Chapter Twelve

9.9K 121 2
                                    

Safiah POV's

Napaupo ako sa malambot na kama sa condo ni Gwen. Halos kararating ko lang dito. Huminga ako ng malalim dahil sa mabilisan kong desisyon.

Gusto ko munang bigyan ng oras ang sarili ko para makapag isip at ipahinga na rin ang puso ko.

Sobrang sakit na.

Nilibot ko ang mga mata ko sa condo ni Gwen. The display and cabinets is clean. Siguro ay pinapalinis niya ito kahit na wala siya dito.

Manhid na manhid na ang buong katawan ko. I don't even know what to do with myself anymore. I just know that I need to rest.

Rest and sleep. That's what I need.

Mamaya ko nalang aayusin ang mga damit ko. Talagang pagod na ako para harapin pa iyon.

Hihiga na sana ako sa kama para magpahinga pero parang nasusuka ako.

I smile a bit. Looks like my baby want to punish me for leaving his daddy.

Napabuntong hininga nalang ako at mabilis na tinakbo ang distansya sa banyo.

Please baby, huwag mong pahirapan si mommy.

Niluwa ko na lahat. Halos maisuka ko na pati internal organs ko. Ang sakit sa lalamunan.

Napaluha nalang ako. You need to be strong Safiah. I know you can do this alone. Without him.

Napakunot ang noo ko dahil sa sunod sunod na pag door bell. May bisita ba si Gwen?

Nagtataka kong binuksan ang pinto at halos mapaatras ako sa nakita.

No, this is all a dream. I am fucking dreaming. This is impossible! Fred is here! My husband is here!

"Anong ginagawa mo dito?" galit kong tanong sa kaniya.

Imbis na sagutin ang tanong ko ay sinalubong niya ako ng halik niya. Nanghina agad ako dahil sa halik niya. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Naramdaman niya iyon kaya pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko. Nakaramdam ako ng pagkainis.

Tinulak ko agad siya at sinampal. Matapos ko silang mahuli ng girlfriend niya nandito siya ngayon?!

Ano? Hindi ba siya satisfied sa girlfriend niya kaya sakin siya pumupunta? Sa akin na asawa lang sa papel?

"Why are you here?!"

Nagulat siya dahil sa pagtaas ko ng boses. I'm tired, Fred. I want to rest.

"Let's go home..." halos pabulong niyang sabi.

"Fred, please not now. Gusto ko munang lumayo sayo."

"Please Safiah..."

Nag init ang sulok ng mga mata ko. Anytime pwede ng tumulo ang luha ko. But no, ayoko munang umiyak ngayon.

"Umalis ka na!" Sigaw ko.

"Aalis lang 'pag naiuwi na kita sa bahay natin."

"Where's your girlfriend? Siya nalang iuwi mo."

"Ohh my jealous wife."

Lalapitan na sana niya ako pero umatras ako. Napansin niya iyon kaya nanatili nalang siya sa pwesto niya.

"Umalis ka na sabi!"

Ngumiti siya at walang pasabing umalis na. Damn it. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.

I don't know if I want him here with me or push him away 'till I get tired?

Napapagod din ang angkinin ka, lalo na't sa umpisa palang hindi naman siya dapat angkinin dahil may girlfriend siya. Ano namang karapatan ko? Asawa lang ako sa papel!

Natulog nalang ako sa malambot na kama at nagpahinga.

Nagising lamang ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Madilim na sa labas pero ang liwanag ng kwarto ko dahil sa ilaw na hindi ko alam kung binuksan ko ba kanina o may nagbukas.

Ohh, I forgot to buy some foods! Paano ako kakain ngayon? Wala din akong pera para makabili ng pagkain.

Kailangan ko na bang maghanap ng trabaho?

Dumeretso ako sa kusina. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita. Wearing only a boxer and apron. He's cooking.

Ano na naman bang ginagawa ng lalaking 'to dito!

"Just pretend that I don't exist. I just want to take care my wife,"

Napairap ako. How can I do that if there's a man in front of you are topless! He's too hot to ignore.

"Here's your food, I know you're hungry."

Napatikom ako. He's smiling, like he's seducing me. Damn!

Hindi ko nalang siya pinansin. May silbi din pala kapag nandito siya. Akala ko hindi ako makakakain ngayong gabi. At baka nasa labas ako ng mga oras na ito, naghahanap ng trabaho para lang magkaroon ng pera.

"Please let's go home..." mahinang bulong niya.

Tinignan ko siya. Nakita ko siyang nakangiti pero ang mga mata niya ay malungkot.

Namamanhid ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero this time, hindi lahat ng gusto niya ay dapat na nasusunod.

I will make my own decisions too whether he like it or not.

Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon