"His name is Azahel Greg Hemus," sabi ko pagkababa namin ng kotse niya.
Hindi siya nagsalita kaya nagkibit balikat nalang ako.
Nasa elevator na kami nang tugunin niya ako. "You did not use my last name?"
Umiling ako. Hindi na ako nakapagsalita pa. Kinakabahan din ako dahil ito ang unang pagkakataon na makita niya ang anak namin.
My stomach was in knots and I was a nervous wreck. Ano kaya ang magiging reaction niya kapag nakita niya si Azahel?
It's been said there's no such thing as too much good thing, but I know, they can start out with short meeting and ultimately progress to spending more time with each other.
I care so much about making the first meeting perfect because it matters.
Pagkarating namin sa tamang palapag, mas lalo akong nanghina at muntik na akong madapa. Naramdaman ko ang mga kamay ni Fred sa likod ko at inalalayan niya ako.
"Be careful," he whispered.
Binuksan ko ang pinto. Nasa likuran ko lang siya at sumusunod sa akin.
"Ohh, your mommy is here na!"
Tuwang tuwa si Chynna nang makita ako pero agad na nanlaki ang mga mata niya nung bumaling ang tingin niya sa likuran ko.
Tumakbo ang anak ko at sinalubong agad ako ng yakap. After that hug, he stared at the person behind me.
Kita ko ang gulat sa mukha niya. "Wait mommy, I'm going to change!"
Magsasalita pa sana ako pero agad na siyang kumaripas ng takbo papunta sa kwarto namin.
Nakita ko ang pagtayo ni Gwen sa sofa. He's looking at me, tsaka bumaling na sa likuran ko.
"Nice to meet you again," mapang-asar nitong sabi.
Hindi tumugon si Fred. He just nod at him then I felt his hand on my back again. Para bang hobby na niyang hawakan ako.
Lumapit sakin si Chynna, may bahid ng pang-aasar sa mukha niya.
"Hello! I'm Chynna," pagpapakilala ng kaibigan ko.
"Nice to meet you," sabi ni Fred.
"Ay akala ko meeting ang pinunta mo ngayon, iba naman pala," bulong niya sakin.
Umirap lang ako sa kaniya. "I'll explain it to you later,"
Umupo na kaming apat sa sofa at hinihintay nalang ang paglabas ng anak ko.
"He looks like me, huh?"
Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko sa sobrang lapit niya. Obviously, because he's your son!
"Umayos ka nga ng upo," bulong ko rin pabalik.
Umayos siya ng pagkakaupo pero hindi pa rin nawawala ang kamay niya na nasa waist ko.
Napatikhim si Chynna. "Nakakainggit naman kayong dalawa! Huwag nga kayong ganyan sa harapan ko,"
"Just close your eyes, ikaw ang mag-adjust," pambabara ni Gwen na abala na ngayon sa pagkalikot sa kaniyang laptop.
"Epal talaga kahit kailan!"
Natawa na lang ako. Pero agad akong napatigil sa pagtawa dahil bihis na bihis ang anak ko nung bumaba na siya.
He's wearing a white plain shirt and blue jeans. Inayos niya rin ang kaninang magulong buhok.
"Wow! Mas lalong gwumapo! Ligawan mo na ako baby Azahel!" sabi ni Chy.
Agad ko siyang binigyan ng masamang tingin. At walang epekto iyon dahil mas lalo lang siyang natawa.
Lumapit ako sa anak ko na nakatayo lang. Nag squat pa ako para mapantayan siya. He's now looking at me with so much confusion on his eyes.
"Baby, you want to meet your daddy right? Now he's here, greet him,"
Hindi siya nakapagsalita at tumulo nalang bigla ang luha sa mga mata niya. Bumuhos na rin ang luha ko.
Tumayo si Fred dahil sa paglapit sa kaniya ni Azahel. He's kneeling in front of my son.
Niyakap agad siya ng anak ko. "Daddy!!"
"Omyghad! This scene are emotional!"
"Matuto kang ilugar yang bibig mo ha?" rinig kong sabat ni Gwen.
Umiiyak na si Azahel sa balikat ng kaniyang daddy. Tumingin sakin si Fred na parang napalakalaki ng kasalanan ko. Nakaramdam naman ako ng konsensya.
Dapat lang na makonsensya ako dahil nilayo ko sa kaniya ang anak namin.
"Ang tagal kitang hinintay daddy,"
"I'm sorry, hush son, I'm sorry. I'm here now," Paulit ulit na bulong ni Fred sa kaniya.
Nanghihina ako habang pinapanood silang dalawa. Hindi ako makapaniwalang darating sa ganito. Napakasakit sa pakiramdam.
You are really a selfish, Safiah. Kung sana hindi na lang ako lumayo, edi sana lumaki siyang may daddy. Edi sana wala nang ganito pa.
Ilang oras pa ang lumipas, pinapanood ko na lang silang mag-usap. Tumigil na rin sa pag-iyak ang anak ko. Napalitan na ito ng mga ngiti habang kausap niya ang daddy niya.
Ang sarap sa pakiramdam na makita ang anak mo na masaya. Kahit ilang oras palang ang nakakalipas close na sila.
BINABASA MO ANG
Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)
Romance[COMPLETED] [TAGLISH] Safiah Kendall H. Collins, married to an arrogant, jerk and asshole bussiness man named Fred Gray B. Collins. Before she forgot, asawa lang pala sa papel. Nakakatawang isipin na sa isang maling akala ay magbabago ang lahat. Per...