Chapter 27 -- Am I too POSSESSIVE?

11 0 0
                                    

Pagkatapos naming gumala sa gateway, 30 minutes bago mag-start yung next class namin, bumalik na kami sa school. Bago kami dumeretso sa room ay dumaan muna kami sa CR, doon lang naman yun sa kabilang dulo ng buong 5th floor.

Pagtapos naming mag-CR ay may isang grupo ng mga lalaki na nakatayo sa harap ng CR. Medyo awkward dahil lahat sila ay nakatingin sa aming tatlo.

Pero lalong naging awkward lang nung mapansin ko na yung isang super duper cute na guy ay nakatitig at nakangiiti sa akin. Siya yung ultimate crush ko dito sa buong school. Kamukha kasi niya si James Reid and super gwapo talaga niya. Artistahin yung mukha niya tapos pamatay pa yung ngiti niya.

Tumingin ako sa likod ko, pati sila Anj at Sam ay tinignan ko dahil baka sila yung nginingitian pro mukhang hindi naman kaya ibinalik ko yung tingin ko sa lalaking yun at nakangiti pa rin siya kaya naman nginitian ko na rin lang.

Nang makita ng mga kaibigan niya na ngumiti ako, may biglang tumulak sa kany sa likod kaya naman napalapit siya sa harapan ko.

“makipagkilala ka na pre” sigaw nung isang lalaki

Nagtaka ako pero deep inside kinikilig ako. syempre ikaw ba naman lapitan ng crush mo para makipagkilala, hindi ka pa kikiligin?

Hindi naman sa pagmamayabang pero medyo marami naman talagang nanliligaw sa akin pero dahil isa lang naman yung taong mahal ko, kahit gaano pa karami yung magpakilig sa akin, siya pa rin talaga yung hahanapin ko, si Jervie.

“yiee. Ganda-ganda ni KIM” biro ni Sam

“Kim ba pangalan mo te?” tanong nung isang lalaki

“uhm. Opo, bakit po.” Sagot ko

“JB, pakilala ka na. alam mo na yung name ni ate oh”

Napanhgiti ako sa kanya. So JB pala name ni ultimate crush. Bat hindi ko mahanap sa FB. Nahirapan akong hanapin siya sa FB, nakakainis tapos JB lang pala name niya.

“ah. Gusto mo makipagkilala kay Kim?”  tanong ni Anj kay Zach

“ah. Eh. Oo sana.” Sagot niya

a PERFECT CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon