Grabe lang ang antok ko. Gusto ng pumikit ng mga mata ko. Kung sanay lang akong matulog sa biyahe malamang tinulugan ko na si Auntie on our way to Batangas. Kaso commute kami kaya kahit anong gusto kong pumikit hindi ko magawa. Kung bakit ba naman kasi hindi kami pinasundo ng mabait kong ama. Mabuti na lang at hindi marami ang dala namin kung nagkataon kanda hirap kami sa kabubuhat nito.
Kaya naman pagdating namin sa bahay sa kuwarto ang tuloy ko. Bahala sila, basta matutulog muna ako. Binuksan ko muna ang bintana sa kuwarto bago nahiga sa papag na nalalatagan ng kutson. Namiss ko ang higaan ko. Sobra.
Ganda na ng panaginip ko na may maramdaman akong nakalabit sa akin. Istorbo naman! Kung kelan magkikita na kami ni Bhe saka pa may istorbo. Bahala nga sya dyan mangalabit hindi ko na lang papansini baka at umalis na lang. Istorbo ha! Kainis.
Saan na nga ba naputol ang panaginip ko? Ah, doon sa airport. Parating nasi Bhe at heto ako susundo sa kanya....
Nakakairita.
My GOODNESS! Ano ba ito at bakit ayaw akong tigilan. Hindi ba nakakahalata ito na ayaw kong bumangon!
“Ano.......” ow my golly wow. Ano ba? Nananaginip ba ako o ano? Hindi ko alam kung ano ang hitsura ko napangiti ang nasa harap ko ngayon. “Bhe? “ well hindi ako sigurado kung siya ang nasa harap ko o dindaya lang ako ng aking paningin. Kahit na anong kusot ang gawin ko sa mata ko siya talaga.Si Bhe talaga ang nasa harap ko.
“Ang hirap mo namang gisingin.”
“Kailan ka dumating?” hindi pa rin ako makapaniwala na si Bhe talaga ang nasa harap ko. Hindi niya nasabi na pupunta siya ngayon dito. Oo alam ko na uuwi siya, pero hindi ngayon.
“Kararating lang namin. Bangon ka dyan,” utos pa niya sa akin. “Kanina pa sila naghihintay sa labas tayo na lang ang kulang.”
“Hayaan mo na sina Papa doon,” mahigpti kong niyakap si Bhe. Grabe na miss ko siya ng sobra. Hanngang ngayon parang hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama kami.
“O, tama na. Mamaya na uli. Labas na tayo, nandoon si Mama baka kung ano pa ang isiping ginagawa natin dito. Tayo na.”
“Kasama mo Mama mo?”
“At bakit ayaw mo?” nataasan tuloy ako ng kilay ng wala sa oras. Hindi naman sa hindi ko gustong makasama ang Mama niya hindi lang din ako makapaniwala na mapapasama niya rito si Tita. Yun lang.
“Hindi naman. Tara na nga labas na nga tayo,” aya ko na bago pa ako awayin ng mahal ko.
Naratnan namin ang lahat na nakapuwesto na sa table at kami na nga lang dalawa ni Bhe ang kulang. Bakit parang ang awkward? Hindi ako sanay na nakakasama ko si Tita sa iisang lugar. Hindi ako komportable.
After kong magbigay galang ay naupo na rin ako sa tabi ni Itay. At si Bhe naman sa tabi ng Mama niya. Si Auntie na ang sabing prayer and then the eatign beggin. Hinid ko alam kung kailan niluto ang mga putaheng narito ngayon sa hapag. Wala naman kasi akong napansin kanina ng dumating kami. O baka nga hindi ko lang napansin dahil imposibleng ngayon lang ito niluto pagkarating namin. Hindi naman ganon katagal ang itinulog ko para maihanda nila kaagad ang lahat ng ito. At isa pa, bakit parang pinaghandaan talaga? Ang dami kayang ulam and take note mga paborito pa ni Bhe.
Hmmm.....
Ang aking ama mukha may paborito ng anak. Ako lang naman ang alam kong nag iisang anak niya.
After ng late lauch sa labas ng bahay lang ang tambay. Sa mahabang upuang kawayan sa harap ng bahay. Kasama ni Itay at Auntie si Mama ni Bhe, samatalng kaming dalawa ay sa baitang ng hagdan naupo.
"Na surprise ka ba?" tanong niya sa akin. Hawak ko ng kamay niya habang magkatabi kaming nakaupo. Gusto ko siyang yakapin kaso nahihiya naman ako sa Mama niya. Baka kung anong isipin.
"Oo. Bakit hindi mo sinabi na darating ka ngayon?"
"E di hindi ka na masusurprise kung alam mo na darating ako. Ano pang ang essence?" oo nga naman. May punto si doon. Supalpal naman.
"Kailan pa kayo umuwi?"
"Kahapon. Dapat nga dito na kami tutuloy kaya lang ayaw ni Mama gusto raw muna niyang umuwi sa bahay at saka sabi ni Papa na wala ka pa raw rito."
"So magkausap kayo? Kaya naman pala."
"Anong kaya naman pala?"
'Pagdating mo ang ipinaghanda niya. Puro favorite mo ang niluto."
"Tinanong ako kung ano ang mga gusto kong kainin di sinabi ko. Malay ko bang ipapaluto ni Papa. Bakit selos ka naman?"
"Hindi."
"Hindi ka dyan?" sabi niya bago tinawag ang pansin ng mga nasa ibaba "Pa nagseselos si Kim bakit daw puro paborito ko ang inihanda nyo?"
"Ipagsigawan daw ba?"
"Ano daw kamo?" ayan na si Itay.
"Wala po," ako na ang sumagot at baka kung ano pa ang sabihin ni Bhe.
Patay oras togerther with my Bhe. Nawala na rin ang antok ko. Kasama ko na kasi ang pinakamamahal ko. Kaya heto at buhay nanaman ang dugo ko.
Mabuti na lang naisipan ni Tita na magpahinga muna. Masosolo ko si Bhe. Hahaha..... Syempre kailangan nya munang samahan si Mama niya sa kuwarto nila. Kuwarto nila? Sayang akala ko pa naman makakatabi ko si Bhe sa pagtulog. Hindi pala (T_T)
"Good girl ka ba nung wala ko? Baka naman kung kanino ka nakikipagflirt ha?"
"Hindi ako flirt. Sa'yo lang."
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Wala akong balak magpapansin kung kanikanino. Ikaw lang ang gusto kong laging papansin sa akin. Wala ng iba."
"E, paano mamiss mo ako tapos wala ako. Ano ginagawa mo?"
"Ako walang ginagawa Pero ang tropa. Sila ang nagawa ng paraan para hindi kita ma miss. Ikinukuwento ko naman ang lahat ng mga ginaawa nila. Minsan nga nagtataka na ako kung paano nila nalalaman, hindi ko naman sinasabi sa kanila na miss na kita ng sobra sa'yo lang."
Hindi ko alam pero parang napangiti siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng ngiting yun. Itatanong ko sana kaso niyakap naman niya ako ng ubod ng hgpit. Kaya nawala na rin sa isip ko na alamin pa ang kahulugan ng kakaiba niyang ngiti. Hindi na balae na ang mahalaga magkasama kami ngayon.
Kakaiba talaga itong si Bhe, muntakin nyo ba naman napasama si Tita na pumunta sa manggahan. Kahit sobra taas ng init ng araw. Patanghali na kasi at doon kami manananghalian kasama ang mga nagtatrabaho sa manggahan. Nag early info naman si Itay na doon kami kaya naman itong si Bhe todo ang kumbinsi sa ina sumama no choice naman kasi walang ibang maiiwan dito sa bahay kung hindi siya sasama.
Naratnan namin na inilalatag na nila ang dahon ng saging sa mahabang lamesang kawayan. Mukhang mapapasubo si Tita ngayon. Siguradong boodle fight ito. Lagi naman pagdito ang venue ng kainan.
"Bhe baka hindi makakain si Tita," sabi ko matapos hilahin si Bhe kung saan hindi kami maririnig ni Tita.
"Don't under estimate my mother Kim," banta naman niya sa akin pero all wide ang smile. Abot pa nga tenga ei.
============================================================
Happy New Year Everyone......
Damn! vacation is over need to report for work tomorrow :~-(