three day after ng exam natuloy ang planong night swimming ng tropa. mas lalong may reason sila para magcelebrate dahil lahat sila ay pumasa. with flying colors.
together with thier significant others nakapalibot sila sa ginawang bonfire. nagkaroon na ng time na to get to know each nung nasa biyahe pa lang silang. isang van lang ang gamit nila papunta sa beach together ng kanilang mga gamit.
hindi naman nagtaka ang tropa ng ipakilala ni Kim sa kanila si Jill as girlfriend nito. hindi rin na op si Jill sa mga kaibigan ni Kim dahil masaya namang kasama ang mga ito at ang mga significant other nila maliban lang sa isa na hindi niya alam kung siya lang o talagang feeling niya na hindi siya feel nito.
pito ang bumubuo sa tropa nina Kim, apat ang lalaki na ang tatlo ay kasama ang girlfriend, tatlong babae at Kim lang ang may kasamang plus one.
kakatapos lang nilang kumain and pahinga mode muna bago lumusong sa malamig na tubig ng dagat. hawak ang gitara na sinasabayan naman ng kanta ng iba na parang mga lasing hindi pa naman nagsisimula ang inuman. parang ewan lang ang mga lalaki. natural ang pagiging kengkoy.
walang dull moment pag kasama ang mo ang mga ito. happy na rin si Jill knowing na ganitong klaseng friend meron si Kim. in a short time pa lang na nakakasama niya ang mga ito ay at ease na siya rito.
"bhe ligo tayo," aya ni Kim kay Jill.
"ikaw na lang panoorin na lang kita."
'ano na yun? wala kang balak maligo?"
"wrong timing kasi. red tide ako ngayon," simangot na sagot nito.
"ano ba yan?"
"lakad na maligo ka na. panoorin na lang kita."
"hindi na rin ako maliligo."
'bakit, red tide ka rin?"
"hindi. alangan namang iwan kita rito. wala kang kasama nandoon na yata silang lahat."
"ayos lang ako. lakad na,"at ipinagtulakad pa ito ni Jill papunta sa dagat.
nakaupo sa buhangin abot tanaw ni Jill si Kim na enjoy sa pagtatampisaw sa tubig kasama ang mga kaibigan. mula sa kinaroroonan ay dinig niya ang hiyaw ng mga kasama nito na nakikipagharutan.
sayang at hindi siya makasama sa mga ito. gustong gusto pa naman niyang maligo. kung bakit naman kasi ngaoyn pa. napakagaling talagang ng timing.
"mind if i join you?" si Tina na mula kung saan ay bigla na lang sumulot sa likod niya. hindi na nito hinintay ang sagot niya at naupo ito sa kanyang tabi. "bakit hindi ka naki join sa kanila?"
kung ano ang rason na ibinagay niya kay Kim ay yun din ang rason na ibinigay niya kay Tina. "kainis nga," dagdag pa niya. "ikaw bakit hindi ka sumama sa kanila?"
"ginawin ako. lakas pa ng hanagin siguarado hindi ako tatagal sa tubig aahon din agad ako. mabibitin lang ako."
parehong nakatanaw ang dalawa sa mga kasamahang ini-enjoy ang tubig sa dagat.
"mabuti sumama ka ngayon," panimula ng Tina ng usapan. "i've been hearing about you bago ka pa dumating and looking forward to meet you."
"did Kim talked about me?"
"lately lang. when i figure out kung sino ang lagi niyang ka-text every free time niya. most of the time kasi lagi yang nasa isang tabi hawak ang cellphone. parang may sariling mundo."
"sinabi niya kung sino ako?"
"hindi na kailangan sabihin obivious naman na improtante ang lagi niyang katext. then one time i think hindi siya makatext lowbat yata cp nya she looked so worried, hindi mapakali."
