Chapter 24

947 20 1
                                    

Hindi biro magtravel lalo na pagganitong Christmas season is just around the corner. Ang trapik! Grabe! Nakakapagod ang trapik. Mabuti na lang may nilo-look forward ako kaya okay lang kahit na mahirapan ako sa biyahe. Dahil kung wala ay naku...!

Mabuting makapagtake muna ng rest. Hindi ako nakatulog sa sobrang excited na umuwi. Sobra kong namiss si Bhe. Grabe! Mabuti na lang napapayag ko si Mama na kina Bhe kami magcelebrate ng Christmas since kaming dalawa lang naman ang nandito sa bahay.

Bukas pupunta kami ng Batangas. Dapat nga doon na kami tuutloy kaso gusto raw muna makita ni Mama ang bahay namin kaya heto kami ngayon. Sabagay ayos lang din para nakapahinga na ako bago kami magkita ni Bhe.

Natutuwa naman ako sa kanya. Kahit wala ako sa tabi niya hindi ako nawawala sa isip niya. Ako na ang kinikilig sa tuwing nagakakauasap kami ni Tina. Oo, friends na kami ni Tina. Siya rin ang madalas na magkuwento sa kin kung ano ang mga pinagkakaabalahan ni Bhe. Lagi na siyang may mail sa akin about sa mga activities nila kasama si Bhe. NAtutuwa naman ako na kahit papaano ay napapasama nila si Bhe ko. Syempre naman ayokong malaman na nagmumukmok lang sa isang tabi si Bhe habang wala ako. Gusto ko rin naman na i-enjoy niya ang life. Ang College life kasama ang iba niyang mga friends.

Hindi naman ako nagkamali sa pagkakiala ko sa mga friends niya. Mababait ang mga ito. Nothing to worry kahit pa sabihin na vocal ang isa sa mga ito sa pagkagusto sa Bhe ko. Kitam siya pa ang naging taga update sa mga activities ni Bhe ko. Masuwerte talaga si Bhe sa lahat ng bagay. Napapaligiran siya ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya at mababait. At isa na ako doon hahahaha..... Walang kokontra!

Nagkausap na rin kami ni Papa. Opo " Pa" na rin ang tawag ko tatay ni Bhe ayaw kasing patawag na Tito gusto Papa since anak na rin naman daw ang turing niya sa akin di sige Papa na ring ang tawag ko parang ama ko na rin naman siya.

Wala pa raw si Kim sa bahay nasa biyahe pa raw at baka gabihin pa sila ni Auntie Hermie sa daan. Nasabi ko na rin na bukas kami pupunta ni Mama sa kanila para doon magcelebrate ng Christmas. Nakisuyo na rin ako kay Papa na kwag munang ipaalam kay Kim ang pagdating namin. Gusto ko kasi siyang isurprise. Nakakatuwa kasi ang facial expression niya kapag nasusurprise like nung nagbirthday sya. Pricelest para sa akin na makita ang expression niya. Worht it ang pagod ko sa biyahe.

"Jill, dinner is set bumaba ka na," tawag ni Mama sa akin. Hindi ko namalayan ang takbo ng oras sa kakaisip ko kay Bhe. Ako na talaga ang excited!

After dinner inayos ko na rin ang mga gamit na dadalin ko sa Batangas. Ilang damit lang naman. Tama lang until New Year para wala ng labahan. Ow yes doon din kami amg New Year. Para kaming one big happy family. Well sana. Yung ang hope ko. Kahit hindi pa pormal na magkakilala sina Mama at Papa (ni Bhe ko). Nagpromise naman si Mama na iiwan nya muna ang pagiging snob niya dito sa bahay bago kami umalis. So, malaki talaga ang trust ko na magkakasundo sila. Ganyan yata talaga magmahal ang ina. Ibibigay ang lahat ng ikakasiya ng anak. O, diba nung una ayaw niya kay Kim pero heto ngayon okay na siya. Nakita rin naman niya kung gaano ako kasaya. Kaya naman kahit minsan may pagkamataray yang si Mama e love na love ko yan.

This is it. Tha moment that I'v been waiting for. Im hours away from her. Mayayakap ko na ng mahigpit si Bhe. Para lang akong timang dito sa sasakyan. Kanina pa ako sinisita ni Mama bakit daw ako na ngiting mag-isa. Para daw akong sira! Mabuti na lang daw at tinted ang bintana ng kotse at wala ibang nakakakita sa akin at baka raw isipin nila na may kasama siyang baliw. Pambasag lang talaga ng moment tong Mama!

After seems like forever (pero ang totoo hours lang. Ako na ng OA) finally nasa harap na kami ng bahay nina Bhe sa Batangas. Agad namang lumbas si Papa na marinig ang ugong ng aming sasakayan at sinalubong kami ni Mama.

Konting kamustahan tapos ipinakilala ko si Mama sa kanya. Pormal nga e, shakes hand?! Hayaan na nagkakahiya pa ei.

Tulog raw si Bhe ko. Pagdating sa higaan raw agad ito dumaretso at hindi pa lumalabas mula noon. Takaw tulog lang. Sobra sigurong puyat. Naroon rin si Autie Hermie. Ipinakilala ko rin siya kay Mama. Dami lang pagkaing nakahain sa mesa parang fiesta lang. Samantalang wala naman ibang bisitang inaasahan. Kami lang ni Mama. Dami ring prutas. Mukhang mga bagong pitas pa nga.

"Pa, ano ba meron at dami nyong handa ngayon?" tanong ko.

"Ang pagdating nyo. Sa haba ng panahon ngayon ko lang ulit kayo makakasama."

O diba, senti si Papa. Siya na.

Nakaramdam tuloy ako ng gutom ng makita ko ang mga pagkaing nakahain. Sabik kaya ako sa Pinoy foods. Tapos puro seafood pa ang nakahain. Mukhang mapapasubo ako sa kainan nito. Bahala si Mama pero magkakamay ako.

"Sandali at gigisingin ko lang si Kim para sabay sabay na tayong kumain," si Auntie Hermie.

"Ah, Auntie ako na lang po ang gigising sa sleeping beauty," prisinta ko.

Hahaha... ano kaya ng magiging reaksyon ni Bhe pagnakita ako. 

Oo o Hindi?!  Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon