Naging tutol ako sa relasyon nila, hindi dahil sa ayaw ko kay Kim, kundi dahil ayaw kong masaktan lang ang aking anak. Ayaw kong maranasan niya ang naranasan ko noon. Nagmahal din ako ng tulad ni Kim at sa kasamaang palad hindi naging maganda ang relasyon namin. Hindi naging maganda ang paghihiwalay namin at puro sakit lang ang idinulot niya sa akin. Isang dahilan kung bakit ayaw ko sa mga katulad ni Kim. Para sa akin hindi sila mapagkakatiwalaan. Sakit lang ang maidudulot nila. At bilang ina hangga't maari ayaw kong maranasan iyon ng aking anak.
Ngunit sa paglipas ng panahon napatunayan nilang dalawa na tunay ang nararamdaman nila sa isa't isa. Nakita ko rin kung gaano kamahal ni Kim ang aking anak. Hindi niya ito isinuko. Nakita ko ang effort niya, mapatunayan lamang hindi lang kay Jill maging pati sa akin na seryoso siya sa aking anak. Sabay nilang hinarap ang pagsubok na nakalaan para sa kanila.
Humanga rin ako kay Kim ng personal niyang ipinaalam sa akin na gusto niyang makasama ang aking anak ng pangmatagalan. Nagulat ako sa lakas ng loon niyang gawin iyon. Doon pa lang napatunayan ko na kung gaano niya kamahal ang aking anak. At alam ko na seryoso talaga siya.
Matagal na niyang plano ang magpropose kay Jill kuwento niya sa akin. Humahanap lang siya ng tamng tiyempo at gusto niya munang hingin ang basbas ko sa gusto niyang gawin. Ipinangako rin niya sa akin na gagawin niya ang lahat para mapasaya at mapubuti ang ang pagsasama nilang dalawa. Ipinangako niya rin na aalagaan niyang mabuti ang aking anak.
At ngayon, nakikita ko na tinutupad ni Kim ang mga ipinangako niya sa akin.Masaya sa piling niya si Jill Hindi maikakaila iyon sa tuwing nagkikita kami. Minsan lang akong bumisita sa kanila at hindi maikakaila ang kaligayahang pareho nilang nararamdaman lalo na kapag magkasama sila.
Pareho na silang ngayong matagumpay sa buhay. Pinagyaman ni Kim ang plantasyon nila ng mangga malaki ang naitulong ng tinapos nito upang mapalago ang taniman na ngayon ay hindi lamang isang bunga ang inaani. Iba’t ibang prutas na rin ang inaalagaan nito. Nasa top ten list din siya ng best fruit exported sa bansa. Bakit ko alam yon? Kasi siya ang nagsusupply ng prutas sa isang malaking tindahan ng prutas ng aking kaibigan na nasa ibang bansa.
Samantalang ang aking anak na si Jill ay mas piniling mamasukan sa isang local telecomunication company sa Batangas. Kahit may offer sa kanya sa ibang malalaking company. After niyang makagraduate sa Batangas na rin siya umuwi para makasama ang legal partner in life niyang si Kim.
Oo, nagpakasal ang dalawa sa ibang bansa ng minsang dalawin ni Kim si Jill. Hindi na ako tumutol sa kanilang plano dahil nakita ko naman na pareho silang masaya. At ngayon ay pareho na silang sa Batangas nauwi. Sa maiking panahon ay makapagpatayo na rin sila ng sariling bahay sa malawak na lupain na malapit lang din sa bahay ng ama ni Kim.
Nakita ko kung paano nila suportahan ang isa’t isa. Naging inspirasyon nila ang isa’t isa para marating ang narating nila ngayon. Natutuwa ako na makita silang masaya ngayon. At higit sa lahat, puno pa rin ng pagmamahal para sa isa’t isa.
============================================================
Salamat sa lahat ng suporta, sa mga nagtiyagang magbasa ng unang story na ipinost ko dito sa Wattpad na nagkaroon din ng ending matapos ng mahabang panahon.
Salamat din sa mga bagong kaibigang nakilala ko dito.(^o^)丿
Looking forward to gain more cyberfriends
Good bless everyone...