Jill's POV
2013. What a great way to start my new year,
I can't believe na gagawin ni Kim ang mga ginawa niya kagabi. Sabay ng pagpapalit ng taon. Grabe. Hindi ko alam kung paano niya ginawa ang mga iyon. I know hindi madali yon. Nag effort talaga siya. Kim really loves me, hindi sa pinagdududahan ko siya ang love niya sa akin pero until now overwhelm pa rin ako sa ginawa niya.
Flashback
"Kim...." sigaw ko kanya. Kasi ba naman my mga nagpapaputok sa may kalsada e doon pa pumunta. Ewan kung ano yung dala niyang isang plastic na iniabot sa mamang nagpapaputok. "Ano bangg ginagawa mo don?" kaagad kong tanong pagbalik niya. "Punta ka ng punta doon kung maputukan ka?"
"May inaabot lang akong pailaw sa kanila. Walang mangyayaring masama sa akin. Ngayon pa na kasama kita. Mamaya mo na ako pagalitan malapit ng mag 12 o," at ipinakita niya sa akin ang suot na relo. seven minute na lang goodbye 2012 na.
Nawala na rin ang inis ko sa ginawa niya ng yumakay siya mula sa likod ko. First time na ginawa ni Bhe yon ng nasa paligid lang si Mama.
"Makita ka ni Mama," paalala ko sa kanya.
"Hayaan mo na. HIndi naman siguro mamagalit pag nakita ako. New year naman. At isa pa gusto ko yakap kita pagnagpalit ang taon. Best way to start my new year."
HInayaan ko na lang siya. GUsto ko rin naman na kayap niya ako. Mahirap ipaliwanag pero iba ang sayang nararamdaman ko ng mga oras na nakayakap siya sa akin.
Nagsimula ng new year count down,
10
9
8
7
6
5
4
2
2
1......
Lahat ng nasa paligid sumigaw ng Happy New Year. Yun ang alam ko.
Pero ang atensyon ko napako sa pailaw na sinindihan nila. Sakto sa pagsigaw nila ng Happy New Year ang mga mata ko ay napako sa madilim na kalangitan. Na ang tanging liwanag na makikita mo ay salitang "I Love You Jill will you spend a life time with me". Sino ang hindi matutulala doon.
Kasabay ng unti unting paglalaho ng liwanag nilingon ko si Kim na hindi ko namalayan na humiwalay na sa pagkakayakap sa akin. Para sa akin napakatahimik ng kapaligiran. Hindi ako sigurado kung tumigil na ba ang putukan o akala ko lang tahimik.
There she is. Wearing a wide smile in her face.
"Jill, will you spend a life time with me?" ulit niya sa tanong na kanina lang ay nabasa ko sabay lahad ng ng maliit na box na naglalaman ng singsing.
End of flashback
Para akong nakalutang ng mga oras na iyon. Hindi ako makapaniwala ng magpopropose si Kim sa akin. And take note sa harap ng maraming tao. Isama mo pa si Mama at ang pamilya niya na ang mga ngiti sa labi at hidi ko alam kung para sa pagpalit ng taon o kung dahil sa ginawa ni Kim na nasaksihan nila.
And yes. Tinanggap ko ang ring na offer niya. Were officially engage.
Bakit naman hindi ko tatagngapin ang alok niya? Ang lakas ng loob niyang gawin ang mga ginawa niya. Kinausap nya rin si Mama at ipinagpaalam ang plano niyang pagpopropose sa akin.Hinid na niya naikuwento ang buong detalye ng usapan nila pero pinyagan siyang gawin kung ano man ang gusto niya.
Nakita rin siguro ni Mama na seryoso si Kim sa akin. Na talagang mahal ako ng taong iyon. At lahat gagawin niya para lang mapatunayan ang baga na iyon kay Mama.
At ang mga pailaw na talagang pinasadya pa niya. Hindi ko nga alam ng pwede pa lang magpasadya ng ganon. Talagang humanap pa siya ng gagawa at doon pa lang alam ko na matagal na niyang pinagplanuhan ang araw na ito. Sobrang natuwa naman ako sa kanya.
Lahat ng mga hindi ko inaasahan na gagawin niya ay ginawa niya. Paano mo ba namang hindi mamahalin ang ganitong klaseng tao?
I am sure that I want to spend a life time with Kim.