Chapter 22

1K 17 2
                                        

Mabilis na lumipas ang araw. Hindi na nila namalayan pareho-pareho na malapit na ang pinakahihintay ng lahat. Christmas season. Time to spend time with loves ones. For sure babalik ng Batangas si kIm kasama si Auntie Hermie para sama sama sila ngayong pasko. Same din ng ibang mga ka tropa. Malamang kasama rin ng ma ito ang mga mahal sa buhay sa pasko.

Pero bago maghiwahiwalay ay may isang party pa silang kailangang puntahan. Lahat ng schoolmate ay require na umattend. With in the school lang naman gagawin ang party. And everyone whose involve to the committee is so busy preparing for it. Everyone is welcome to help kahit hindi member ng committee but their group decided na hayaan na lang sila.

Sila na ang mga tamad }:-)

Since the party is exclusive, no outsider is allowed. Hindi madadala ng mga boys ang kani kanilang mga significant other. So they decided to come as a group. All of them will come together. Nakaset na rin, since si Andy ang may mga sasakyang na pwedeng mahiram sa parent nito na magkakasya silang lahat ito na ang magiging official driver nila.

"Walang problema basta hwag nyo lang akong paghihintayin," sabi ni Andy na kay Grace nakatingin.

"O e bakit sa kin ka nakatingin?" reklamo nito ng mabasa kung ano ang nasa isip ng isa. "Ako lang ba? Ha?'

"Mas madalas na ikaw ang laging nagpapahintay. Consistent late sa usapan."

"Grabe ka naman."

"Basta pagsinundo ko kayo hindi nyo ako paghihintayin."

'Fine!"

Napagkasunduan ng mga girls. (sempre kasama si Kim doon) na kina Grace na lang magpalipas ng gabi. Para isang sunduan na lang ang gagawin sa kanila. Nakakahiyya rin naman kasi sa guwapong driver nila.

Dala ang lahat ng mga gagamitin kinabukasan, sabay na nagtungo sina Tina at Kim kina Grace. Tulad ng inaasahan ay nag aabang ng ito sa gate ng kanilang bahay. 

"Kumain na muna kayo," alok ng Mama ni Grace sa kanila matapos nilang bumati ng magandang gabi sa mga ito na kasalukuyang nanonood ng tv ng dumting sila.

"Tapos na po Tita," tanggi ni Tina.

"Ah, ganon ba? Sayang naman. May bake macaroni pa naman ako dyan. Diba favorite nyo yun?" mapanuksong tanong pa nito sa kanila.

The ever favorite bake macaroni na madalas nilang irequest na baunin ng kaibigan lalo na kung ang Mama ni Grace ang may gawa. O kahit na ano basta ang Mama ni Grace ang nagluto sigurado na pasado sa panlasa nila. Ikaw ba naman ang magkaroon ng ina na kilalang chef. 

"Hmmmm....pakipot ka pa. Hwag ka na mahiya tara na," aya ni Grace sa dalawa.

"Help your self girls, h'wag ng mahiya."

At home na rin sila sa bahay nina Grace. Mabait ang magulang nito. maging ang nakakatandang kapatid ni Grace ay kasundo rin nila. Tanggap rin ng mga ito na mayroon kaibigan na katulad ni Kim ang anak.

After makakain ay nagtuloy na ang tatlo sa sariling kuwartto ni Grace. Simple lang ang silid nito. Malayo sa ipinapakita nito medyo may pagkasosyal. Organise ang mga gamit sa loob ng silid. Walang makikitang gamit na wala sa tama nitong lagayan.

Makatawag pansin din ang kulay ng kabuuan ng kuwarto. Purple. Ang favorite color ni Grace. Mula sa mga display  na may bahid ng paboritong kulay hanggang sa sapin ng kama at mga pillow case.

"Dito nyo na lang ilagay ang mga damit nyo," at binuksan nito ang walk in closet na loob ng silid na puno ng iba't ibang klaseng damit at kung anu ano pang gamit nito sa katawan.

"Nasa shopping mall ba tayo?" pang aasar na tanong ni Tina. Alam niyang addict sa kung anu ano ang kaibigan at libangan nito ang magshoping pero hindi niya naisip na ganito karami ang damit nito sa loob  ng sariling closet.

Oo o Hindi?!  Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon