Chapter Three

10.9K 132 2
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Nakatitig pa muna ako sa ceiling bago ko naisipang bumangon. Damn. Ano na naman ba ang nagawa ko?

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Fred. Ngayon ko lang siya nasigawan. Lagi ko kasi siyang iniintindi. Paano ko siya nagawang sigawan? Halos magsisi ako sa ginawa ko kagabi.

Dumeretso ako sa banyo at naghilamos, tumingin ako sa salamin sa harapan ko. Mugto ang mga mata ko sa kakaiyak.

Papalayasin ba ako ng asawa ko kasi nasigawan ko siya? Iniisip ko palang na aalis ako sa bahay na ito ay kumikirot na ang puso ko.

Ilang minuto pa ang tinagal ko sa banyo bago ako bumaba. Pumunta agad ako sa kitchen para magluto ng breakfast niya. Alas siete ng umaga nagigising si Fred kaya may oras pa ako para makapaghanda ng breakfast niya.

Pagkatapos kong magluto hinanda ko na iyon sa hapag. Sunny side up egg, bacon at fried rice for him.

Sinikop ko ang aking buhok at nilagay iyon sa kaliwang balikat ko. Napatingin ako sa asawa ko na kagigising lang. Magulo pa ang buhok.

He's so damn hot in his messy hair.

And damn his lips...

Isinantabi ko na lang ang mahalay kong pag iisip. Tumikhim muna ako bago ko inabala ang sarili ko sa ibang bagay.

"Kain ka na..." sambit ko habang nililinis ang ginamit kong pinagluto sa pagkain niya.

Hindi siya nagsalita. Narinig ko lamang ang mga hakbang niya.

"May trabaho ka ngayon?" Mahina ang boses ko sa pagtanong na iyon.

Pinunasan ko ang kamay ko. Niligpit ko na ang mga iyon pagkatapos kong hugasan. Nang mailigpit ko ay tsaka ko palang siya binalingan ng tingin.

Seryoso ang tingin niya habang kumakain.

"Yes. Here at my office."

Tumango ako. "What do you want to eat on lunch?"

"Chicken curry is fine with me."

"That's all?" Nakangiti kong tanong.

He nodded. Kumunot ang noo niya bago siya nagsimulang kumain muli.

Buong araw ay ganoon ang pagtrato namin sa isa't isa.

Hindi nagpapansinan. Tsaka lang magpapansinan kapag may kailangan siya.

Mas okay na iyon. Kasi hanggang ngayon hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung paano ako makakahingi ng tawad.

"I'm sorry Pia. Yes... Okay, see you tomorrow"

I stared blankly at his office door. Pia again? I wonder kung ano ang relasyon nila?

Kumatok na ako. Hinintay ko ang tugon niya, pero wala.

"Your lunch?" pinangunahan ko na siya.

"Come in." Sabi niya.

Pumasok akong dala ang pagkain niya. Nakita ko siyang nakahawak sa sintido niya. Nilapag ko pa muna ang pagkain niya tsaka siya tinitigang mabuti.

"Yes?" nagtatakang tanong niya.

"Masakit ba ulo mo? You want me to massage it?" Suhestyon ko.

"No need." Malamig niyang sinabi.

Napatango nalang ako at lumabas na sa office niya. Damn. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkirot nito.

Matamlay akong bumalik sa kwarto ko at doon na din ako kumain ng lunch ko. Hindi kami magkasamang kumain. Nakakalungkot lang isipin na noon ay niyayaya niya pa akong kumain kami sa labas, pero ngayon hindi na.

Ano ba sila ni Pia? Girlfriend niya ba ito? Napangiti ako ng mapait. No way. No fucking way. I won't let them to be happy together.

Sisirain ko silang dalawa.

Buong magdamag ay umiyak lamang ako doon sa kwarto ko. I don't want to be weak in front of him kaya dito ako sa kwarto ko umiiyak ng tahimik.

Yakap ko ang malambot na unan habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

Napatingin ako sa cellphone ko dahil sa pagtunog nito. Nanginig kong inabot ito sa table.

"H-hello..." Kinagat ko ang unan ko para matigil sa paghikbi.

"Are you crying?" Seryosong tanong ni Gwen.

Damn! Ayokong malaman niya na umiiyak ako. I don't want my best friend to be worried.

"No" Pero huli na ang lahat dahil napahikbi na ako.

Hinayaan lang niya akong umiyak. Para bang pinapakinggan niya muna ang pag iyak ko.

"Did you two fight again?" Malumanay niyang tanong.

"Gwen..."

"Fuck! Safiah! I don't want to hear you crying! Fuck!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa pag iba ng boses ni Gwen. He's voice is now manly! I can't believe it.

"Gusto mo bang lumayo sa kaniya?! I can help you Saf. But of course the decision is yours."

"Gwen? Your voice..." Nagtatakang tanong ko.

"Damn Safiah! I don't care about my voice now! No one dares to hurt you like that! You don't deserve to be hurt! You deserve to be happy!"

Mas lalo akong napahikbi. Napangiti ako habang tumutulo ang mga luha sa pisngi ko. I am thankful that I have Gwen in my life.

"Hush... Don't cry Safiah, I'm always here okay? Stop crying, I don't want to heard you crying, baby"

Mas lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Gwen. Wtf? Baby? Am I his baby?!

"Gwen! Mandiri ka nga! Baby ka diyan!" Saway ko.

Narinig ko ang halakhak niya. "Okay I'm sorry. May ipagtatapat sana ako sayo Saf."

Naging seryoso agad ang boses niya kaya hindi ko mapigilan ang kabahan.

"I'm not a gay, Safiah. I was just pretending to be a gay." Malungkot niyang sabi.

Napatakip ako ng bibig ko. Hindi agad ako nakatugon sa sinabi niya.

"Gusto kong magtagal ang pagkakaibigan natin Saf, kaya nagpanggap akong bakla. I am inlove with you ever since I came to your life. Alam kong hanggang best friend lang ang kaya mong ibigay sakin. I'm sorry kasi nagsinungaling ako. I'm sorry Saf, sana mapatawad mo ako."

Nanlamig ang buong sistema ko sa narinig ko mula sa kaniya. My life is full of lies. He lied at me, simula pa lang. Kumirot na naman ang puso ko dahil sa ginawa niya.

Hindi ako galit sa kaniya. Kundi galit ako sa sarili ko. Galit ako kasi ngayon lang ako natauhan. My best friend lied to me!

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ko.

"Kasi ayokong masira ang friendship natin Saf. Kaya ako nandito kasi gusto kong magmove on,"

"Damn, ngayon palang sinira mo na ang friendship natin." Nanghihina kong sabi.

Binabaan ko na siya. Naitapon ko ang cellphone ko sa kama. All this time, nagsisinungaling lang siya sakin! All this time pinaniwala niya sa aking gay lang siya! Damn it.

Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon