Chapter Sixteen

65 1 0
                                    

Bryan’s POV

Ang boring ngayon grabeeee.. nakakatamad naman pumasok. Dba boredom kills daw? Hala I’m too handsome to die. HAHAHAHA JOKE.

Yung si Nathan naman busy nanaman sa girlfriend niya. Hindi ko pa nga nakikita yung itsura nun ehh. Hahaha bakit kaya niya tinatago sa amin?

Si Gab naman, gagong yun may chicks nanaman. Iniwan kami kahapon tapos nung nakita namin nasa bar siya may kasamang dalawang babae. Grabe talga yung lalakeng yun.

Tapos si Kevin, HAHAHAHA! Nainlove ang loko kay Dianne. Nakuu. First time pa naman nun umibig. Hahaha. Graduate na siya sa NGSB University. Bwahahahaha.

Naalala ko yung kaibigan ni Dianne. Yung Cheska ba yun? Tss. Ang taray naman niya masyado.

Naasar ako sakanya. Pero mas naasar ako dun sa lalaking manyak. Grrrrrr. Nakakainit ng ulo.

Masyado naman kasi talaga maiksi yung damit niya. Tapos ang haba pa ng legs niya at makikinis pa. Kaya talagang mababastos siya. Ayy, pakialam ko ba dun sa babaeng yun. Psh.

Hay makapasok na nga lang. >_< buti pa si Kevin may taga-gawa ng assignment. Hays.

Pumasok na ako sa school. Gamit ko yung porsche ko ngayon. Nakakaboring talaga. =______=

Nagpark na ako. Katabi ko yung Z4 na kotse. Color pink. Halatang pambabae tong kotse na to.

Sabay kaming lumabas nung may-ari ng Z4. Nung nagkatinginan kami. Pareho kaming nagulat sa nakita namin.

“IKAW!” sabay naming sigaw

“SINUSUNDAN MO BA AKO?” sabay nanaman kami

“GINAGAYA MO BA AKO?” anak ng, sabay pa rin kami

“Tss. maka-alis na nga. Antipatiko.” Tinalikuran niya ako.

Tss. ang taray talaga nung babaeng yun. Napansin ko ang ikli nanaman ng damit niya. Anong course ba nito? Fashion design at ang O.A niya manamit. Mini skirt lang kasi yung tapos red top na may cardigan.

Baka mabstos nanaman to. Haysss.

Ayy pake ko ba sakanya nuh. Makapasok na nga.

Pagkapasok ko sa classroom. Nakita ko si Nathan at Dianne lang ang andun, pati yung mga classmate naming hindi ko kilala.

“WAAAAAAA ANG GWAPO MO TALGA BRYAN”

“BRYAN OPPA!! ILOVEYOUUUU”

“PAPABLE MO TALAGA BRYAN”

=_=    lagi na lang ganito. Nakakasawa naman.

“Uyy, Bryan. Pumasok ka ata?”, tanong ni Nathan sa akin.

“Bored ako sa bahay pare” sagot ko. Tumawa lang siya ng mahina

Umupo na ako. Tumabi ako kay Dianne.

“Hey Dianne, kamusta?”

“A-ahh ehh, okay lang. Ayy hindi pala okay! yung lecheng leader niyo sa akin pinapagawa lahat ng assignment natin.” Sabay hawi niya sa buhok niya. Hahahaha galit nanaman siya kay Ken.

Bilib din ako kay Dianne, siya ang unang sumuntok kay Ken na babae. Ken tawag namin kay Kevin. Para maikli. Hahaha

Dumating na yung prof. At nagsimulang magturo. Wala ako sa mood makinig. Iniisip ko yung si Cheska. Pati yung pananamit niya. Tss, mauupakan ko yung bumastos dun.

Break na namin. Si nathan nagpaalam na sakin. Si Dianne naman pupuntahan daw si Cheska sa cafeteria. Sumama ako kay Dianne. Ehh sa walaako magawa eh.

“BHEZZIE” sigaw ni Cheska. Namukaan ko agad kasi naalala ko yung suot niyang damit.

Tumingin sakanya lahat ng nasa cafeteria. Grabe makatingin yung mga lalake sakanya. Onti na lang hubaran siya eh. Tusukin ko mata nung mga yun ehh.

Hala, bakit ako nagkakaganito? Anong pakialam ko kay Cheska.

Napabuntong hininga na lang ako. Lumapit kami ni Dianne sakanya. Ngumiti siya nung nakita si Dianne at sumimangot naman sa akin. anak ng. Feeling niya gusto ko siyang makasama ha. Bored lang ako kaya sumama ako kay Diane.

“Ginagawa mo dito?” nakapameywang siya ng humarap sa akin. tinaasan pa ako ng kilay.

“Sinamahan ko lang si Dianne. Feeling mo naman ikaw pinuntahan ko” umupo na ako sa nakuhang table ni Cheska.

Umupo na din siya at tumabi kay Dianne. Busy si Dianne. Dami sigurong pinagawa ng prof. Loko talaga tong si Ken.

“Order na ako bhezzie ha” at tumayo na siya papuntang pila.

“Hindi kaba kakain Bryan?” tanong sa akin ni Dianne. Ang bait naman niya kaso yung kaibigan niya, NO COMMENT

“No, I’m not hungry” yun na lang nasabi ko.

Tumingin ako kung saan nakapila si Cheska. Napansin ko, yung mga sumunod sa kanya nakatingin sa kanya. Yung iba sa legs niya nakatingin.

ANAK NG TOKWA OHH. Tusukin ko mata nila ehh.

Pero, sus pake ko ba sakanya. Siya may kasalanan nian, nagsuot siya ng ganyan eh.

Nakita ko si Cheska may inaabot na pagkain sa taas ng estante. Kailangan niya pang mag tip toe para abutin yun. POTEK, tumaas yung skirt niya. Nasisilipan nia siya. TANGNA yung  mga lalake tumataas yung tingin!

Hindi na ako nakapagpigil eh pinuntahan ko siya.

Hinawakan ko yung bewang niya. Tumigil naman siya sa pag-aabot. Nanlaki mata niya sa ginawa ko. Ako naman, kinuha ko na yung inaabot niyang pagkaen. Nilagay ko sa tray niya. Tapos nun humarap ako sa lalaking nasa likod niya.

“Pare, walang bastusan” sinabi ko dun sa lalake

“Walang pakialamanan pare” sagot niya sa akin. napansin ko ang dami ng tumitingin sa amin

“Wagas ka makatingin sakanya ahh. Gusto mong makatikim ng suntok?”

“Ang yabang mo ahh. Anong akala mo, sayo lang siya? Ehh wala ngang syota yan ehh so wag mong solohin”

Ano si Cheska, laruan na display para paghatian ng lahat?

“G*** ka pala ehh, girlfriend ko yang binabastos mo ehh!!”  sabay suntok dun sa lalake.

“Ahh. Shit” yun na lang nasabi nung lalake

“TINI-TINGIN TINGIN NYIO HA!! KAPAG MAY NALAMAN PA AKONG BUMASTOS KAY FRANCHESKA GARCIA, HINDI LANG AKO MAKAKALABAN NIYO PATI ANG BUONG ZEUS” sigaw ko sa cafeteria.

Hinila ko si Cheska na hanggang ngayon eh gulat pa din. Pagkarating namin sa table si Dianne gulat din.

“Dianne, mauna na kami ni Cheska ha”

Tumango lang si Dianne. Para siyang tanga naka-nga nga lang.

Hinila ko na palabas si Cheska.

My Sassy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon