Chapter 9

1.2K 15 0
                                    

"Kim," tawag ng tiyahin kay Kim. 

Wala ng pasok sa school ngunit heto siya ngayon maagang nagbangon at tumutulong sa tiyahin sa pag aasikaso sa mga tanim nito sa bakuran. Maaga rin kasing nagbango ang katabi. Madilim pa sa labas ng maramdaman niya ang pagtayo nito mula sa pagkakahiga.

"Bakit po?" sandaling itinigil ang ginagawang pagdidilig ng mga halaman.

"Nag-away ba kayo ni Jill?"

"Hindi po," mariing tanggin niya dahil hindi naman talaga sila nag aaway. "Bakit nyo naman po nasabi?"

"Ay naku Kim malaman ko lang na inaaway mo Jill kahit pamangkin kita makakatikim ka sa akin," pagbabanta pa nito sa kanya.

"Tita naman," protesta niya. Siya ang pamangkin pero si Jill ang pinapaboran. "Hindi ko pa aawayin si JIll. At wala pong dahilan para awayin ko sya."

"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo."

"Bakit nyo po ba naitanong?"

Imbis na sumagot ay itinuro nito si Jill na tahimik sa ginagawang pagbubungkal ng lupa gamit ang maliit na patpat. 

Wala pa rin itong kibo. Hindi rin siya nito kinakausap. Kung hindi niya ito tatanungin ay hindi ito magsasalita. Kagabi ang buong akala ni Kim ay ayos na sila. Pero ngayon, kanina paggising ramdam nanaman niya ang pananahimik  nito kagaya kahapon. 

"Bhe," tibabihan ito ni Kim na may hawak ding patpat at nakibungkal sa lupa. "may problema ba tayo?" hindi na makatiis na tanong niya. "Akala ko okay na tayo kagabi? Bakit ngayon parang...."

HIndi na natapos ni Kim ang tinatanong ng ihilig ni Jill ang ulo nito sa balikat ni Kim at nginitian ito. 

"Hindi ka na galit?"

"Hindi naman ako galit," anito na nanatili na hindi kumilos sa puwesto. 

"Bakit ganyan ka? Hindi ako sanay ng hindi mo ako pinapansin. Parang iniiwasna mo ko. Iniisip mo pa rin ba yung tungkol kay Tina?"

"Hindi mo naman maiaalis sa akin na hindi isip yun. Syempre mag iisip ako kung malalaman ko na may nagkakagusto sa girlfriend ko di ba. Bakit ikaw ba pagnalaman mo na mayrong nagkakagusto sa akin tapos close pa kami. Kahit pa sabihin kong friends lang kami hindi ka ba ma-iisip?"

"Syempre mag iisip din ako."

"Ganon din ako."

"Ano ang kailangan kong gawin para hindi mo isipin yun? Kaht ano, ayaw kong ganyan ka."

"Lilipas din ito. Huwag mo na lang akong pansinin. PMS lang ito."

"Labas tayo mamaya."

"Saan naman tayo pupunta?"

"Igagala kita para mawala ng PMS mo. Ayoko ng ganya ka. Apektado ako."

"Ok."

Hindi lang si Aunt Hermie ang nakapansin sa pagbabago ng mood ni Jill maging si Aunt Clarisse ay nagtanong din kay Kim kung nag away ba sila. Hindi rin ito sanay na makitang walang imik si Jill. Matagal na rin nia itong kakilala at alam na rin niya ang ugali nito.

Inulit nya lang sa mga ito ang paliwanag na ibinigay sa kanya ni Jill kanina kung bakit hindi ito mastayadong nagkikibo. nagkibit balikat lang ang dalawang matanda sa paliwanag niya. Mukhang hindi naniniwala na hindi naman talaga sila nag-aaway ni Jill.

 Kim prepare something for Jill. Siya ang nagluto ng pananghalian nila. Naabutan pa siya ni Aunt Clarisse sa kusina na naghihiwa ng isasahog sa ilulutong sinigang na hipon. Pinabango nya rin ang kanin gamit ang pandan na tanim ng tiyahin.

Oo o Hindi?!  Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon