Chapter 20

1K 20 0
                                    

 Sandaling oras lang magkakasama ang dalawa. Sina Kim at Jill. Kaya naman sinulit nila ang natitirang mga sandali. Hinayaan na rin sila ng mga kasama kung hindi man sila mapaghiwalay. Na laging nakadikit si Kim kay Jill. Kulang na lang ay magkaplit ng mukha ang dalawa.

Masaya nilang binalikan ang mga mga pangyayari nung gabi ng party. Ini upload ni Andy ang picture na kuha nila. Mula sa pagpeprepare hanggang sa magtapos ang kasiyahan. Marami sa mga shot ay stolen. Nakakatuwang pagmasdana ng mga hitsura nila na walang kaalam alam na may camera palang nag aabang.

"Bhe ang pangit mo, bakit naman ganon ang hitsura mo," banat ni Jill ng makita ang isang larawan nito na hindi maipinta ang pagmumukha habang nakatanaw sa kawalan. 

"Pre, ano ba yan? Pati ba yun talagang kinunan pa," reklamo naman no Kim kay Andy. Malalim ang iniisip niya ng mga oras yon. Naglalakbay sa malayong lugar. At nkakakasira ng mood ang isiping hindi sila magkikita ni Jill ang dahilan ng nakabusangot niyang mukha. Mabuti na lang at hindi nahagip ng camera ang hawak niyang bote ng alak ng mga oras na iyon.

"Ebidensya yan na kailangan ni Jill na  umuwi rito by hook or by crook dahil kung hindi, ay naku sigurado na magdamag o baka hanggang ngaoyn ganyan pa rin ang hitsura mo," dagdag pang asar rito ni Andy na naging dahilan naman ng tuksuhan at tawanan. 

 "Uy wag nyo naman ginaganyan ang baby ko," malambing na sabi naman ni Jill habang hinila ang dalawang braso ni Kim na kanina pa nakasampay sa kanyang balikat  na naging dahilan ng lalo pang paglalapat ng kanilang katawan. "Ang panget panget na nga niya ginaganyan nyo pa," na lalo namang naging dahilan ng tawanan.

"Ay naku akala ko pa naman ipagtatanggol mo ako."

"Ikaw naman tampo na agad. Tara. Aalisin ko yang tampo na yan."

"O saan kayong pupuntang dalawa?" agad na tanong ng tropa ng tumayo ang dalawa mula sa kinauuuan ng mga ito.

"None of your business guys," si Kim na hawak pa rin ang kamay ni Jill na kumindat pa sa mga iiwan.

"Sige, pakasawa kayong dalawa. Bilang na ang mga oras nyo."

Sa kuwarto lang nagkulong ang dalawa habang naghihintay ng oras. Ang plano after nilang kumain ng launch ay ihahatid muna nila si Jill sa air port bago bumalik ng Laguna.

"Hey, malungkot ka nanaman. Hwag naman gnayan," puna ni Jill ng sila na lang dalawa. 

"Hindi maiwasan. Iiwan mo nanaman kasi ako."

"Napag usapan na natin yan di ba. Hwag ka naman ganya. Nahihirapan din naman ako sa ganitong set up natin.Nararanasan ko rin ang nararanasan mo. Kaso kailangan nating gawin ito. Kaya nating itawid ang sitwasyon natin ngayon."

Imbis na sumagot muli niyakap ni Kim si Jill ng ubod ng higpit. Wala ng salitang namagitan sa dalawa. Hindi na rin mapigilan ang pagtulo ng luha nila para sa isat isa. Para sa nalalapit na kalungkutan na muli na naman nilang haharapin na magkalayo.

"Ayokong umuwi ng mugto ang mata," bahagyabg lumayo si Jill at pinunasan ang mga luha. "Baka isipin ni Mama na inaaway mo ako pagnakita niyang maga ang mata ko kakaiyak," kahit may ngita sa labi ay bakas din sa boses nito ang lungkot. "Tigil ka na rin," at pinunasan rin niya ng sariling kamay ang mukha ni Kim na basa ng luha. "Baka isipin ni Tito pinaiyak kita."

"Ma mimiss kita," hindi maawat ni Kim ang pag tulo ng mga luha sa mata. At wala rin tigil si Jill sa pagpunas dito.

"Mamimiss din kita,"muli binigyan ng damping halik sa labi ni Jill si KIm. "I love you so much Kim."

"I love you more Jill."

 Parehong namumula ang mga mata habang nasa biyahe sila papunta sa airport para ihatid si Jill. Hindi na rin nagtanong ang mga kasama kung bakit at ano ang nangtari. Tahimik ang lahat habang nasa biyahe. Ngbusi busihan. Kanya kanyang hawak ng mga gadgets. Maliban lang ka Rod na may hawak ng manibela.

Oo o Hindi?!  Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon