Chapter Five

101 2 0
                                    

Dianne’s POV

               “Buti na lang nakaalis na ako doon. Hahaha.” Hingal na hingal ako nang nakalabas sa bahay. Bahay ba iyon or mansion. Ang lake kasi ehh. Napagod akong hanapin ung gate nila. Tss. Maze sa loob ng bahay? Uso ba iyon? Hahahaha

Teka asan na nga ba ako? “Hays nakalimutan kong itanong kung paano pala ako nakapunta doon” sabi ko sa sarili. Paano kase nataranta ako nung tumawag si Cheska.

                Sabi niya kasi andito na si Mommy ehh. Lagot ako pag nalaman nun na hindi ako nakauwi. Kaya kailangan ko siyang unahan sa bahay.

Naglakad lakad na ako. Tinignan ko ung bag ko kung kumpleto ung mga gamit ko. Malay mo katulong lang un sa mansion na un hahaha.

 Hmm, kumpleto naman siya. Buti na lang may extra pa akong pera.

Nang nakarating na ako sa kanto, pumara na ako ng taxi.

“Manong sa Q.C nga po, sa A. Subdivision po”

“Cge po miss. Ayy teka po ---- ehh andito po na po kayo sa A. Subdivision eh”, sabi ni manong driver sa akin.

Nagulat ako doon sa sinabi niya ha. “HUH” O_O? Nasa iisang subdivision kame nakatira?

“Miss saan na po tayo?”, naiinip na tanong ni Manong sa akin

“Umh, dun na lang po tayo dumiretso sa 1st street”

“Okay ma’am” tapos umalis na kami.

Nang nakarating na sa bahay. Tumingin ako sa garahe muna. Syempre kailangan kong i.check kung andito na nga si mommy. Nakahinga ako ng maluwag nang nakita ko na wala pa ung car niya.

Buti na lang wala pa siya.  “YES !”  sigaw ko sa tuwa.

Sinalubong ako ni Mameng Isay sa pinto. “Maam, kakain na po ba kayo?”

“Ahh, oo paki handa na lang at maliligo na ako.”

“Cge po”

“Siya nga pala, wala pa ba talaga dito si Mommy?”

“Hindi pa naman po siya nadating maam”

 Ayy tokwa. Bumalik na ba si Mommy ng Pilipinas? Humanda ka sakin Cheska.

“Okay. Paki handa nadin ung kotse ko”

Umakyat na ako. Naligo na at nagpprepare for school. Hays naninikip dibdib ko kapag naalala ko siya. Ayaw ko pa sanang pumasok ehh kaso first day of school ngayon saka hu-huntingin ko pa si Cheska. Hahaha pinagloloko ako ehh

Habang nagsusuklay ako, parang may naalala ako na may humahaplos ng buhok ko. Hmm? Anu ba naman. Baliw na ba talaga ako?

“Hahaha baliw na ata talaga ako” un na lang nasabi ko sa sarili ko. Lumabas na ako ng kwarto saka dumiretso ng kusina.

Tsk. Naalala ko nanaman ung lalake kagabi. “Ayy shemay naman, paano kaya ako napunta dun sa bahay niya? Baka bahay ng amo niya.” Naku pag nalaman kong may nangyari sa amin. Tss. Bubugbugin ko siya. Grrrrr.

Makapasok na nga ng school.

I will never let you fall

I’ll satand up with you forever

I’ll be there for you through it all

Even if saving you sends me to heaven

Its okay, its okay, its okaaaayy”

 Kumakanta ako habang nagddrive. Pwede na akong magdrive sa wakas. Hahaha. First day ko ito ng First year college ko. Sa Willsons University ako mag-aaral kasi they have the best teachers there. Elite school eh. Kumuha ako ng Managerial course kasi kailangan. Dalawa lang kasi kami ni kuyang magma-manage ng business ehh.

Napabuntong hininga na lang ako. Pero okay lang sa akin.

May nahagip ung mata ko na Z4 na kotse. Huli ka.

CHESKA.

My Sassy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon