Chapter Thirty-Four

8.7K 105 0
                                    

Nagising na lamang ako na walang katabi sa kama. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko makita ang mag-ama.

Nasaan na sila?

Tinignan ko ang orasan sa side table. Alas nuebe na ng umaga. Hindi man lang ako ginising ni Fred!

Tumayo na ako at dumeretso sa banyo para maligo. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa nangyari sa amin kagabi.

We did it three or four times? I don't know. Halos wala na akong maalala sa sobrang pagod ko kagabi. Pero siya hindi man lang napagod.

Pagkalabas ko ng banyo ay bumungad sakin ang nakangiting nilalang. Tinignan niya ako sa mukha pababa sa katawan ko. Tsaka ko lang naalala na naka-bathrobe lang ako!

"Good morning, the breakfast is ready, can I ate you though?"

Sinamaan ko siya ng tingin at umiling. Lumapit ako sa closet para kumuha ng damit pero bago ko pa mabuksan ay nasa likod ko na siya. He wrap his arm around my waist at napasinghap ako sa ginawa niya.

"What are you doing, Fred?"

He kissed my nape at napapikit na lang ako. Hindi ba napapagod 'tong lalaking 'to?

"Pack your things, naka-ready na yung gamit ng anak natin. Ikaw na lang ang kulang."

"Para saan?"

Pinaharap niya ako sa kaniya. Matalim na ang titig niya sakin. "Hindi ba sinabi ko sayo na lilipat kayo sa bahay ko?"

Napanguso ako at pilit na pinipigilan ang ngiti ko. I know, Fred. I know.

"Sige, lumayas ka muna dito para makabihis na ako't makapag impake. At okay lang ba na bago tayo umalis, kausapin ko muna sila Gwen and Chy?"

"Of course. Pero later, I will claim my prize."

"Anong prize?"

"You, being naked in our bed."

Bago pa ako makapagsalita ay lumabas na siya. What the hell?

Paano siya nagkaroon ng prize, eh hindi ko nga alam kung saan ba siya nanalo? Napapailing na lang ako habang kumukuha ng damit.

*

"Talaga bang lilipat na kayo? Paano naman ako? Maiiwan ako kasama 'tong epal na 'to?!" reklamo ni Chy.

Gusto kong matawa dahil sa itsura niya ngayon. Para siyang nawalan ng laruan at nakabusangot.

"Parang gusto naman kitang makasama." rinig kong bulong ni Gwen.

"Hmm, pwede naman na sumama ka samin. You will stay there if you want. Kakausapin ko na lang si Fred." Nakangiting sabi ko kay Chy.

Hindi man lang napalitan ang expression niya. Still, busangot pa rin ang mukha.

Napatingin tuloy ako sa mag-ama na masayang naglalaro. Ready na ang gamit namin. At gaya ng napag usapan namin ni Fred kakausapin ko muna 'tong dalawang 'to bago kami umalis.

"Huwag na pala! Bibisita na lang ako sa inyo. Bahala na kung makakasama ko 'tong epal na 'to!"

"Chy? You can also stay with me there."

"No way! Maiistorbo ko lang kayong dalawa."

Niyakap niya ako. "I'm going to miss you pero mas mamimiss ko si baby Azahel hmmp!"

Kumalas siya sa pagkakayakap at napatingin na ako kay Gwen na nakangiti lang sakin. Pero bago pa ako makapag salita ay niyakap na din niya ako.

"Take care always, okay? Bibisita rin ako sa inyo."

"Pwede ring hindi na. Bitiwan mo lang siya kung gusto mong makabisita sa pamamahay ko." Mariin ang pagkakasabi ng boses na iyon.

Napabitiw tuloy si Gwen sa pagkakayakap sakin at natawa na lang si Chy.

"Seloso naman ni daddy, Saf!" Natatawang sabat ni Chy.

Hilaw ang ngiting iginawad sakin ni Gwen.

"Chill, dude."

Humarap ako kay Fred na nakasimangot na. "Ano ka ba! It's just a goodbye hug!"

"Tapos na kayo mag-usap?"

Tango lang ang naisagot ko. "Let's go!"

Tinignan ko pa muna yung dalawa na kumakaway samin habang hila hila ako ni Fred.

"Nasaan si Azahel?" tanong ko nang makita kong hindi na niya kasama ang anak namin.

"Nasa kotse na." masungit niyang sagot.

Pinigilan ko siya sa paghila sakin. Nagtagumpay naman ako kasi tumigil siya.

"Galit ka ba?"

"No,"

Lumapit ako sa kaniya. Pinagdikit ko ang katawan namin. I don't care kung nasa hallway kami. Nakita ko ang paggalaw ng panga niya.

Hindi ko na napigilan ang paghaplos sa gumagalaw niyang panga.

"Huwag ka na magalit. It was just a goodbye hug,"

Hindi siya nagsalita. Pumungay ang mga mata ko then I kissed him. Smack lang iyon pero para akong nanghihina sa ginawa ko.

"Nung umalis ka ba sakin noon, may goodbye hugs din ba ako? Wala diba?"

Nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Oh god!

I'm deeply inlove with him!

Hindi na ako nagsalita pa at hinalikan ko na siya ng malalim. I'm sorry, Fred. I'm sorry. Gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Naramdaman ko ang pagkagat niya sa ibaba ng labi ko. Napabitiw tuloy ako sa paghalik. Nakanguso na siya.

"Not here." Bulong niya at hinila na naman niya ako.

Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon