Kevin’s POV
“AHH SHIT” sigaw ko sabay sipa sa upuan na nasa harap ko. Halos lahat nagulat sa ginawa ko. Iniinit nung babaeng yun ang ulo ko ahh.
“Pare, let’s find that chick” bulaslas ni Gab kay Nathan.
Nag nod lang si Nathan. Kahit kelan parang hindi interesado to sa babae. Hahaha stick to one ang gago.
“Sama ako dyan. Hahahaha akalain mong kaya niyang suntukin si Ken ng ganun” tumawa ng malakas si Bryan. Ako nga din hindi pa ako makapaniwala ehh.
“Siya pa lang ang nakakagawa ng ganun kay Ken except ---“
“sa ATE NIYANG BRUTAL” sabay sabay nilang sinabi. Parang baliw tong mga to. Kailangan sabay sabay?
Napasmile ako doon ahh. Namiss ko tuloy si Ate Kim. Huling balita ko nasa London yun ehh. Ayy teka back to reality.
“SHUT UP!! Come on. Let’s find that girl” sabi ko sabay labas ng classroom
“Ken mukhang nasa cafeteria yun” si Nathan nagsabi. Paano nito nalaman?
“Ahh. Oo kasi nabasa ko sa phone niya habang nagttext siya” sagot ni Gab
“Mukhang interesado ka doon Gab ahh” kantyaw ni Bryan kay Gab. Tss. mga Chickboy talaga.
Pagkarating agad sa cafeteria nakita ko agad si Dianne. Eh Dianne daw pangalan niya ehh. Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso. Hinatak ko siya patayo. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Nagtatanong ang mga mata nito. Parang naguguluhan na siya na ewan.
“Let’s go!” sigaw ko sakanya.
Hindi naman siya naka-imik. Lutang ata to ehh. Tinignan niya lang yung babaeng nakashades. Bakit kaya naka-shades to? Baliw din ata tong isang to ehh.
Hinatak ko siya palabas ng school. Napansin ko sinusundan kami ng tingin ng mga tao. “No one will follow unless you want to die”
Nang nakalabas na kami. Pinasakay ko siya sa kotse ko. Tss siya palang unang babaeng nakasakay dito. Naasar tuloy ako. Nagsimula na akong mag-drive.
“S-saan tayo p-punta?” nauutal niyang tanong. Natakot na ata siya sa akin.
“Say one more word and your dead” sabay smirk. Hahaha takot din pala tong isang to ehh.
“Anak ng !! Hila ka ng hila tapos hindi mo sasabihin sa akin kung saan tayo pupunta. May sira ka ata eh” sigaw niya sa akin sabay suklay niya sa buhok niya.
Habit niya ata yun. Sabagay ang ganda kasi ng buhok niya eh. Straight na tapos ang lambot. Ewan ko ba kung bakit hindi ko mapigilang haplosin yung buhok niya kagabi.
“Diba sinabi ko wag kang magsalita!”
Nanlaki mata niya tapos maya maya bigla na siyang tumawa. “Hahahaha nagsasalita ka din pala ng tagalog eh, pa english english kapa”
Kung siya natawa sa ginawa ko, ako nagulat. Teka lang. Nagtatagalog na ako? Hmm.
“Saan nga kasi punta natin? Kung wala eh pwede libre mo na lang ako ng pagkain? Hindi pako nakain ehh” aba walang hiya din pala tong babaeng to. Hahaha tinignan ko siya saglit
Naka smile siya. Mukha siyang anghel pag naka ngiti. Hahaha. Anak ng. Nababaliw na ata talaga ako. May anghel anghel pa akong nalalaman.
“Please. Bawal kasi ako magutom ehh” nagpout siya. Parang bata lang?
Tss. naawa ako parang kasing batang nawawala hahaha. Mamaya ko na lang to sisingilin sa ginawa niya sa akin kagabi na hanggang nayon hindi ko pa rin makalimutan.
Lumiwanag ung mukha niya nung nakita niya pumarada kami sa harap ng mall. Parang bata lang kasi hindi pa nga ako nakakababa ehh wala na agad siya sa upuan niya. Lumabas na agad ako sa kotse mamaya takasan ako nito ehh.
“Let’s go! Just follow me and don’t even dare to run” sinamaan ko siya ng tingin. Nagsimula na akong maglakad buti naman at masunurin to at sumunod.
Pumasok kami sa Aristocrat. Gutom na din kasi ako eh. Hindi kasi ako nakaka-kain ng breakfast.
“What’s your order sir?” tanong nung waiter
“I’ll have my usual order”
“Okay sir. How about you maam?” sabay harap kay Dianne
“I’ll have this one, then this. Oh and this one too. Hmm, add this one over here. Then, hmm for my drinks just plain mango juice and Chocolate Cake for my dessert.”
NGA NGA. Takaw much? PG ba tong babaeng to? Eh kung siya kaya pagbayarin ko. Tss
Habang hinihintay yung pagkain. Nakatitig lang ako sakanya. Siya naman lingon ng lingon sa paligid. Masyado ba siyang bothered sa presence ko? Sabay sa gwapo kong to imposibleng hindi siya magkagusto. Hahaha
“Err, pwede bang wag moko titigan? Baka matunaw ako.”
Nakita niya akong nakatitig sa kanya? “I’m not looking at you” depensa ko
“Tss. OO kaya.”
“I’m not.”
“Yes you are.”
“No, I’m not”
“Yes you are”
“No I’m not at isa pang yes you are mo hindi ko ibibigay sa iyo pagkain mo. Baka nakakalimutan mo may atraso kapa sa akin” sigaw ko sakanya. Tss. pati tuloy ako nagiging isip bata. -_-
Nag pout na lang siya sabay yuko. Aish. Kaasar.
Dumating na yung pagkain at kumain kami ng tahimik.
Ayoko munang magsalita. Masyado pa akong gutom. Ang dami niyang inorder. Kaya niya kaya tong ubusin?
Munch munch munch munch
Munch munch munch munch
Sabay burrp. O_O did she just do that? At teka ambilis niya atang kumaen? PG MUCH?
“Thanks for the meal” sabay bow. Ang wierd naman nito. Napilitan tuloy akong bilisan ang pagkain ko. Ehh naunahan niya ako kumaen eh tss.
“Siya nga pala, paano..... umh ..... ano kasi... paano ako napunta sa bahay niyo kagabi?” namula ata siya sa sinabi niya.
I won’t ever forget a night like that.
BINABASA MO ANG
My Sassy Love
RomanceFATE. is a bridge of chance for someone you love. Ang love story na nagsimula sa Train. hahaha Do you know your own fate? What if a good-girl-gone-bad na si Dianne ay makatapat si Bad boy na si Kevin. Is she going to give their Love a chance? Ang...