"Wala kang naiwan Saf?"
Nakailang ulit na tanong ni Chynna simula nung nag iimpake kami ng gamit namin. Halos pang limang beses na ata.
We're here at the airport, medyo napaaga kami ng punta dahil excited ang anak ko.
Ako naman, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
"Paulit ulit ka! Sirang plaka ka ba?" naiiritang tanong ni Gwen.
"Epal ka! Hindi naman ikaw ang tinatanong ko! Nakikisabat,"
"Nakakairita na kasi yang boses mo kanina ka pa tanong nang tanong,"
"Tumigil na nga kayong dalawa. Hanggang dito ba naman mag-aaway kayo," suway ko.
Nakaupo na kami dito sa assign seat namin. Ang pwesto ng anak ko ay tapat ng bintana sunod ako, katabi ko naman si Chynna at kasunod niya si Gwen na kanina pa naiirita.
Napailing nalang ako. Hindi ko na lang sila pinansin pa at pinikit ko na ang mga mata ko.
May karapatan ang anak ko na makilala ang daddy niya. Kahit makita at makausap man lang.
Pasensya na anak kung lumaki kang walang daddy.
Hindi rin natupad ang pangarap kong mamuhay ng may buong pamilya. Ayokong iparanas sa kaniya na lumaking walang magulang kagaya ko. Ayoko rin naman na ipagkait siya sa daddy niya.
Sana matanggap mo siya, Fred...
Nagising nalang ako dahil sa pagtapik ng kung ano sa pisngi ko.
"Mommy wake up! We're here,"
Tinignan ko ang anak ko na nakangiti na. Wala na yung dalawa.
"Where's your tita Chynna?"
"They say, kukunin po nila yung gamit natin. Let's go mommy,"
Hinila ako ng anak ko. Ang maliit niyang kamay na nakahawak sa kamay ko ay nagpalambot sa aking puso. Parang dati lang ako pa ang humahawak sa kamay niya.
Nakakapanibago. Sa walong taon na lumipas, masasabi kong maraming nagbago. Kung dati, traffic, ngayon sobrang traffic na.
"Ang init!" reklamo ni Chynna.
"Magtaka ka na kapag may snow dito," pambabara ni Gwen.
"Ha? May nagsasalita ba?"
Lumapit sakin si Chynna. Hinawakan niya ang braso ko at hinaplos iyon. Napailing naman agad ako. Hawak ko ang kamay ng anak ko.
"Gwapo ba iyong ex mo?"
Hindi ko siya sinagot. Hindi ko na kailangan sagutin iyon. Matagal na akong naging baliw sa kaniya. Kaya wala akong masasabi sa kagwapuhan niya. He's so damn hot, no sweat.
Sumakay na kami sa taxi nang tumigil ito sa sa gilid namin.
"Ano ba! Sino nagsabing kumuha ka? Epal talaga," reklamo ni Chy.
"Ang damot mo!"
Sa passenger seat ako nakapwesto kaya nilingon ko yung dalawa na nag aaway na naman. May kinakain si Chynna habang si Gwen naman ay ngumunguya na. Ang anak ko naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanila. It was like his face was emotionless seeing nonsense thing.
Hinayaan ko na lang. Napatingin nalang ako sa bintana. Mga nagtataasang building at mga naglalakihang poster ang mga nakikita ko.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ko siya. Si Fred nasa poster! Damn it!
He was so damn hot! Wearing tuxedo ang a serious face. Mapait akong ngumiti.
Nalagpasan na namin agad iyon. Maraming nagbago sa kaniya kahit na saglit ko lang siyang nasulyapan.
BINABASA MO ANG
Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)
Romance[COMPLETED] [TAGLISH] Safiah Kendall H. Collins, married to an arrogant, jerk and asshole bussiness man named Fred Gray B. Collins. Before she forgot, asawa lang pala sa papel. Nakakatawang isipin na sa isang maling akala ay magbabago ang lahat. Per...