~🌸TWENTY-SEVEN🌸~

365 9 2
                                    



ALTHEA'S POV


"Crazy girl"napatingin ako kay boo, kakalabas nya lang sa cr, huhuhu nakakabiset nga kasi naka uniform sya ngayon di gaya noon malaya kong natitigan ang sparking abs nya.


"Bakittt boo?"masiglang tanong ko sa kanya at akmang yayakapin sya ng bigla syang umiwas at lumakad paalis.


"Let's go"aniya.


Mabilis akong sumunod kay boo, himala ata at naisipan nyang isabay ako samatalang noon ayaw nya, nikikilig tuloy eke!


"Boo, pa'no kung awayin ako ng mga bago kong clasmeyt"nakapout na sabi ko habang nilalaro ang daliri ko.


Nandito kami sa loob ng kotse, sya ang nagda-drive, ayaw nya daw na may kasama kaming driver, arte nya pa'no kung maligaw kami? Eh prend din naman ni kuya manong si dora at wonderpets kaya di sya naliligaw sa lahat man ng puntahan nya.


"It's okay, just do your best"sabi niya at binigyan ako ng pilit na ngiti, hayyy lagi nalang bang pilit? Di ba pedeng ngiting ngiti talaga?


"Boo, kaklase mo ba si k-kathyrene?"deretsyo na tanong ko, para bang may bumara na malaking bagay sa lalamunan ko nh sinabi ko ang pangalan ng pussycat na yun.


"Y-yup"utal na sabi niya.


Sus! Kaya pala lagi lang nagmamadali na pumasok kasi kaklase mo yung pussycat nayun.


Ang pangit kaya nya, pag ako nainis kaladkarin ko sya eh pagkatapos ibibitin ng patiwarik sa puno ng buko at kukunin ko rin ang dugo nya at ipapainom sa kanya.


Brutal diba?


Galing ko ba?


Hahaha!


"Ahhhh! Okay boo!"masigla na sagot ko kahit na peke, peke din naman sya eh haha, ginaya ko lang.


Konti palang ang mga studyante ng makarating kami sa university namin, agad akong humiwalay kay boo, yun kasi ang napagkasunduan namin na bawal makita na magkasama kami sa school kaya ako na ang nag adjust! Syempre maganda ako eh.


Pumunta ako sa office ni ma'am sta. cruz, para malaman kung saan ba akong section ililipat at bakit ako ililipat? Dahil ba ang ganda ganda ko kaya ako ililipat? Hayy beauty without brain kaya ako! 1+1 nga sakin equals Magellan sakin eh galing ko no? Hahaha!


"Ma'am anong section ko? At bakit mo ko nilipat?"bungad na tanong sakin ni ma'am, imbis na magsalita sya ay humagalpak sya sa tawa.


Ayyt baliw!


"Anong nakakatawa ma'am? Huhuhu"naiiyak kong sabi ko, natatawa ba si ma'am dahil malilipat ako sa mas mababa pang section dahil sa bobo ako? Eh grabe naman pala tong si ma'am.

ang ASAWA kong BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon