Kevin’s POV
“Siya nga pala, paano..... umh ..... ano kasi... paano ako napunta sa bahay niyo kagabi?” namula ata siya sa sinabi niya.
Pagkasabi niyang yun. Naalala ko yung nangyari kagabi.
FLASHBACK
“HEY! WAKE UP!” , sigaw ko dun sa babae. Eto buhat buhat ko siya ngayon. Tatke. Hindi kasi ako pinatawad nung mga tao sa LRT ehh.
Hiniga ko siya sa upuan sa loob pa ng Station. Hahaha. Actually alam ko naman talagang hindi ako mabait eh. Kaya iiwanan ko siya. Pinahiga ko siya dun.sabay takbo.
“Hoy. Ung girlfriend mo bakit mo iiwan dun?” tss. nakita ako ng gaurd. POTEK ! Akmang bubunutin ang baril. Psh. Ayaw kong makipag-away. Masyado na akong pagod.
“OKAY OKAY !!” badtrip sinigawan ko na yung gaurd.
Pinasan ko yung babae sa likod. Takte! Ambigat. Tss. pasan pasan ko siya ng halos 2hours na. Eh paano, lagi na lang ako inaagawan ng taxi. Pagkatingin ko si gilid. Sakto may paparating na taxi.
Huminto sa harapan ko. Malamang. Kasi hinarang ko na yung taxi ehh.
“hoy adik ka ba? Magpapakamatay kaba!” sigaw nung driver.
Pumasok na lang ako kaagad kasi ngawit na ngawit na ako.
“take me to Q.C subdivision A. Here take this and don’t even try to speak!” inabot ko sakanya 2 thousand para matahimik na siya.
Bakit kasi hindi pa ako nagtaxi agad eh. Ang stupid mo din talaga Ken.
Nang nakarating na kami sa bahay. Bnuhat ko siya at pinasok na sa kwarto ko.
Pagkahiga ko sa kanya. Napansin ko may namumuong luha sa gilid ng mata niya.
Pinagmasdan ko siya matulog. Para siyang anghel. Maganda talaga siya. Kaso bakit parang ang lungkot niya.
Tss. wala na akong pake. Makatulog na nga. Nagpalit na ako ng damit sabay higa.
Ang saki t talga ng likod ko. POTEK.
END OF FLASHBACK
“Now you know” sabi ko sakanya.
Laglag panga ni Dianne sa kinuwento ko. Grabe talagang sinapit ko sa kanya kagabi. Takte.
“Because of what you did to me. You’ll do my homeworks and ..... hmm... projects too if required for the whole year”, pagkasabi ko niyan tumayo siya.
“WHAT!!! Ano ako.. katulong mo!?”
“YOU WANNA DIE!!” umiling siya.
“Then don’t complain” pagkatapos nun umalis na ako sa restaurant. Iniwan ko siyang nakatayo. Hahaha nakakatawa istura niya.
Kaya ko ginawa yun kase kailangan ko ng may kikilos sa school. May kailangan kasi akong asikasuhin eh kaya baka hindi ko maayos yung pag-aaral ko. Baka lalo akong paghigpitan ni witch. Tss. Isa pa magkaklase naman kami kayo less hassle.
Saka tama lang yun sa kanya. Sarap niyang pagtripan hahaha. Ewan ko kung bakit ganun ako sakanya.
Riiiiiiiiiiiiiiiiiiing riiiiiiiiiiiiiiiiing
Tinignan ko yung caller I.D. Si Gab lang pala. Tss.
“Hoy Ken. Asan ka?”
“On the way home. Why?”
“May nakuha akong information about sa next gang na gustong kumalaban sa atin”
“The Chimeras?”
“Oo. Puntahan mo kami dito sa tambayan”
Binaba na niya.
Dumiretso ako sa aming tambayan. Yung club ni Bryan.
Hays laban nanaman. Nakakasaw na kaso kailangan ko to para makakuha pa ako ng connections. Kailangan ko yun para makita ko kung sino ang may pakana sa pagpatay sa tatay ko. Si witch kasi pinatigil na yung pagiimbestiga eh sabi niya “Son, it’s no good for you” . parang nawalan na siya ng pag-asa. Isang taon na din kasi ang nakalipas ehh.
Kaya ayun. Sinuggest ni Nathan na gumawa ako ng gang.
At dun nabuo ang “ZEUS”.
Kaming apat lang talaga ang miyembro pero dumami kami nung may gustong sumali. Sinali namin sila kasi kailangan kapag may laban. At napagdesisyunan din na ako ang tumayong pinuno nang grupo.
Nakarating na ako sa Club at dire-diretsong pumasok.
“What did you find out?” tanong ko kay Gab.
Si Gab ang magaling maghagilap ng impormasyon. Ewan ko kung paano niya nagagawa yun. At totoo kasi niyang pangalan eh Gabriel. Siya din ang pinaka babaero sa grupo. Ang mga Perez ang may-ari ng halos 250 malls all over the world. Meron yang dalawang ate. Ayun ipinakasal sa mga business partners nila. Tss. kawawa naman. Alam niya ding ganun din ang mangyayari sa kanya.
“Ang mga Chimeras ang kinatatakutan sa west. Sila daw ang pinakamalakas na grupo doon. Makapangyarihan din sila kaya kung mananalo tayo makakakuha tayo ng malaking connection” sagot niya.
“Mukhang malakas sila ahh” sabi ni Bryan na umiinom ng beer.
Si Bryan ay may dugong koreano. Magaling yan makipaglaban. Pero siyempre mas magaling ako. Hahaha. Isang construction company ang pinamumunuan ng mga Lee family. Dapat daw nag Civil Engineer na lang daw siya kaso ayaw ng Dad niya. Balita ko may pina-iyak nanaman na babae tong gagong to.
“Kung ganun eh kailangan ba natin mag practice or easy easy lang yung mga yun?” sagot naman ni Nathan.
Etong si Nathan ang. . . . hmm . . . matino? Sa grupo. Ewan ko kung paano nangyari yun eh. Dati gago yan eh. Hahaha kaso nung naging sila ni.... Leah ata.... basta siya, eh tumino si gago hahaha. Na-under ng isang babae ang kaibigan namin. HAHAHA.
Nathaniel Uy ang buong pangalan niya at sakanya kami umuorder ng mga kailangan namin gadgets. Sila kasi ang number one pagdating sa electronic gadgets. Nagexpand na ata sila. Pagkakaalam ko pati appliances gumagawa na din sila.
Sumagot na ako. “Fuck them. We don’t need to do that. We just have to be ready”
Nagnod lang yung tatlo.
“Sa dating tagpuan pa rin daw sabi nila” habol ni Gab.
At ayun umiinon na kaming lahat. Dapat ba akong kabahan?
BINABASA MO ANG
My Sassy Love
RomanceFATE. is a bridge of chance for someone you love. Ang love story na nagsimula sa Train. hahaha Do you know your own fate? What if a good-girl-gone-bad na si Dianne ay makatapat si Bad boy na si Kevin. Is she going to give their Love a chance? Ang...