Kevin’s POV
Hahahaha. Epic yung mukha niya kanina. Hindi ko mapigilang tumawa. Ganti ko yun sakanya nung tinulak niya ako sa upuan. Pinahiya ako sa klase eh. Isang ZEUS papahiyain ng dalawang beses. Gumanti lang ako nuh.
Kaso parang sobra naman ata yun. Nagui-guilty tuloy ako. (_ _’)
Pumasok si Nathan sa classroom. Hinabol niya kasi si Dianne.
“tss. pare wala na siya hindi ko na naabutan. Umiiyak siya nung nakita ko pa” sabi sa akin ni Nathan
“Sobra naman ata yung ginawa mo Ken”, sabi sa akin ni Gab
“Oo nga pare. Pinaiyak mo pa” banat naman ni Bryan
Umiyak siya? Umiyak siya dahil sa akin. aish.
“Where did you last saw her?” tanong ko kay Nathan
Nagshrug lang siya. Tss. Sobra na ata ako sa pagiging Bad Boy.
Bzzzzt bzzzt
May nagtext sa phone ko. Pagkabukas ko isang miyembro ng Chimeras
Nanginginig yung buong katawan ko sa galit. Alam ko na kung nasaan si Dianne.
Tumakbo ako palabas ng classroom. Gumilid naman lahat ng classmate ko para makalabas ko ng classroom.
“Pare, saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Gab. Naabutan nila ako. Hinawakan niya ako sa braso. Kaso tinanggal ko yung kamay niya. Nabitawan ko din tuloy yung phone ko.
Hindi ko na sila pinansin. Hindi na rin ako nagsayang ng oras para kunin yung phone ko. Tumakbo ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Pinaharuruot ko yung kotse ko papunta kay Dianne.
Kinakabahan ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba. Hindi naman ako ganito tuwing may laban pero natatakot ako. Natatakot ako para kay Dianne.
Nung nakita ko yung pic ni Dianne na naka-upo sa isang upuan na nakatali yung kamay siya sa likod tapos naka tape yung bibig niya. Nandilim yung paningin ko. Gagong Chimeras. Hindi malinis makipaglaban. Potek. Humanda sila sa akin.
Pagkarating ko dun sa tagpuan, napansin ko na ang yung leader lang nila pati ako yung andun.
Alam ko nagtatago yung mga miyembro nito, susugod sila anytime.
Naisip ko na ako lang pumunta dito mag-isa. Pero wala akong pakialam. Kailangan ko lang makuha si Dianne.
Dianne hintayin mu lang ako.
“Set her free” sigaw ko dun sa leader ng Chimera habang papalapit ako.
“Only if you beat me” ngumiti siya akin ng nakakaloko. Hinalikan niya sa pisngi si Dianne. Tangna lang.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko at sinutok siya.
Nagulat siya sa ginawa ko. “Shit” tumayo siya at sinuntok din ako kaso iniwasan ko.
Iniiwasan ko lang lahat ng binibigay niyang suntok sa akin at ako naman natatamaan ko siya.
Narinig ko parang may sumisigaw kaso hindi malinaw yung sinasabi. Pagkalingon ko si Dianne, gising na. Umiiyak siya at nakatingin sa akin. may lalakeng nasa likod niya at hinahawakan yung leeg niya pababa sa kanyang . . .
TANGNA !
Shit. Sinuntok ko yung lalakeng yun. Natumba naman agad. Kaso biglang may sumuntok sa likuran ko. Nakalimutan ko yung leader ng gang nila. Pinagsisipa niya ako kasi napahiga ako sa sahig nung una niyang suntok.
Si Dianne pilit na kumakawala sa pagkakaupo. Umiiyak na siya ng sobra.
Habang may pagkakataon, tiniis ko yung sakit at bumangon para suntukin yung leader. Natamaan ko naman siya.
BINABASA MO ANG
My Sassy Love
RomanceFATE. is a bridge of chance for someone you love. Ang love story na nagsimula sa Train. hahaha Do you know your own fate? What if a good-girl-gone-bad na si Dianne ay makatapat si Bad boy na si Kevin. Is she going to give their Love a chance? Ang...