naman na?

Sumabay na ako maglakad sa kanya. Reporting o presentation? Paano mo naman gagawin yun? Anak ng sacramento naman oh!

"Kailangan natin ng magandang show para sa marriage..." sabi niya.. seryoso pa yan..

Nanahimik din ako at hindi ako nagsalita.

"Nag-iisip ka ba ng plano?"

"Hindi."

Binatukan ko nga ng malakas.

"Seryosong-seryoso yung itsura mo hindi ka naman pala nag-iisip." teka nga bakit ang kulit niya yata ngayon? "Bakit parang iba ka ngayon?"

Naglalakad pa rin kami nun. Kung tutuusin, pauwi na kami ng bahay. Nag-uusap lang kami ngayon para di sayang ang oras. Mukhang nag-iisip na siya ngayon.

"Chris.." lumingon naman ako sa kanya.

"Yeah?"

"Ilang anak ang gusto mo?"

Hindi niyo lang alam kung gaano kalakas ko siyang naitulak pero hindi siya natumba.

"What?!?" dinaan na lang niya sa ngiti, "I'm talking about the project. Kunwari may anak tayo.."

"Eh kasi naman yung style mo.. arrggghh! Bakit ba hindi mo alam kung kelan ang seryoso sa biro? Ang hirap ah!"

"O sige na nga.. saka na muna yun. Sa susunod na linggo pa naman yun eh.." lumingon siya sa gilid niya, "Now tell me the story after you found out Shalyna's gone.."

Sinimangutan ko nga.

"Kinuwento ko na sa 'yo 'di ba?"

"Yeah.. but not that part. The park part.."

Napaisip naman ako. Bakit ba gustung-gusto niyang malaman yung nangyari nun? Ayoko na ngang balikan hangga't maaari eh.

"Fine.. pero 'wag mo sasabihin kahit kanino." umupo ako doon sa damuhan ng bahay ng may bahay. Umupo rin siya, "Yun nga, nagpunta ako sa park at doon ako nag-iiiyak. Syempre, grade school pa ko nun.. iyakin pa ko. Sinipa ko yung puno ng bayabas na nandun.."

Tumawa na naman siya..

"Basta may nakita ako nun. Nagsisisigaw na ako nun at tumakbo sa bahay namin. Nagtago na ako. Nakita ko.. maraming tao na sa labas. Umiiyak pa rin ako nun, di ko alam kung para saan na. Sa nakita ko ba, o dahil kay Shalyna. The worst bit, nawala ko yung locket ko. May picture pa man din ako nun nung baby ako at nung Nanay ko."

Dahil saglit lang ako nagkwento, tumayo rin ako kaagad at pinagpag ko yung jogging pants ko. Siya naman eh nakaupo pa rin doon at tinitigan lang ako.

"Don't stare at me like that!!!"

"Ooh." natauhan yata siya, "Sorry."

Sinabayan lang niya ako magalakad nun. Malapit naman na kami sa bahay namin. Nagulat ako sa kanya.. kaya lang biglang nag-iba na naman.

Nag-bye na ako sa kanya at papasok na ako sa bahay namin. Bigla ba namang sumigaw ng..

"PSSST! SEXY!"

Asar na ako nun. Ayokong tinatawag ako ng sexy eh. Lumingon ako.

"Huwag mo akong tatawaging sexy ah! Ayoko no!"

"Eh bakit lumingon ka?" tumawa naman siya.

"Kasi po, pinagbabawalan kita."

Tinalikuran ko na siya nun at hawak k na yung knob ng front door namin. Seryoso na siya nun.

"Chris... kung saka-sakali ba gusto mong ma-meet yung Nanay mo?"

"Yeah. Kahit makita ko man lang siya."

"I'll pray for you.."

Nginitian ko na lang siya nun..

"Thanks."

Nagsimula na syang maglakad nun. For some reason.. hindi pa rin ako pumasok nun at hinihintay ko siya. Pero hindi siya tumuloy.. pumasok sa gate namin uli at pumunta sa harap ko.

"Ano na naman? Akala ko uuwi ka na?"

"I just want to tell you something.." hinawakan niya yung dalawang kamay ko.. "Tingin ko kasi ang dami mong dinadala masyado sa sarili mo. But.. when you got yourself handful.."

"You can always count on me.. WIFE!" di ko alam kung biro ba yun o ano,.. pero napatawa niya ko.

R-13 (COMPLETED - 2006)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon