Fred POV's
I stared to my wife. She's now sleeping peacefully. Nandito na kami sa condo ko. Umalis kami na hindi alam ni Pia. Ayokong maabutan niya kaming umalis at baka pigilan niya pa kami.
Pinadala ko nalang ang mga gamit namin kay manang dahil sa pagmamadali namin kanina.
Ano na naman ba gustong mangyari ni mama?
Speaking of mama, tumunog ang cellphone ko. Mama's calling, huh?
Sinagot ko iyon habang hinahaplos ang pisngi ng asawa ko.
"Did you like my surprise anak?" Tuwang-tuwa niyang sabi.
Surprise? Na tumira si Pia sa pamamahay ko?!
"Ano na naman ba ang problema mo mama?"
"Hindi ba girlfriend mo si Pia? You know son, gusto ko na magka-apo. I'm lonely for almost two years now."
Hinilot ko ang sentido ko. I understand her. Nawala ang papa ko dahil sa aksidenteng nangyari two years ago. Ako ang naging sandalan ni mama. Hindi madali para sakin iyon. Comforting my mom while I was hurting too.
"Hindi ko girlfriend si Pia mama, now paalisin mo siya sa pamamahay ko. I don't want to see her,"
"Sino ang girlfriend mo kung ganoon? I want to see her!"
"Soon ma,"
Natahimik siya saglit. Napabuntong hininga nalang ako. Alam kong kukulitin niya ako hangga't hindi niya nalalaman.
"But I want to see her as soon as possible, para makagawa na kayo ng baby,"
Natawa na lang ako sa sinabi ni mama. Hindi niya alam na magkaka apo na siya. But I will tell this kapag nagkita na kami. I will set a dinner for this. Ayokong sabihin ngayon dahil gabi na at maisipan niya pang puntahan ako ng hindi nagdadalawang isip.
"Yes ma, but for now, palayasin mo si Pia sa pamamahay ko. She wouldn't leave because of your order. Tss,"
"Okay anak." Maligayang sabi niya.
I smiled because of my mama's reaction. Dati-rati mahirap pasayahin si mama. Hindi mo halos makausap dahil sa sobrang tahimik niya. And now, masaya ako na nakikita siyang masaya. Because we all deserve to be happy. My wife deserve to be happy too.
Napatingin ako sa bahagyang paggalaw ng asawa ko. She's awake. Hinila niya agad ako pahiga sa kama at niyakap ng mahigpit. I smiled.
"You should sleep too..." Bulong niya.
Antok pa siya kaya pagtingin ko sa kaniya ay nakatulog na ulit. I kissed her forehead. I hugged him tight hanggang sa makatulog na ako.
Safiah POV's
Nagising ako dahil sa malakas na pagkatok ng pintuan. Ganoon rin si Fred na antok pa. Kinusot ko ang mata ko at nakitang madaling araw pa lang.
Sinong baliw ang maiisipang manggulo ng ganito kaaga?
Tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ng asawa ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. He kissed my neck.
"Huwag mo na buksan," his husky voice made me forget everything.
"Hmmm." I groaned when I feel his lips on my nape.
Damn! Ang aga aga ginaganito ako ng asawa ko. Iba talaga ang epekto niya sakin kahit na buntis na ako.
Mas lalong lumakas ang pagkatok sa pintuan. Napabuntong hininga nalang ako. I guess hindi titigil ang sino mang kumakatok hangga't hindi pinapansin huh?
Tumayo na ako. Narinig ko ang pagdaing ng asawa ko. I chuckled.
"Come here, Safiah."
Nilingon ko ang asawa ko na para siyang batang nawalan ng laruan. Nginisian ko lang siya.
Pagkabukas ko sa pintuan ay agad akong nakatanggap ng malakas na sampal. Ang sakit. Ang hapdi.
"What the fuck?!" mura ni Fred na agad akong dinaluan. Hiniwakan niya ang pisngi ko.
Tumingin ako sa kaniya. Si Pia. Galit na galit ang makikita sa expression niya. May luha rin na pumapatak sa pisngi niya. And this time, lumingon sa kaniya ang asawa ko.
Mabilis niya itong hinawakan sa braso niya. Napakahigpit ng pagkakahawak niya na halos sumigaw sa sakit si Pia. Napahawak ako sa pisngi ko. Alam mo yung ang init sa balat yung pagkakasampal niya sakin. Ganoon ang nararamdaman ko ngayon.
"Who the fuck are you to slap my wife?! Damn it!"
Mas lalong napadaing sa sakit si Pia. Napahawak ako sa braso ng asawa ko.
"Please stop," bulong ko sa kaniya.
"Mang-aagaw siya! Inagaw ka niya sa akin Fred! Pinalayas pa ako ng mommy mo sa pamamahay mo dahil sinabi mong hindi ako ang girlfriend mo! Napakawalang hiya ng babaeng yan! Bagay lang sa kaniya ang sampal na iyon!"
Napakunot noo ako. Pinalayas na siya? Kailan pa?
"Dapat lang na pinalayas ka sa pamamahay ko! You don't belong there! I'm done with you. Matagal na tayong tapos. Why are you still here?!"
Napahikbi nalang si Pia. Tinakpan pa niya ang mukha niya gamit ang palad niya. Hindi ko alam pero bigla akong naawa sa kaniya.
"Umalis ka na bago ko pa makalimutan na babae ka at baka masaktan kita!"
Sinarado agad ni Fred ang pinto. Nilapitan niya ako tsaka niyakap.
"Are you okay?"
"Okay lang ako," I assured to him though medyo mahapdi pa rin.
He kissed my cheeks kung saan ako nasampal. Mahapdi pa pero okay lang. Siguro mas masakit yung nararanasan ngayon ni Pia. She fell inlove to my husband. But I won't let her na agawin niya ang asawa ko. My husband is mine.
Hinaplos niya pisngi ko. "I'm sorry for that. Babalik na tayo sa bahay, wala na si Pia doon."
I kissed his lips. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa biglaan kong paghalik. Napangisi nalang ako.
"Damn it, I love you, Safiah." Ani niya bago ako binuhat sa kama at hinalikan ng mas malalim.
"I love you more.. Ah!" Napaungol ako dahil sa kamay niyang nasa underwear ko na. Hindi ko man lang napansin iyon.
BINABASA MO ANG
Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)
Romance[COMPLETED] [TAGLISH] Safiah Kendall H. Collins, married to an arrogant, jerk and asshole bussiness man named Fred Gray B. Collins. Before she forgot, asawa lang pala sa papel. Nakakatawang isipin na sa isang maling akala ay magbabago ang lahat. Per...