Chapter 19

1K 19 2
                                        

"Pwede paki layo nga ang alak dito," si Tina ng mapansing ginagawa ng tubig ni Kim ang iniinom nito. "Ano ba yan maaga pa may tama ka na baka hindi pa tapos ang party tulog ka na."

"Konti lang."

"Konti ba yan?" sabay turo sa mga boteng walang laman na nasa ibabaw ng lamesa. "Tara, tumayo ka dyan," hila pa nito sa kamay nito matapos agawin ang hawak nitong boteng iniinom at ilagay sa table. 

Wala ng nagawa si Kim ng hilahin siya ni Tina sa karamihan ng mga nagsasayaw. Napuno ang bakuran nila ng mga bisita. Maging ang mga datig classmate niya noong high school ay dumating. Malamang ay nakita ng mga ito ang open invite na nakapost sa FB kaya nagsuguran ang mga ito ngayon.

Maging si Grace ay dumating din kasama ang bago nitong boyfriend. Okay na sila ni Grace bago pa man sila tuluyang maka-graduate noong high school. No heart feelings na between them dahil sa mga nangyari noon. 

"Nice party," sabi pa niya ito sa kabila ng ingay. Kasayaw nito ang boyfriend ng mapalapit sila sa mga ito.

"Sila ang nag organize nito," tukoy niya kay Tina na kapartner sa pagsasayaw. "Kung hindi dahil sa kanila wala tong party na ito."

"Masyado ka kasing KJ,"

"Ang swerte mo at may mga kaibigan ka na gumagawa ng way para pasayahin ka."

"Yeah. Right."

Umaga na ngunit parang hindi pa rin nababawasan ang mga bisita. Tuloy pa rin ang kasiyahan. May mga nagkakantahan at may nagsasayawan. Parang walang mga kapaguran. Tuloy ang ligaya kahit abutin pa ng umaga.

"Mic test," umalingawngaw sa kabila ng maingay na musika sa patuoy na pagtugtog. "Hi guys," bati ng may hawak ng mic. "Salamat sa oras niyong lahat sa pagsama ninyo sa pagdiriwang ng kaarawan ng mahal nating kaibigan na si Kim. Kim nasaan ka ba? Paramdam ka naman."

"Nandito ako," sigaw naman ni Kim na kumaway pa at halatang may tama na ng alak. 

"Mabuti naman gising ka pa," biro ng nagsasalita. "May suprise pa kami sa iyo ngayong gabi, sana magustuhan mo."

"Ano naman yan?" 

Biglang nagdilim ang buong paligid. 

Nawala ang musika na kanina lamang ay pumupuno sa bakuran.

"Kim...." mula sa kung saan ay narinig ng lahat ang pagtawag sa pangalan ng may kaarawan.

Kung saan iyon nagmumula a hindi nila alam dahil parepareho silang walang maaninag.

"Happy Birthday..."

Ang boses na iyon. Kahit sabihin na may espiritu ng alak sa katawan ay hindi maaaring magkamali si Kim. Kilala niya ang boses na iyon. Kahit pa matagal na niyang hindi naririnig ang tinig na musika ang dating sa kanayng tenga.

Binalot ng bulungan ang paigid na kanina lamang ay natahimik. Lahat ay iisa ang hula kung sino ang nagmamay ari ng tinig na iyon. Lahat ay nagagalak na makita ang nagmamay ari ng tinig.

"Siguro akala mo nalimutan ko na ang isa sa mahalagang araw sa buhay mo noh?

"Alam mo ba na sa araw araw ay hindi ka nawawala sa isip ko.

"Kung maari ko lang pabilisin ang takbo ng araw para makasama kang muli ay ginawa ko na.

"Miss na miss na miss na kita."

Katahimikan ang bumalot sa paligid.

Parang tuod sa kinatatayuan si Kim. Hindi makakilos. Hindi makapaniwala sa mga naririnig. 

"Jill," halos lang na sabi nito sa sarili. Boses ni Jill ang narinig niya. Hindi siya maaring magkamali.

"Ako nga," at naramdaman na lang ni Kim na may yumakap sa kanya ng mahigpit. 

Oo o Hindi?!  Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon