Chapter 8 -- complaints

21 0 0
                                    

Nang matapos ang EDTECH namin, vacant nanaman ang susunod sa schedule namin. Hindi ko talaga gusto ang schedule namin tuwing Tuesday at Thursday  kasi puro na lang vacant ang laman ng sched namin. Hindi naman kami makapili ng ibang schedule dahil Educ Students lang naman ang may Field study, Child and Ado at ang Filipino III. Lahat ng subject namin sa T/TH ay pang EDUC lang, hindi man major pro parang ganun na rin. Dibdiban ang pag-aaral namin kaya naman sobrang hirap talaga.

Tulad nga ng sabi ko, vacant namin ngayon at wala na kaming maisip na pwedeng gawin, tapos na rin kasi kaming kumain kanina sa unang vacant namin. Nakakabagot pa naman din dahil may isa’t kalahating oras kaming dapat patayin.

Naisipan na lang namin pumunta sa library para magpalamig, para naman kahit papaano ay malasap din namin yung binabayaran naming aircon fee sa tuition. Naalala din kasi namin na naghimutok last mid-sem dialogue yung aming dean, hindi daw kasi kami gaanong pumupunta sa library, sinasayang lang daw namin yung libro na ginagastusan namin, halos umabot daw yun ng 18k tapos hindi man lang namin gamitin. Eh paano ba naman kasi , talagang tatamarin kaang iuwi sa bahay yung mga libro, sino bang gaganahan magdala ng libro na halos isang dangkal na ang kapal, tingin ko nga tatlong kilo ang bigat nun. Hindi ako nagpapaka-OA, ganun lang talaga ang mga libro ng mga EDUC, kahit hindi naman importante yung ibang nakasulat sa libro, dinadagdag pa nila. Dapat kung ano lang ang importante, yun lang ang ilagay nila. Eh di kung ganun sana ang ginagawa ng mga author, napamura na sila sa gastusin, hindi pa mabibigatan at mahihirapan yung gagamit sa ginawa nila. Pati isa pa, sino ba ang magti-tyaga na maghanap ng kakarampot na topic sa librong may 5000 pages? Sige nga, hindi ba nila naisip yun.

Napapahaba naaman ang kwento ko. Oh basta yun, nasa library kami, second floor. Mas maganda kasi dito, konti lang ang tao kumpara sa babana maraming tao kaya maingay. Matutulog lang naman kasi kaming tatlo kaya naman dito kami pumunta. Masarap matulog sa aircondtioned na lugar kasi presko diba. Ang kailangan lang namin iwasan ay yung mga pabidang mga student assistant. Minsan kaya nakakainis na sila, kahit hindi naman nag-iingay, bigla nilang sistahin, kapag may nahuuli silang tulog, papalabasin nila. Aba, dapat hindi nila ginagawa iyon, may karapatan kaming matulog dahil bayad ang tuition namin, isa pa hindi naman kami nag –iingay kaya bakit kailangan nila kaming paalisin

Sa totoo lang, marami talaga kaming reklamo dito sa school namin, lalo na ang mga EDUC students. Sa sobrang dami ay hindi na namin matandaan kung ano-ano ang mga iyon. Hindi rin naman namin magawang magreklamo sa kanila dahil for sure ay wala rin naman mangayayari. Mag-aaksaya lang kami ng oras at effort kaya wag na lang. ang mahalaga lang naman ay makatapos kami at makuha ang diploma na pinaghihirapan namin ngayon.

Sinubukan ko na umidlip dahil nakita kong yung dalawa kong kasama ay mga tulog na kaso nga lang ng sinubukan kong ipikit ang mata ko, para bang nawala bigla ang antok sa katawan ko. Para bang nang-aasar lang, kapag kailangan magpuyat, dadalaw ang antok pero kung kelan gusto mo matulog doon naman biglang mawawala ang antok.

At dahil nga hindi naman ako makatulog, kumuha na lang ako ng libro, kinuha ko yung may maraming pictures dahil hindi naman ako magbabasa, magtitingin-tingin lang ako ng pictures. Syempre vacant namin ngayon noh, kaya pahinga muna sa pagbabasa.

Kinuha ko yung libro ng mga world records at nagtingin ng pwedeng makita. Hindi na ako naexcite o nagulat sa mga nakita ko sa librong iyon dahil ang totoo ay pang-lima ko nang tingin dito mula nung first year ako. wala na kasing ibang librong makita dito sa library. Puro na lang educational books, wala man lang yung entertaining o kahit sana comics lang. alam ko naman na ginawa ang library for educational purposes pero syempre diba dapat libangin din nila ang mga estudyante gamit ang libro, pwede naman yun eh.

Dapat hindi lang puro aral ang ginagawa ng mga estudyante, dapat ma-enjoy din namin ang buhay namin. Ang hirap kaya maging tulad namin, binibigyan kami ng sobra-sobrang responsibilidad n halos pumuti na ang buhok namin pati sa ilong kakaisip kung paano iha-handle ang lahat ng iyon.

Halos lahat ng bagay na pwedeng mangyari sa college life , sa tingin ko ay nakakapagod. Gagawa ka ng tambak na hoeworks, sunod-sunod na reportings, mga research weekly, puyatan sa pagre-review at nakakapagod na pakikinig sa paulit-ulit na kwento ng prof. ang hirap diba, minsan hindi mo na alam kung ano ba ang dapat mong i-prioritize, kung yung isang subject mo ba, o yung isa pa, o yung isa pa, o yung iba pa. pero syempre iisipin mong ayos lang yan dahil sulit naman pagtapos ng graduation. Bakit pagtapos ba ng graduation, yayaman agad kami? Alam a nila kung gaano kahirap ang pinagdadaanan at ang dadaanan pa namin sa darating na panahon.

Buti sana kung ganun lang kadali makakuha ng grade na flat 1. Depende pa yan sa prof kung gusto ka niyang ipasa o ibagsak. Minsan kasi, hindi talaga maiwasan yung mag hahawak sa inyo na prof tapos may favoritism. Syempre ang papansinin niya lang ay yung mga mahilig magtaas ng kamay, tapos yung iba na tahimik lang ay babalewalain na niya. Yung tipong kahit magaling naman sila sa mga written exams at activities, hindi pa rin sila binibigyan ng grades na deserve nila dahil lang sa hindi sila mahilig mag-recite.

Sa tingin ko nga, ganun yung prof namin sa LitCrit dahil halata naman na mas pinapaburan niya yung mga tumatayog estudyante. Isa pa naman din ako sa mga estudyante na hindi gaano mahilig mag-recite. Pero hindi ako natatakot sa kanya ahi alam ko naman na kahit hidi ako ganun katalino, marai din anamn akong alam kahit papaano. Mahirap man mapatunayan sa kanilang lahat yung kakayahan ko pero baling araw makikita nila.

Madami talaga akong reklamo sa lahat halos ng nandito sa school, ganun talaga pag estudyante ka, lahat may reklamo.

a PERFECT CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon