***32***
Ayaw niya ng lumalalang away? Eh bakit napartner ako kay Shalyna? Anak naman ng mundo oh! Sabagay, hindi naman alam ng teacher namin na on-war kami ni Shalyna. Hindi ba pwedeng pick your own partner? Magkaka World War 5 kapag si Shalyna ang partner ko.
"Mam hindi naman--"
Hindi niya ako pinansin.
"Ash, partner mo si Chester. As for the rest of you, pick your own partner."
Tumayo naman ako sa upuan ko.
"Hindi po ba unfair naman yun? Pick your own partner sila tapos kami eh may assigned?" nangatwiran pa ako.
"Who's the teacher here Ms. Orellana? I am." tumango-tango siya, "Kaya huwag na nating i-push pa at baka bigyan ko kayo parehas ni Mr. Valdez ng referrals. Fighting in class. I believe you can't afford to have one because you're qualified in the pageant."
Ganun pala yun? Kapag may record ka hindi ka kasali? Magandang magka-referral ako para maalis na ako sa pageant. Tama. Kaya lang, date ko na si Chester. Ang laki na rin ng atraso ko sa kanya. Kawawa naman kung hindi ko pa sisiputin.
Naupo na lang ako doon sa upuan ako.
"Thanks alot Mam." sarcastic yung pagkakasabi ko pero mahina.
"Thanks alot partner ko si Chester." halata kong asar din si Ash.
"Mabuti nga si Chester. And thanks to you partner ko si Shalyna."
Sumabat naman si Shalyna mula sa side niya.
"Thanks alot Chris. Now I have to deal with you." tinignan ko lang siya ng masama.
Hindi na ba matatapos ang kaka-thank you?
"Ikaw Chester, may gusto kang pasalamatan?" tumingin lang si Chester at ngumiti.
Inayos ko na lang yung pagkakaupo ko. Wala naman pala eh. Very well then.. 'YOU'RE WELCOME!!!'
***
"I can't believe it!" hawak ko yung kutsilyo nun at pinagsasasaksak ko yung manok na nasa harapan ko. "I-CAN'T-BELIEVE-IT!"
Bumaba ng hagdan si Kuya Christopher at nagbukas ng refrigerator.
"Believe it." tapos uminom siya at nalunod yata, "Chris anong ginawa mo diyan sa manok? Ititinola ni tatay yan ah!"
Tumingin ako doon sa manok. Hindi ko na napansin. Kawawa naman.
"I am going to work with the wicked witch of all generation! Si Shalyna!"
"Wicked-who? Akala ko ikaw na ang wicked witch of all generation?"
"Kuya.. not helping!" tapos sinaksak ko yung manok one last time.. naiinis kasi ako eh,"Kasi si Ash eh. Nag-aaway kami nun kaya binigyan tuloy kami ng assigned partner. Dapat pick your own yun eh."
"Nag-away kayo ni Ash?" tapos nag-snap siya doon sa gilid. "Naman oh!"
Nagtaka naman ako sa kanya.
"Ano namang ibig sabihin niyan?"
Umupo siya doon sa counter namin.
"Actually Chris, ewan ko kung magagalit ka sa amin ni Christian ha. Kilala na namin si Ash, kaya boto kami sa kanya kahit anong mangyari.." nag-eexplain pa siya at kasabay pa yung kamay niya..
"Kuya!"
"Teka hindi pa ko tapos. Yun nga, lately.. may mga nagpupunta dito na mga guys. Ok ok.." tinignan ko kasi siya ng masama, "Mga classmate mo yata yung mga yun. Baka umaakyat ng ligaw. Malay namin, first time 'to nangyari eh." nanlisik yung mata ko.