Chapter Twenty-Four

8.4K 83 3
                                    

Learn from your mistakes, but never forget. Ang kasalanan ko ay magdesisyon para sa sarili ko. But I will never regret it.

Sa loob ng walong taon hindi madali ang makalimot. Hanggang ngayon pa ata tanda ko pa rin ang mga nangyari noon.

Hindi man ako naging masaya sa walong taong lumipas dito sa Canada, but I gain a friend. My friend who taught me to be happy and start my life again.

"Hoy babae! Nakikinig ka ba?"

Napatingin ako sa kaibigan ko. Nakasimangot na siya habang nakikipaglaro sa anak ko.

"Ano ulit yun, Chy?"

"Sabi na nga ba hindi ka nakikinig eh!"

Lumapit sakin ang anak ko. "Mommy, let's play!"

Binigay niya sa akin ang kaniyang laruan. Napangiti agad ako. Kamukhang kamukha niya ang daddy niya.

"Ayaw mo ba akong kalaro, Azahel?"

Umiling ang anak ko sa tita niya. Natawa agad ako sa reaction ni Chynna. Paano ba naman kasi nag-act pa ito na parang nasasaktan habang hawak hawak ang kaniyang dibdib.

"Jusko! Kayong mag-ina talaga!"

"Ano ulit tanong mo kanina?"

"Sabi ko, wala ka bang balak mag-asawa?"

Halos pabulong na lang iyon kasi nakikinig na sa amin ang anak ko. Agad kong siniringan ang kaibigan ko.

Wala na akong balak. Pagkatapos nung nangyari noon hindi ko na alam kung makakahanap pa ba ako ng mapapangasawa.

"Ikaw ba Chy, wala kang balak?"

"Alam mo binalik mo lang yung tanong sakin!" Umirap siya. "Hindi ko pa nahahanap yung mapapangasawa ko, tsaka ang bata ko pa kaya,"

I met Chynna Rosario noong may business talk kami ng daddy niya. His daddy appreciate my arts. Yes, isa na akong artist. It was not easy though. Noong una walang wala ako.

But my bestfriend, Gwen, help me. Siya rin ang kinikilalang daddy ng anak ko.

Azahel Greg Hemus, my son. He's seven years-old. I didn't used his last name. Pinangalan ko siya sakin.

"Manang, pakisamahan nga po kumain si Azahel," Binuhat ko ang anak ko. "Baby, eat your lunch now, mag-uusap lang kami ng tita mo, okay?"

"I'm not baby anymore," He said using his cold voice. Nagmana nga pala ito sa kaniya.

I kissed his cheeks, "Okay big boy,"

Lumapit siya sakin at hinalikan din ako sa pisngi. Napangiti ako sa ginawa niya. Napakasweet niya sakin.

"How about me, Azahel?" nakayuko si Chy habang tinuturo ang pisngi niya.

Binaba ko ang anak ko para makalapit sa tita niya. Agad niya itong hinalikan sa pisngi. Napangisi ang kaibigan ko.

He went to manang after that dumeretso na sila sa kitchen.

"Hihintayin talaga kitang lumaki! Jusko"

Hinawakan ako ni Chy sa braso ko. Napatingin agad ako doon. "Saf, baka naman pwedeng kami nalang ng anak mo ang magkatuluyan? Napakagwapong bata!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tumigil ka nga, Chy!"

Binitawan niya agad ako. Agad siyang nag-peace sign. Maganda naman itong kaibigan ko pero NBSB naman. Ewan ko ba sa kaniya.

Sabi nga niya, No Boyfriend Still Blessed. Pero I can't wait to see her having a boyfriend. Sabi din niya virgin na virgin pa siya. Tinanong nga niya sakin one time kung anong feeling kapag nagmi-make love pero hindi ko siya sinagot. I let her stay curious.

"Ayan! Hindi ka na naman nakikinig sakin. Bakit ba laging malalim ang iniisip mo ha? Yung totoo, sumisisid ka ba?"

Napatingin ako sa kaniya. Naka-cross arm na siya at masama ang tingin sakin.

"Sorry, naisip ko lang bakit hindi ka pa nagkakaroon ng boyfriend,"

"I told you, hindi ko pa nahahanap. Pero kung si baby Azahel nalang, why not?"

Binatukan ko siya. "Napaka bata pa ng anak ko Chy ha!"

"Edi hintayin kong lumaki, tsaka age doesn't matter naman,"

"Tumigil ka Chynna Rosario!" Natatawa kong saway.

Lagi niyang iginigiit na ang anak ko na lang ang aasawahin niya. Iniisip kong nagbibiro lang siya. Imagine their gap? Napakalayo.

"Bye na nga, may pupuntahan pa ako,"

Nakipag beso siya sakin. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Hindi pa ako mawawala Safiah, babalik pa ako bukas. Napakahigpit ng yakap mo,"

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Nagpaalam pa muna siya sa anak ko bago niya naisipang umalis.

"Napakadaldal mo talaga,"

Syempre sinamahan ko siya hanggang sa paglabas. Kahit madaldal si Chy, siya ang nagbigay ng liwanag sa madilim kong mundo. Pati na rin si Gwen, without them both, I can't imagine myself to be like this.

"Babalikan ko yang anak mo ha, dapat ready na yan bukas para sa kasal namin,"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Baliw ka,"

Tumawa siya bago tuluyang umalis. I admire her, kasi alam niyang i-manage yung time niya sa trabaho at pagbisita dito sa condo ko. Hope were still friend until my last breathe.

Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon