Chapter 7

1.3K 16 1
                                    

"umayos ka nga," saway ni Jill kay Kim na wala ng ginawa kundi nakawan siya ng halik at yakapin ng yakapin.

matapos makapaghapunan ay s balkonahe ng bahay ang dalawa habang ang mga nakakatanda ay nagpaiwan sa loob upnag iligpit ang mga pinagkainan nila. nag offer sila ng tulong sa mga ito sa pagliligpit ngunit tinanggihan sila at kaya na raw nila iyon.

"maayos naman ako ha."

"PDA ka naman baka kung ano isipin ng makakakita sayo," pagpapaalala niya. 

"doon tayo sa loob kung naiilang ka dito," agad naman aya ni Kim na may kakaibang ngiti.

"o, bakit ganyan ka makangiti? ano yang iniisip mo?"

"tara doon tayo sa loob para malaman mo kung ano nasa isip ko," handa ng tatayo si Kim ng hilahin siya pabalik sa upuan ni Jill. 

sabay naman dating ng dalawang matanda na may dalang tray.

"o, mag tsaa muna kayo," si Aunt Hermie. "nainom ka ba ng tsaa Jill?" dagdag pa na tanong ni Auntie. "mainam ito para madaling matunawan." sabay abot rito ng tasa na may mainit na tsaa.

"salamat po,"

tatlong tasa ng may mainit na tsaa pa ang isinalin ni aunt Hermie para sa kanila. tuloy nag kuwentuhan habang iniinom ang maiinit na home tea na si Aunt Hermie rin mismo ang may gawa. nang maisipang ni Jill na ilabas ang phone at kunan ng picture ang mga kasama. remembrance daw. at last group picture nilang apat. kahit hindi sigurado kung makukunan ang lahat sinubukan pa ring kumuha ng picture na kasama ang lahat. hindi naman nasayang ang pag-eefort sa pag extend ng braso the picture turns out good.

"bhe tulog ka na ba?"

malalim na ang gabi ng maisipan nilang maghiwa-hiwalay at magpahinga. nakaramdam na ng antok ang dalawang matanda at nauna ng magpaalam. nauna na rin si Jill sa silid habang si Kim ay siniguro munang nakasara na ang dapat na isara sa kabuuan ng bahay.

dalawa lang ang kuwarto sa bahay. sa kuwartong inuukupa ni Aunt Hermie natulog si Aunt Clarisse samantang sa kuwarto naman ni Kim si Jill. tama lang sa dalawang tao ang papag na pinatungan ng cushion.

tumabi si Kim sa nakahiga na ring si Jill at nakatalikod sa kanya.

"hindi pa. bakit?" humarap ito ng maramdaman ang paghiga ni Kim sa tabi.

"antok ka na ba?"

"medyo."

"sige tulog ka na. good night," at ginawaran ito ng halik sa noo no Kim. "love you," dagdag pa bago muling bumalik sa pagkakahiga.

"love you too." tumagilid ulit ito sa pagkakahiga patalikod sa katabi.

spooning ang ayos ng pagkakahiga ng dalawa. kung saan si Kim ang nakayakap kay Jill. matagal ng nakahiga ng dalawa ngunit ang diwa ni Kim ay gising na gising pa rin. hindi pa rin makapaniwala na narito ngayon at yakap ang mahal niya. 

overwhelming ang nararamdaman Kim sa mga oras ng iyon na siguro ay dahilang kung bakit hindi dalawin ng antok. wala sa loob na lalong humigpit ang pagkakayap niya sa katabi. 

"na miss kita. sobra," bulong pa niya. 

hindi inaasahan ni Kim na iikot paharap sa kanya si Jill. inches away lang layo ng mukha nito sa kanya. ramdam nito ang maiinit na hininga ng katabi na dumadampi sa kanyang mukha. 

"na miss din kita." sagot naman ni Jill ng mahuli ang paningin ng katabi. "ng sobra." dagdag pa na hindi binabawi ang pagkakatigin dito.

"nagising ba kita?"

"hindi rin ako makatulog."

"akala ko ba antok ka na."

"nawala antok ko dahil sayo."

Oo o Hindi?!  Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon