As expected, naging head turner ang grupo ng pumasok ang anim sa loob ng bulwagan kung saan idinadaos ang pagtitipon.
Mga feeling artista. Lalo ng ang mga guys. Hindi maiwasan ng mga school mate na sundan sila ng tingin.
"Mukha ba tayong artista?" mahinang tanong ni Andy habang tuloy lang sila sa paglalakad ng sabay sabay patungo sa bakanteng upuan.
"I bet maraming mag aask na isayaw tayo mamaya," si Raffy.
"Feeling mo naman...!" bara rito ni Grace.
"Wanna bet?" hamon ni Raffy dito.
"Hindi na," alam ni Grace na hindi siya mananalo kung yon ang magiging pustahan. Isa rin sa campus crush si Raffy and for sure marami nga talagang pipila rito para makipagsayaw.
Almost everyone is on the dance floor, sumasabay sa musikang pinakawalan ng technical team. Ang mga guys ay busy na rin sa dance floor kasayaw ang mga classmate na girls na sinundo pa sila sa kanilang table.
"Kim, lets dance," aya ni Tina kay Kin na nagpaiwan lang sa upuan nito. Hindi sa walang nagyaya rito ayaw ang talaga nitong tumayo at makipagsayaw. "Come on," pilit niya rito hila sa isang kamay. Na tinulungan pa ni Grace ng makita ang ginagawa ni Tina. Pareho nilang iniwan ang kasayaw sa dance floor para lang madala sa dance floor ang kaibigan na ang balak yata ay magbutas ng upuan.
"H'wag kang KJ, tumayo ka dyan," sabi ni Tina rito. "Enjoy the night, lot of girls want to dance with you, alam mo ba yon."
"At isa na kami sa mga girls na iyon," mapanuksong sabi pa ni Grace.
Walang nagawa si Kim ng buong puwersa siayng pinagtulungan ng dalawa na madala sa gitna. Parang nahawi ang lipon ng mga nagsasayaw ng hilahin siya ng dalawa sa gitna. At sinabayan ng sayaw. Parang mga lasing lang ang mga ito. Ang lakas magtrip. Sabay pang nagsexy dance ang dalawa sa kanya. Ang isa sa likod at ang isa sa harap.
"That was hot," sa lakas ng musika ay narinig niyang komento ng isang schoolmate na nakatingin at na nonood.
Hot talaga. Two super attractive girls is dancing with her at the same time. Sino ba ang hindi maingit sa kanya sa mga oras na ito. I bet, most the guys wish to in her shoes right now.
"Lasing na ba kayong dalawa?" Kim manage to ask.
"Hindi pa naman.Bakit?"
"Ang wild nyo ng dalawa."
"We just doing you a favor."
"Ha?!"
"Pinapataas namin ang value mo. Kanina pa namin naririnig na pinag uusapan ka. Marami palang may crush sa'yo. Mga nahihiya lang. Now kung ayaw nilang magparamdam bahala sila mamatay sa inggit."
"Ewan ko sa inyo."
"Ayaw mong maniwala," si Grace na nasa likod. Bahagya pa itong lumapit kay Kim. Halos dikit na ang katawan dito bago inilapit ang mukha malapit sa tainga ni Kim at may ibinulong dito na hagit din ng pandinig ni Tina. Sabay silang tatlong tumingin sa direksyon na sinabi ni Grace.
"That girls has a crush on you," gamit ang nguso ay itinuro nito ang isang babae na matamang nanonood sa kanila.
"And she looks so jealous," lalo pang inilapit ni Tina ang katawan kay Kim.
"Naiilang na ako. Hwag kayong ganyan."
"Okay lang yan. Minsan lang 'to"
"Makisakay ka na lang. Enjoy the attention."
All night na hinid nakablik sa upuan ang mga boys na kasama. Mga walang kapaguran ang mga ito at hindi na napahinga sa pagsasayaw. Kung sinu sino ang nakikita nilang kasayaw. Sa bawat palit ng kanta palit din ng kasayaw.
