Chapter Twenty-Three

8.3K 89 1
                                    

Safiah POV's

The baby is gone.

Yan ang katagang pinakamasakit na narinig ko sa buong buhay ko. Gusto kong magalit sa lahat. Gusto kong sumigaw ng pagkalakas lakas. Pero wala akong lakas para ilabas ang galit ko.

Nanghihina ako.

Yakap-yakap ako ni Fred. Umiiyak lang ako habang nakasandal sa balikat niya.

"Iwan ko muna kayo rito," tumango si manang sa akin.

Bakit nangyari ito sakin?

Bakit nadamay pati ang baby ko?

Ang baby ko na hindi pa lumalabas sa sinapupunan ko ay nawala na. Hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon para makita ang mundo.

Pero isa lang ang masasabi ko, galit ako. Galit ako sa kaniya. Hindi tama ang ginawa niya!

Gusto kong lumayo rito, dahil kung hindi ako lalayo ay baka masaktan ko din siya.

Tinulak ko si Fred. Masakit para sa akin ito ngunit ito na lang ang naiisip kong paraan. Ang lumayo sa kanila. Ayaw ko muna silang makita dahil maaalala ko lang ang nangyari.

Gusto kong magsimula ulit ng hindi sila kasama. I guess, we all need to rest our heart and mind.

Galit sakin ang mama ni Fred, galit rin ako sa kaniya dahil sa ginawa niya.

"Let's end this," nanghihina kong sabi.

Hindi agad siya nagsalita. His cold stare made me weak. Hindi ko kaya pero ito lang ang naisip kong paraan.

"No, we won't end this,"

Napakunot noo ako. Bakit ayaw niya?! Asawa lang naman ako sa papel diba? Wala ba akong karapatan magdesisyon para sa sarili ko?

Napasakit nito. Gusto ko na lang din mawala kasama ang baby ko.

"Please let's divorce. Huwag mo na akong pahirapan pa,"

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Tinitigan ko siya. Hindi siya umiiyak pero kita sa mga mata niya na nasasaktan siya.

I'm so sorry, Fred.

"Is this what you want?"

Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko gusto ito pero ito ang paraan ko para magsimula muli. Masakit na mawala sa akin ang anak ko.

"Yes,"

"Okay then,"

Lumayo siya sa akin para tawagan ang kung sino man.

I'm going to miss our happy moments. Masayang ala-ala na tingin ko ay hindi ko makakalimutan. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko.

Matapos ang tawag ay tinignan niya agad ako ng walang emosyon. Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko kanina pero pinipilit ko ang sarili ko.

"My secretary will sent the paper here, let's just wait,"

Tumango ako at iniwas ang tingin ko sa kaniya. Nakita ko siyang umupo sa sofa.

"You should rest,"

Napakalamig ng boses niya. Pumayag siya kasi gusto niya rin ito diba? Mabilis siyang pumayag kasi pagod na siya sakin?

Wala na ang baby namin, babalik na naman siya sa dating ugali niya. Iyon ay maging cold sakin.

Noon pangarap ko lang ng simpleng buhay. Masayang pamilya. Kasi lumaki akong si lola lang ang kasama ko sa buhay. Noong nawala sakin si lola, napakalaking adjustment ang ginawa ko.

Pero I'm thankful, kasi tinuruan niya akong maging responsable at tumayo sa sarili kong mga paa.

And now, hindi ko maisip na mangyayari ito sakin. Napakalayo sa pinapangarap ko. Siguro malas ko sa buhay?

Hindi ko man nakasama ng matagal si mommy pero mabait siya at hindi niya magagawang gumawa ng mali gaya ng pinaparatang ng mama ni Fred.

Napitingin ako sa pintuan dahil sa pagkatok. Tumayo si Fred para buksan ang pinto. Tumambad sakin ang secretary niya.

Ang bilis naman ata naproseso? Pinaghandaan ba ito ni Fred?

"This is the paper sir," panimula niya. Namataan niya ako. Malungkot niya akong tinanguan.

"Thank you Mark, you may leave now,"

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Nakita ko na lang siya na may sinusulat sa papel.

Parang kinikirot ang puso ko. Ang makita ang mahal mo na pumipirma sa divorce paper ay hindi ko kaya.

Napakasakit. Pero wala akong magagawa kasi ginusto ko ito.

Binigay niya sakin iyong papel. "You need to sign too,"

Napatingin ako sa pinto sa biglang pagpasok ni manang. Napatingin siya sa mga papel na hawak namin.

"Tapos na kayo mag-usap?"

Pareho kaming hindi nakasagot ni Fred.

"Ano ang ibig sabihin nito hija, hijo?"

Nakakunot noo si manang habang tinitignan ang mga papel na hawak namin. Hindi ako makapagsalita. Nanginginig kong hinawakan ang papel.

"Divorce paper manang,"

Napatingin sakin si Fred ng walang emosyon. Gusto ko siyang yakapin pero wala na akong karapatan.

"Maghihiwalay kayo?!" Galit ang tono sa boses ni manang.

"This is what Safiah's want. I already said to you manang, whatever her decision I will accept it. And this is what she want,"

Hindi na nakatingin sakin si manang. Bigla nalang itong umalis. Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Sa pag-alis ni manang, parang nawalan na din ako ng lola.

Paninindigan ko ang desisyon ko. I signed the paper without looking at him. Iniiwasan kong tignan siya kasi baka hindi ko mapagilan ang sarili kong yakapin siya.

I love you so much, Fred Gray B. Collins. I'm going to miss our moments together. And the happy memories that we build.

Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon