Jill's POV
Ano ba ito linggo palang ang lumilipas miss ko na si Kim ng sobra. Araw araw naman kaming nag uusap. sa text nga lang. kung minsan sa skype pag may free time kami pareho.
"Haaay."
"O, bakit?"
Napalakas yata ang sigh ko
"Wala," maigsi kong sagot habang nilalaro ang pasta sa plato.
Launch break at nasa fast food chain kami na malapit sa campus para sa pananghalian kasama si Grace. My classmate noon high school. Same kami ng course and good thing magkaklase pa kami this sem.
"Wala ba yan? kanina ka pa tingin ng tingin dyan sa phone mo. may hinihintay ka bang text?"
"Hindi pa kasi siya nagrereply."
"Baka busy yun. Kumain ka na nga."
Naikuwento ko na kay Grace ang tungkol sa amin ni Kim. Hindi pa niya ito nakikilala ng personal pero nakita na niya sa picture. First time na muli kaming magkita she's been asking asking me kung sino ang kasama ko sa mga nakapost na picture sa multiply account ko. Ang sweet daw naming tingnan. Kaya ayun kinuwento ko na ang tungkol sa amin ni Kim. At first ayaw niyang maniwala. Hindi naman siya against sa same sex relationship hindi lang raw niya lubos maisip na papasok ako sa ganitong klaseng relationship.
Nakakainis. Kanina pa ako nagtetext kaya lang walang reply from her. Ano kaya ang gingawa nito? Lunch time na busy pa rin. Samantalang dati naman ito pa ang unang nagtetext pag launch time. Asking kung kumakain na ba ako ng launch. Ano ang kinakain ko. Pero ngayon hindi pa siya nagpaparamdan. Good morning message lang early this morning.
Parang hindi ako sanay na walang narerecieve na text message from her.
"Hello,Jill to earth," agaw pansin ni Grace. "Are you here with me?"
"Sorry Grace, hindi lang ako sanay ng ganito. I haven't heard from her." worried na sabi niya.
"Hwag ka ngang paranoid dyan."
"Tara na nga baka malate pa tayo."
"Hindi mo ba uubusin ang kinakain mo?"
"wala na akong gana."
"Ipakilala mo nga sa akin yang Kim na yan. At ng maintindihan ko kung bakit ganyan ka na lang ka-affected," komento pa nito habang palabas kami. "oras pa lang ang lumilipas na hindi siya nagrereply ay ganyan ka ng mag isip."
"Now lang kasi nangyari na hindi siya nagreply sa text ko. I don't know what to think."
"Malay mo nga busy yung tao."
"Siguro nga sobrang busy kaya hindi makareply."
KIM's POV
Birthday ng isa naming classmate libre kami ng launch doon sa bahay nila. Nakahiya namang tanggihan kaya join na rin ako sa kanila. Simula ng pasukan ngayon lang ako sumama sa mga yaya nila sa akin. Madalas kasi lagi akong nagpapass pag may gala ang tropa.
Sa kamaang palad lowbat ang cp ko need ko pang makicharge kina Tina pagdating sa kanila. Hindi tuloy ako nakapagpaalam kay Jill. Hindi naman kalayuan ang bahay nila mula sa school.
"Sige magcharge ka na dyan,"
Turo ni Tina sa plug na pwede kng gamitin pagdating namin sa kanila habang naglalakad ay nagpaalam na ako sa kaya kung maaring maki charge ng cellphone pagdating sa kanila. Biniro pa nga niya ako na kung kailangan ko na raw magtext ay papahiram niya muna sa akin ang cp niya. Alam niya kasi na ito ang lagi kong hawak tuwing free time. Kung sino ang katext ko ay wala siyang idea. Wala silang idea.
