Chapter 21

978 16 0
                                    

Monday morning.

Kahit tinatamad bumangon ay wala ng nagawa si Kim kundi tumayo at patayin ang alarm clock na kanina pa nagwawala. Kung nasa tabi lang ang relo panigurado na hiirit pa siya ng ilang minutong pagtulog na magiging dahilan para malate siya sa pagpasok.

Nakahain na ang almusal ng lumabas ng kuwarto si Kim. Timpla na rin ang mainit niyang kape na siya na lang ang hinihintay. 

Wala si Aunti Hermie sa bahay. Malamang ay kaaalis lang nito at nagpunta ng palengke. Lunes kasi ang schedule nito ng pamamalengke para sa pagkain nila ng buong linggo, May kalayuan din kasi ang palengke sa kanila kaya naman lahat ng kakailanganin nila ay binibili na nito. At yung kung may iba pang kakailanganin ay talipapa na lang ito nagpupunta.

Matapos masiguro sarado na ang mga dapat na isara sa bahay ay lumabas na ng bakuran si KIm at naghintay ng sasakyan patungo sa school. Na hindi naman nagtagal ay may tumigil na tricycle. May pasahero na ang sasakyan. Malamang student din ito. Same kasi ang uniform nila,

Ilang sandali pa ay naglalakad na siya papasok sa campus. Sa quad na tumuloy si Kim, panigurado naroon na rin ang tropa. Hindi nga siya nagkamali. Kumpleto na ang tropa siya na lang ang kulang. Kanya kanya na naman hawak sa mga gadget. Palibahasa wi-fi zone ang buong campus malamang kung anu ano na naman ang ginagawa ng mga ito.

"Anong meron?' bati niya sa mga ito. Nakiupo na rin siya sa mga ito at nakisilip kung ano ang pinagakaabalahan.

"Yung videong ginawa ni Andy nakapost na at inuulan na ng comment," si Grace.

Hindi pa napapanood ni Kim ang buong video. Curious rin siya sa videong ginawa ni Andy Taking a mental note na pag may time mamaya ay panonoorin niya ang video.

Mabilis na lumipas ang maghapon namalayan na lang ni Kim na dismisal na ng last subject nila for the day. 

"Kamusta ka na?" si Tina habang sabay sabay silang papuntang parking. Kung saan naroon ang kotse ng mga boys. Meryenda muna sila sa paboritong kainan bago magsiuwi.

"Okay lang."

Okay lang. Fine. The most common lie we tell. 

Katulad nila naroon rin ang iba nilang mga schoolmate. Naging click na tambayan na ito ng mga student. Bukod sa mura masarap pa ang mga meryendang mabibili. Patok na patok rito ang halo halo. Lalo pa ngayon na may kainitan ang panahon. Tapos sasamahan mo pa ng special siopao. Solve ka na. 

 "Ano ba ito dinner na?" tanong ni Grace ng dumating sina Raffy at Mike dala ang mga order nilang pagkain.

 Bukod sa usual na special halo-halo may kasama rin itong pansit bihon na paborito naman ni Andy idagdag mo pa ang siopao asado.

'Hindi naman kayo gutom ng lagay na yan noh?" si Tina. "Mauubos nyo ba iyan?"

"Anong nyo ka dyan? Natin."

"So, damay damay talaga?!"

"Syempre naman. One for all, all for one."

"Simulan na para matapos. Walang tatayo ng hindi ubos ang mga 'yan."

At sinimulan na nga tropa ang pagkain. Pare pareho din kasi silang mga hindi na nakuhang magmeryenda. Dami nilang ginawa sa green house hindi na namalayan ang paglipas ng oras. Ilang araw lang nilang hindi nabisita ang mga tanim, ayun at my mga damo ng agad tumubo sa paligid nito.  Naglipat din sila ng ibang mga tanin na pwede ng itanim sa labas. Kahit tirik ang araw ay hindi nila alintana ang ginagawa. enjoy naman kasi silang lahat. Common interst nila ang paghahalaman. Sila na ng mga magsasakang mayaman. Pare parehong may mga kaya sa buhay pero bale wala kung maputikan.

Minsan na rin silang pare prehong umuwi na putikan. Kung hini ba naman mga sira ulo ang mga kasama out of nowhere naisipang magbato ng putik. Ayun mud fight ang nangyari. Mabuti na lang at hindi sila napagalitan ng prof nila matapos na punuiin nila ng putik na nagtalsikan ang paligid.

"Saan ang next gimik natin?" si Raffy habang nanguya kahit kailan talaga ugali na nito na magsalita kahit may laman ang bibig.

"You are so gross," si Grace kay Raffy.

Dinililaan lang ito ni Raffy na may kasama na kasama pa ang kung ano ang kinakain nto.

"Yak!" sabay na sabi ni Tina at Grace sa ginawa ni Raffy. "Kadiri," habang ang iba naman ay natatawa lang.

Sanay na naman sila sa ganoong ugali ni Raffy, papansin lang talaga ito at paboritong galitin ang dalawang babae na may sadyang taglay na kaartehan sa katawan. 

"Guys, i have to go," paalam ni Andy. "hinahanap na aq ni Babe, see u tomorrow," agad itong tumayo dala ang gamit at lumabas. 

"Hindi pa ubos aalis ka na?" 

"Kaya nyo na yan."

Pag girlfriend na ang tumawag kahit na ano pa ang ginagawa ay iiwan talaga ni Andy. Ilang beses na ba nitong ginawa ioyn. Mabait rin naman ang girlfriend ng friends nilang boys. Kilala rin sila ng mga ito. Never na nagselos ang mga ito sa kanila kahit pa sabihin na close sila sa isa't isa. O, kaya naman talaga lang malaki ang tiwala nila samga boyfriend na hindi gagawa ng kalokohan.

Madalas rin naman nakakasama ang mga ito sa mga bonding. Nung birthday lang talaga ni Kim hindi nakasama ang mga ito dahil may mga importanteng kailangang gawin ang mga ito. But despite of that hindi naman pinigilan ang mga boys na sumama sa party kahit pa sabihing out of town ito. Sobra lang talaga ang tiwala nila sa isa't isa. Or talaga lang kilala nila ang isa't isa.

"Girls ingat kayo," matapos kumain ay nagpasya na lang maglakad sina Kim. Hindi na sila nagpahatid sa mga boys malapit lang naman ang kanilang bahay sa kinainan. Mas malapat ang bahy ni Grace kaya ito ang naunang makauwi sa kanila. Sumunod ay kina Kim bago pa ang kina Tina.

"Sige, see you tomorrow," kaway pa rito ni Tina bago nila tinuloy ang lakad.

"Hatid muna kita sa inyo bago ako umuwi," sabi ni Kim ng matanaw na nila ang gate ng bahay ni Aunt Hermie.

"Hwag na okay lang ako. malapit na rin naman," tuloy pa rin sa paglakad ang dalawa.

"Hwag ka ng makipag argue. Ihahatid na muna kita."

"Bahala ka. Baka masanay ako ng ganyan ka. Ikaw rin," may halong panunukso rito ni Tina.

"its up to you kung bibigyan mo ng ibang kahulugan ang ginagawa ko. Basta sa akin ginagawa ko ito dahil mga kaibigan ko kayo."

"Magpaliwanag ba talaga? Masyado ka namang depensive. Para binibiro ka lang," natatawa niyang sabi rito.  

"Hind naman sa depensive..."

"Ayan ka nanaman. Stop na. hindi na ako naasa na magugustuhan mo pa ako dahil may Jill ka na mahal ka at mahal mo rin." nakangiting sambit ni Tina. "Huli na ng makilala kita. May mahal ka ng iba."

"Drama," naiiling na lang na komento ni Kim. Madalas naman kasing ganito si Tina. Double meaning minsan ang mga salitang binibitawan. 

"Gusto mong pumasok muna?" sa tapat na sila ng gate ng bahay nina Tina. 

"Hindi na. Next time na lang. Sige na pasok ka na."

"Bahala ka. Ingat sa paglalakad. Hwag masyadong mag isip ng malalima at baka matalisod ka. wala ako para tawanan ka."

'Sira... pumasok ka na nga," pagtataboy niya rito. At ease na ito sa pang aasar sa kanya. 

Kahit wala si Jill sa tabi ngayon nababawasan na rin ang lungkot na kanyang nararamdaman dahil na rin sa mga kaibigan na lagi na lang ring nagpapasaya sa kanya sa tuwing makikitang may lungkot nanaman sa kanyang mga mata.

Oo o Hindi?!  Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon