Chapter Thirty

8.8K 104 0
                                    

Safiah POV's

Halos kararating lang namin ni Chynna dito sa condo. Marami akong nabili pero mas maraming nabili ang kaibigan ko.

Wala akong gana sa lahat ngayon. Lalo na yung magazine na nakita ko kanina. Nakakawalang gana.

"Are you okay Saf?"

She's worried. Pilit ko siyang nginitian tsaka nilagay na sa ref yung ibang nabili namin.

"Sana pala hindi mo na nakita yung magazine na yun! Tignan mo, para ka ng zombie sa sobrang tamlay mo,"

I bit my lower lips. Please, Safiah, stop thinking about that magazine. I almost beg myself for it.

"Mommy!"

Bigla akong niyakap ng anak ko. Agad akong napangiti.

"Happy pill mo pala si Azahel eh," Nag squat siya para mapantayan ang anak ko. She kissed his cheeks.

"Hi baby, your mommy is sad,"

Umiling agad ako sa anak ko. Kumunot ang noo niya. Natawa nalang si Chynna tsaka tumayo na.

"Why are you sad mommy?"

"Wala anak, nagbibiro lang ang tita mo,"

Sinamaan ko ng tingin ang nakangising kaibigan ko. Bakit niya sinabi iyon?! Hindi ko tuloy alam ang idadahilan ko sa anak ko.

Napatingin ako kay Chynna dahil sa pagtunog ng door bell. "Baby where's your daddy Gwen?"

"Tulog po,"

Napatango ako. "Maiwan ko muna kayo dito buksan ko lang yung pinto."

Hindi ko na hinintay pa ang tugon ni Chy, naglakad na ako papunta sa pinto. Naulit pa ang pagdoor bell na iyon dahilan para sa pagmamadali kong buksan ang pinto.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko kung sino ang nasa harap ko ngayon.

Oh, don't tell me...

"Hello hija," nakangiting bati ng mama ni Fred.

Anong ginagawa niya rito?!

Walang emosyon ko siyang tinitigan. Matapos ang nangyari noon, hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya ngayon. But I guess, let her give atleast a chance?

"Tuloy po kayo,"

Pumasok naman siya at pinaupo ko siya sa sofa. May galit pa rin ako sa kaniya pero bastos naman ata kung papalayasin ko agad siya.

"Kuha lang po ako ng inumin niyo,"

Tatalikuran ko na sana siya pero agad siyang nagsalita, nanatili na lang ako sa pwesto ko.

"No need. I just want to talk to you, that's all"

I just nod at her. Umupo na rin ako sa harapan niya. Walang bahid na galit o pagkainis ang mukha niya ngayon. She gives me an apologetic smiley face.

"I'm here to say sorry. Gusto kong hingin ang iyong kapatawaran dahil sa ginawa ko noon. I know, galit ka sakin dahil sa pagkawala ng anak mo, pero nagsisisi ako. Nagsisisi ako hija,"

Nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko dahil sa narinig ko ngayon.

Kahit kailan hindi maaalis ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko rin inaasahan na nandito siya para humingi ng kapatawaran. Akala ko mananatili siyang galit sakin.

Kung ano man ang ikinagagalit niya sa mommy ko, labas ako roon.

Hindi ako nakapagsalita. Mabilis ko siyang inalalayan dahil lumuhod na siya.

"Teka po, ano pong ginagawa niyo?"

"I want your forgiveness hija, I regret it so much, please I'm begging you,"

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Seeing her kneeling in front of me made me weak.

Hindi ko kayang nakikita siyang nakaluhod sa harapan ko, kahit pa ang laki ng kasalanan niya.

"I forgive you na po, please tumayo na po kayo,"

Pinunasan niya ang luha niya gamit ang panyong hawak niya tsaka siya tumayo. Nanlaki ang mata ko dahil sa biglang pagyakap niya.

"Mommy, let's eat!"

Bigla itong kumalas sa pagkakayakap dahil sa boses ng anak ko.

Napalingon ako sa anak kong tumatakbo palapit sakin. At nang makalapit ay agad niya akong hinawakan sa kamay. Napatingin din siya kung sino ang nasa harapan ko.

"Oh god! He's your son?"

Makikita ang gulat sa mga mata niya nang masulyapan niya ang anak ko. Kamukha niya si Fred kaya alam na niya kung sino ang daddy nito.

Ewan ko pero bigla akong kinabahan.

"Hello hijo, I'm your lola," kumaway pa siya.

Kumunot ang noo ng anak ko. Yumuko ang mama ni Fred at bigla na lang nagtago ang anak ko sa likuran ko. Naramdaman ko naman ang pagtabi ni Chynna sa akin.

"Wow, nauna pang makilala ang lola," bulong niya.

Umiling ako sa kaniya. I didn't expect it too. Yumuko na rin ako para mapantayan ang anak ko. Nagtatanong ang mga tingin niya sa akin.

"Baby, she is your lola, mama ng daddy mo,"

Agad na nagliwanag ang mga mata niya. Napalitan ng ngiti ang mukha niya.

"Hello po!" tuwang tuwa niyang sabi.

"Ang gwapo! Kamukhang kamukha ng anak ko!"

Nailang na lang ako. Hindi ko alam pero parang may kasalanan ako. May kasalanan ako sa kaniya, hindi ko agad sinabi ng maaga kay Fred na may anak kami.

"From now on, call me lola,"

"Okay lola,"

Niyakap niya ang anak ko. Makikita ko sa mukha ni Azahel ang saya at pagkalugod. Nanikip ang dibdib ko dahil sa sandaling yakap na iyon.

Paano nalang kaya kapag nakausap na niya ang daddy niya? Malamang sobrang galak pa ang mararamdaman niya.

Tumayo na ito at tumingin sa akin. "And call me mama,"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi? Tawagin ko siyang mama?! Para akong nahiya sa sinabi niya.

Napatikhim si Chynna. Tinignan ko siya ng masama. Aasarin na naman ako nito mamaya.

Ilang oras pang nanatili ang mama ni Fred dito. Hindi pa ako sanay na tawagin siyang mama. Mahirap mag adjust.

Pinapanood ko lang silang mag usap ng anak ko. I can see their happiness on there face.

"Ang ganda ng mama niya, kaya pala ang gwapo ng ex mo ha," asar ni Chynna.

I just rolled my eyes at her. Tumawa lang siya sa naging tugon ko.

Kinakabahan tuloy akong ipakikila kay Fred ang anak namin. Pero wala nang mas nakakakaba kung paano ko siya kakausapin. Lahat gagawin ko para kay Azahel. Kaya kahit anong kaba ko tatanggapin ko pa rin ang kapalaran ko.

Possessive Wife (COLLINS COUSIN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon