Chapter Twenty-One

8.5K 92 1
                                    

"What's your mom's favorite food?" nakailang tanong na ako niyan.

Pero hindi niya ako sinasagot o binabalingan ng tingin. Abala lang siya sa pagtipa sa laptop niya.

Napasimangot na lang ako. Naiintindihan kong busy siya. Pero ang simpleng pagsagot sa tanong ko ay hindi man lang niya magawa.

Sinabi niya sa akin na pupunta ang mama niya dito. Maybe mamayang gabi, for dinner? Gusto kong paghandaan, pero hindi ko naman alam kung anong lulutuin ko.

"Stop thinking about that,"

At sa wakas nagsalita na siya. Lumapit siya sa akin at agad akong niyakap ng mahigpit. Sa sobrang higpit parang ayaw na niya akong pakawalan. Well, I guess, tapos na siya magtrabaho?

"Pero gusto kong paghandaan ito,"

"I wont let you, manang can do that," He caressed my cheek. Napapikit ako.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang ay nakakakaba at hindi ako mapakali.

Dati-rati hinihiling ko na ipakilala ako ni Fred sa mama niya. At ngayong matutupad na, kinakabahan ako. Ganito pala ang feeling?

Ang daming negative thoughts ang pumapasok sa isip ko.

"Paano kapag hindi ako nagustuhan ng mama mo?"

He clenched his jaw. "Wether she will like you or not, I'll stay by your side,"

"Ano ba gagawin ko kapag nasa harap na ako ng mama mo? Like ano yung mga ayaw niya?"

Ewan ko pero nataranta ako ng hilutin niya ang sentido niya pero kahit ganoon ang hot pa rin niya.

"Just be yourself, Safiah," nauubusang pasensya niyang tugon.

Agad akong napangiti sa sinabi niya. He has a point. Kung magugustuhan ako ng mama niya then I will be grateful. If she will dislike me then I will accept it. This is life though, the more rejection we may encounter the more relief we recieve.

Ano kaya unang magiging reaction niya kapag nakita niya ako?

Ilang oras pa ang lumipas ay mas lalo akong kinakabahan. Bawat paglipas ng minuto ay hindi ako mapakali.

"Just relax wife. Mama won't eat you. But I can eat you,"

Sinapak ko siya sa balikat niya. Natawa naman siya. Urgh!

Hindi ako natutuwa sa asawa ko ngayon. Pakiramdam ko anytime pwede na akong bumagsak dahil sa kaba ko.

"Nandyan na ang mama mo, hijo" sabi ni manang at nginitian niya agad ako.

Yung ngiti ni manang na huwag ako masyadong mag-alala.

Hinintay namin ang pagdating ng mama niya sa tanggapan. Nasa likod lang ako ni Fred. Sumilip ako at nakita ko ang mama niya na nakapulang dress. Napakaganda ng mama niya.

Sinalubong agad siya ni Fred ng yakap.

"Anak! Miss na miss na kita,"

"Magandang gabi, Fely," bati ni manang.

"Magandang gabi din manang, where's your girlfriend?"

She kissed his son on his cheeks bago bumaling sa akin.

Napawi ang ngiti niya nang makita ako. Oh god, hindi ganito ang naisip kong magiging reaction niya kapag nakita niya ako.

"Is this your girlfriend anak?!"

Hindi makapaniwalang tanong niya. Her eyes widened when she examined me from head to toe. Nailang ako sa tingin niya.

And there she is, napakabilis ng galaw niya. Sinampal niya agad ako. Napaupo ako dahil sa malakas na epekto sa akin ng sampal na iyon.

"Mama!" Saway ni Fred.

"Naku Fely?! Anong ginawa mo?!" tanong ni manang.

Lumapit silang dalawa sakin. Napadaing ako sa sakit ng sampal niya. Anong ginawa ko para sampalin niya ako ng ganon ganon na lang?

"Kamukhang kamukha mo ang nanay mong malandi! Your mother's name is Sylvanna and your father's name is Randall?! Tama ba ako, hija?!"

Puno ng galit at poot ang makikita ko sa mata niya. She's right mga magulang ko sila. Pero anong kinalaman nila sa matinding galit niya? Anong ginawa ng mga magulang ko?!

Tinawag niyang malandi ang mama ko?!

"You know what?! Nilandi ng mama mo ang asawa ko! Siya ang dahilan kung bakit naaksidente ang asawa ko! Bakit ba kasi sinundan pa niya yang malandi mong ina?!"

"Mama, stop it!"

I don't know what to say. Napaatras ako nang makita ang panlulumo niya. Tumulo ang luha ko dahil sa masasakit na salitang binitawan niya.

Hindi malandi si mama!

Napasigaw ako dahil sa pagsakit ng tiyan ko. Omyghad baby, no!

"Fuck! Mama, please leave!" Sigaw ni Fred.

"No, hindi ko matatanggap yang babaeng yan! Hindi siya ang- what happened?"

Napatingin ako sa paanan ko. Napakaraming dugo. Mas lalo akong napaiyak.

"Jusko!" sigaw ni manang.

"Anong nangyari?!" Tanong ng mama ni Fred.

"Please ma! Leave!"

Binuhat ako ni Fred. Naririnig ko pa silang nagsasalita pero hindi ko na maintindihan.

Nahihilo ako dahil sa halo halong emosyon. Namamanhid na rin ako. Sana paggising ko okay lang si baby. Dahil kung mawawala ang baby ko, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon