"Magandang hapon po, nandyan po na ba si Kim?"
"Ay naku wala. HIndi pa sila nablik ni Jill. Tina pasok ka muna baka pauwi na rin ang mga iyon. Hintayin mo na."
"Salamat po." kilala na rin naman siya ng tiyahin nito dahil minsan na silang nagpunta ng mga kaklase kina Kim para sa group study nila.
Hindi pa sila nag uusap ni Kim mula ng umuwi ang mga during outing nila. Natanaw na lang niya ang dalawa ng palabas na ng resort. HIndi man lamang nagpaalam si Kim na mauuna na. 'Well sa akin hindi,' sabi sa isip ni Tina. Nagtext din siya rito ngunit walang replay na natanggap,
Habang naghihintay sa pagdating ng dalawa ay nakipagkuwentuhan kay Tina si Aunt Hermie at Ant Clarisse.
Si Kim ang naging topic ng kanilang usapan. Kung sakaling kumakain ito ngayon malamang ay nabubulunan na ito. Nalaman niya mula sa mga ito na ipinasyal ni Kim si Jill na may ilog. At malamang ay nawili doon kaya hindi pa nabalik.
Alam niya ng ilog na sinasabi ni Aunt Hermie. Maganda nga ang view doon. Kung nature lover ka you will find the place really interesting. And you wouldn't mind just staying there doing nothing. Bakit nga ba hindi nila naisip na magpunta doon minsan. Open naman sa public ang lugar.
HIndi na namalayan ng tatlo ang pagdating ng dalawa. Naramdaman na lang nila na paakyat na ito sa balkonahe at nagtatawanan. Pare-parehon mukhang nagulat sila pagkakita sa isa't isa.
"O. mabuti na rito na kayo. Kanina pa naghihintay si Tina sa inyo," salubong sa kanila ni Aunt Hermie at kinuha ang dala-dalang basket ng dalawa.
Nilingon naman ni Kim ang katabi na biglang natahimik at nagbago ang magandang mood kanina ng dumating. Tinanguan lang siya nito na kausapin ang bisita bago ini-excuse ang sarili at sumunod sa dalawang matanda na nauna ng pumasok.
"Kanina ka pa naghihintay?"tanong ni KIm na hindi alam kung kikilos sa puwesto o mananatili na lang sa kinatatayuan.
Hindi naman."
"Bakit nga pala napadaan ka?" finally Kim make a move. Naupo sa tapat ng kinauupuan ni Tina.
"Nag worry lang ako, akala ko kasi may masama sa'yo kaya biglaan ang pag alis nyo kagabi. Tapos hindi mo rin sinasagot ang yung text ko."
"Sorry 'bout that, na check op kasi ako hindi pa ako nakakapagload, busy kasi the whole day kaya nalimutan ko ng ireply ka. Bigla kasing sumama ang pakiramdam ni Jill kagabi kaya umuwi kami. Pasensya na hindi ako nakapagpaalam sa iyo, biglaan kasi."
"Is she feeling okay na?"
"Yeah, She good na."
Awkward moment yung bang may gusto ka pang sabihin kaso hindi mo masabi dahil hindi mo alam kung paano sisimulan.
"Mabuti naman," nasabi na lang ni Tina. "mauna na ako, baka hinahanap na ako ni Nanay," sabay tayo.
"Hatid na kita."
Hanggang sa gate ay kasama ni Tina si Kim na maghintay ng masasakyan. Wala silang kibuan. She just said her goodbye ng makasakay sa tricycle at natanaw mula sa bintana ng bahay si Jill na nakatanaw sa kanila. Kung gaano sila nito katagal na pinapanood ay hindi niya alam.
"You are better than that Tina," pasinghal na sabi sa kanya ni Grace. Pagkagaing kina Kim kay Grace naman ito dumaresto. 'Ano ka ba?"
"Ano gagawin ko?" sabay subsob ng mukha nito sa unan ng kaibigan.
Hindi na napigilan ni Tina ang sarili na ilihim pa ang kung ano na ang nararamdaman niya para kay Kim. Pakiramadam niya sasabog na ang kanyang dibdib kung hindi pa niya ito ilalabas.
Isa si Grace sa mga malalapit niyang kaibigan na nasasabihan niya ng mga personal na bagay. And expected na niya ang naging reaksyon nito ngayon. Sino ba naman ang hindi maiinis sa kanya. Kahit nga siya ay naiinis na rin sa sarili.
"Ano sa palagay mo ang dapat mong gawin? Aba'y e di itigil ang kahibangan mo. Look, hindi ako against sa same sex relationship, pero kung papasok ka rin lang sa ganyan make sure naman na hindi ka thirdwheel." straight to the point na sabi nito. "Mali na nga lalo pang magiging mali kung ipipilit mo ang sarili mo sa kanya. Taken na si Kim. May Jill na siya."
"Nagpunta ako dito para mag- seek ng advise, hindi para magpasermon."
"Ah, advise ang gusto mo?! O sya, kalimutan mo na kung ano man ang feelings mo for her. Dahil walang pupuntahan yan. Manghanap ka na lang ng iba. Yung walang sabit. Gulo lang ang ihahatid niyan sa iyo kung ipipilit mo ang pagkagusto mo kay Kim."
"Inom tayo."
"Inom?! Nanaman?! Hindi ka pa ba nadadala? have you seen yourself the last time? Ngayon alam alam ko na kung bakit ginawa mong tubig ang alak," pagpapaalala ni Grace kay Tina ang nangyari nung nag outing sila.
Past midnight, sa tabing dagat nagsma-sama ang magkakaibigan, Inilabas ng mga lalaki ang alak na sadyang binilii ng mga ito na nakalagay sa malaking cooler na puno ng yelo. HIndi uso sa kanila ang tagay, kanya kanyang kuha ng maiinom. Self service ba.
Officially ngayon lang talaga sila magkakasama-sama sa inuman. And never in thier mind na ganon pala kagrabe uminom si Tina. Halos gawing tubig ang alak. Pagbakaubos ng laman ng boteng hawak ay agad itong kukuha ng bago. Talagang nilasing ang sarili. Hindi na nga makagulapay at wala ng malay ng pinagtulungan nilang maihatid sa cottage. At si Grace ang kasama nito buong magdamag hanggang sa magkamalay.
"Tina you are smarter than that. You know what is right, so please stop it now," seryosong sabi ni Grace kay Tina na subsob ang mukha ang kama.
"Im falling for her," tumihaya ito ng higa at ibinaling ang tingin sa kisame. "Bakit sa kanya ko pa naramdan 'to? Hindi ba talaga matuturuan ang puso?"
"Pwede naman kung gugustuhin mo. Habang hindi ka pa tuluyang nahuhulog sa kanya ng tuluyan itigil mo na yan. Bago ka pa may masaktang iba lumayo ka na. Makuntento ka na s akung ano man ang meron kayo ngayon, mas mabuti na yon kaysa dumating ang oras na kahit iyon ay hindi na niya kaya ibigay sa'yo."
Natahimik lang si Tina sa sinabi ni Grace.
Ano nga ba ang mas makakabuti ang ipilit ang damdamin sa taong alam niyang may mahal ng iba na maaring maging dahilan ng pagkaputol ng kung ano man ang namamagitan sa kanila. O, hayaan na lang kusang lumipas ang nararamdaman para rito at makuntento na lang sa relasyon na meron sila sa ngayon.
====================================================================
buti pa ito na update ko yung paper works ko hindi pa....
need muna maghabol ng report umaga na hindi pa ako nakakatapos....
====================================================================