Chapter 2

1.9K 18 2
                                        

A relationship is like a rose,

How long it lasts, no one knows;

Love can erase an awful past,

Love can be yours, you'll see at last;

To feel that love, it makes you sigh,

To have it leave, you'd rather die;

You hope you've found that special rose,

'Cause you love and care for the one you chose.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ilang araw na lang pasukan nanaman, nakakainis," sabi ni Kim kay Jill.

Nagawang magbakasyon ni Jill kina Kim, matapos ng mahabang pakiusapan sa Mama niya ay napapayag din niya ito na bigyan sila ni Kim ng chance na magkasama kahit one week lang bago magsimula ang pasukan.

By next school year makaiba na sila ng school na papasukan. Si Kim ay sa Laguna mag aaral since naroon ang best agricultural school para sa kanya. Samantalang si Jill ay sa Manila parin to take up masscom.

"Ang bilis ng araw. Tapos na agad ang bakasyon. Parang ayaw ko pa matapos ang baksyon," sagot ni Jill habang nakatanaw rin sa tintanaw ni Kim. Ang papalubog na sikat ng araw.

Mula ng magbakasyon siya kina Kim tuwing dapit hapon nakaugalian na nilang dalawa na sabay panoorin ang paglubog ng sikat ng araw habang nakaupo at nakasandal sa puno at mahigpit na yakap na Kim.

"Matatagal pa bago ulit tayong magkita. Mamimiss kita,"

"Hey,"sabay kalas mula sa pagkakayakap ni Kim at humarap dito. "diba kaya nga tayo magkasama ngayon."

'Still, mamimiss pa rin kita. Bakit ikaw hindi mo ba ako mamimiss?"

"Mamimiss."

"Come here," at muling niyakap ni Kim si Jill. "Promise me onething."

"What?"

"Hindi mo ako ipagpapalit sa iba."

Bago sumagot muling kumawala si Jill ngunit hindi ito nagtagmpay. Lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Kim. "I will not do that. Hindi porket magkakahiwalay tayo ng school e, ibig sabihin papalitan na kita."

"Worried lang ako, baka makahanap ka ng mas better sa akin."

"Stop thinking like that. Ano ka ba? Hwag mo nga pairalin ang insecurities mo ngayon."

"Promise to always keep in touch ha."

"Yes, i will. At kung maluwag ang sched ko sa school i could visit you. And you could do the same."

"Parang gusto ko na tuloy magshift ng course para magkasam pa rin tayo."

Natatawang sinagot ito ni Jill "Hindi pa nga nagsisimula ang pasukan magshift ka na agad ng course. And don't you ever do that."

"At bakit naman?"

" Dahil magagalit ako sayo. Tama na nga bago tayo maging emo dito."

Wala na nga muling nagsalita sa dalawa. Tahimik nilang pinagmasdan ang paglubog ng araw. Ninanamnam ang mga nalalabing araw na magkasama sila.

Sa mga darating na araw parehong mababago ang takbo ng buhay nila. Ang relasyon na ngayon palang nagiging matatag ay dadaan na agad sa matinding pagsubok. Na sana ay pareho nilang malampasan. Kahit sabihin natin na marami ng ways of cummunication ngayon iba pa rin kung lagi mong nakikita ang taong mahalaga sa'yo. Lagi mong nakakasama.

Oo o Hindi?!  Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon