"Ang sweet naman," exclaim ni Grace. "may mga ganyan pa palang klaseng tao sa mundo. Ang swerte mo."
Start na ng second sem. Magkasama ang dalawa na kumakain ng breakfast sa cafeteria bago magsimula ang first subject nila. Nagkuwento ng vacation si Jill sa kaibigan sa naging bakasyon niya kasama si Kim.
"Lalo tuloy akong nacurious.Lalo ko tuloy siyang gustong makilala," dagdag pa ni Grace. "Kelan ko ba sya makikilala?"
"Makikilala mo rin siya bago ako umalis."
"O, bakit bigla ganyan ang mukha mo?"
Tiningnan lang ni Jill ang kaibigan. Assuming na makukuha din nito ang gusto niyang sabihin.
"Matagal pa yon," as expected alam nito ang tinutukoy niya. "Do not spoil your moment."
"I ca't help but think about it. "
"Alam na ba niya ang tungkol dyan?" biglang naging seryoso ang usapan ng dalawa na kanina lang ay nagtutuksuhan pa.
Iling lang isinagot ni Jill sa tanong ng kaibigan. Hindi pa niya nasasabi kay Kim ang anuman tungkol sa pinag uusapan nila ngayon ni Grace. Matagal na nilang plan ito ni Grace, way before pa silang magkahiwalay. Plan na nila ito hindi pa niya nakikilala si Kim.
"Ay naku Jill, cheer up. Matagal pa yun. Hwag mo munang problemahin yan ngayon,"sabi nito ng nagsisimula ng iligpit ang mga gamit. "Tapos ka na bang kumain? Tara na malapit ng magtime."
Jill's POV
Dapat talaga sinabi ko na rin kay Kim ang tungkol dito. Hindi sana ako napapaisip ng ganito ngayon. Alam ko naman na hindi niya ako pipigilan sa gusto ko.
Bata palang ako pangarap ko ng mag aral sa ibang bansa. Noon pa man idol ko na si Mommy, sa ibang bansa rin kasi siya nagtapos. Gusto kong maranasan ang mga narasan niya. Matagal ko ng inihahanda ang sarili ko sa paninirahan sa ibang bansa ng mag-isa. yung wala aasahang mag aasikaso sa mga pangagailangan ko. Kaya naman pinilit ko si Mommy na magdorm ako nung last two year ko sa high school. Way ko yun to prepare myself sa haharapin kong future.
Ang hindi lang kasama sa mga plano ko ang mahalin ko si Kim. Don't get me wrong. hindi sa nagsisisi ako na siya ang minahal ko. Masaya ako dahil siya ang minahal ko, thats the FACT. KAso nalulungkot ako, ngayon na isang taon na lang at tutuparin ko na ang matagal ko ng pangarap. Actually pangarap namin pareho ni Grace na sa ibang magtapos ng kolehiyo. Kaming dalawa ng bumuo ng pangarap na iyon.
Ngayon parang ayaw ko munang dumating ang time na aalis ako at iiwan ko si Kim. May isang taon pa, kaya lang gaano na lang ang isang taon. Napakadaling lumipas ng araw and before i knew it baka paalis na ako.
Alam ko susuportahan niya ako. Ang problema lang parang ayaw ko siyang iwan. Natatakot ako na baka sa pag alis ko kalimutan na niya ako. Alam ko kasi ang long distance relation ship ay mahirap i-maintain. Lalo pa kung milya milya ang layo namin s isa't isa. Hindi ko yata kaya na isipin na mahihiwalay sa kanya ng ganoon katagal. Ganon ko siya kamahal.
Now I'm torn between my dreams and her.
"Ano ba ang lalim nanaman ng iniiip mo," pukaw sa atensyon ni Jill ng isang classmate na kalapit sa upuan. "okay ka lang ba?"
"Ah. oo okay lang ako. Ano nga ulit yung sabi mo?" sabi ni Jill sa katabi. Alam niya may tinatanong ito sa kanya kaya lang lumilipad ang kanayang isip kaya wala siyang naintindihan sa mga sinabi nito.
'Ano yan bakit ba ako nagkakaganito. Jill focus.' utos ni Jill sa sarili.
Hindi naging madali para kay Jill ang paglipas ng mga oras. Maghapon yatang lumilipad ang kanya isip. Bumalik kay Kim sa Laguna. Wala siyang naintindihan sa mga lesson nila maghapon. Alam niya sa sarili na hindi makakabuti kung lagi siyang ganito.