Monday. Hindi pa rin ako maka-recover sa nangyari nung last Saturday sa Speech Lab namin. Hanggang ngayon kasi kinikilig pa rin talaga ako. hindi ko maiwasang lagyan ng kulay yung nangyari dahil sa sobrang kilig. Sa tuwing maalala ko nga iyon ay para akong baliw na napapangiti mag-isa. Ang hirap pa naman ding pigilan kapag super kinikilig ka talaga.
Dalawang araw na rin akong nagsasayang ng pera para pang-load sa smart bro ko. Sa Facebook na lang kasi ako nakakapag—shout out ng nararamdaman ko, hindi naman as in yung kilig much na pinagdadaanan ko pero syempre wala naman kasi akong ibang pagsasabihan ng nararamdaman ko. Hindi ko masabi kay Anj pati Sam kasi baka mairita na sila, halos araw-araw kasi akong nagku-kwentotungkol kay Jervie eh. Hindi ko rin naman pwedeng ikwento kay Jervie dahil wala akong balak na ipaalam sa kanya na gusto ko siya. Hindi rin naman pwede kila mama at papa kasi sa twing matatapos yung kwento ko bigla nilang susundan ng sermon.
Hindi na rin ako makatulog ng maayos. Insomnia ba ito? Dalawang araw nang walang pahinga ang utak ko dahil sa kakaisip sa ginawa ni Jervie at hindi ito pwede. Prelim exams na namin sa Wednesday at wala pa akong nare-review. Sa tuwing mag-re-review kasi ako, bigla na lang syang pumapasok sa utak ko kaya hindi ako nakakapag-concentrate. Ang hirap kaya ng ganito, sa twing may kailangan akong gawin, hindi ko magawa ng maayos kasi siya lagi yung nasa isip ko.
Nang dahil sa kalokohan niya hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos. Ilang araw na lang at exam na pero wala pa ako sa matinong pag-iisip. Namomroblema tuloy ako. paano na to? Hindi naman pwedeng bumagsak ako, hindi man ako scholar sa school namin pero syempre ayokong ma-disappoint sila mama sa akin. Ang taas-taas ng binabayaran nila dito sa school tapos mababang grades lang ibibigay ko sa kanila.
Kung minsan nga ayokong ipakita yung scores ko sa kanila kasi syempre hindi naman maiiwasan yung makakuha ka ng mababang score. Minsan kasi nakaka-feel bad kapag sinasabi nila na masyado daw mataas yung binabayaran tapos sasabihin pa nila na wala na daw kaming pera. Eh kung iisipin namang mabuti, ayoko talaga mag-enroll sa private school na yun, mas gusto ko pang mag-aral sa public kasi kahit hindi ganun kakilala yung mga public school atleast mura na then halos pareho lang ng quality ng pagtuturo. Hindi naman problem yung board exam eh kasi madali lang yun, nasa estudyante na lang yan kung paghahandaan niya.
Well, balik sa totoong problema. Ano bang gagawin ko para pumasok sa utak ko yung mga binabasa ko. Ang totoo nga niyan wala pa talaga akong nababasa na pwede kong mai-review kasi puro FB na onaatupag ko. Hindi ko naman kasi mapigilan. Syempre kahit hindi naman kami nagkaka-chat sa Facebook tinitignan ko pa rin kung online ba siya. Para akong tanga noh. XD
“be may report na kayo sa edtech?” dinig kong bulong sa akin
Nakalimutan ko, nasa room pa nga pala ako at may reportings nga pala kami ngayon. Nilingon ko si ate na ka-group ko at kinausap siya tungkol sa report ko. Buti na lang talaga at kahit papaano ay may nagawa akong tama. Sana lang maging ok ang lahat.
Maya-maya lang ay dumating na si Sir at nagsimula na ang reportings namin. Medyo minamadali na namin tapusin lahat ng topics kasi nga malapit na yung exam namin and ang dami pang hindi nadi-disscuss.

BINABASA MO ANG
a PERFECT Crime
Teen Fiction"alam ko naman na kaibigan mo ko, pero maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yo na mahal kita? ang hirap kaya para sa akin na itago yun kasi natatakot ako na baka lumayo ka. alam ko rin na imposible na maging pareho yung nararamdaman natin sa isa't...