Chapter 21 -- Is is by Chance?

31 0 0
                                    

Monday. Another tiring day. Bakit tuwing Monday palagi na lang akong tinatamad. Start na ng Midterm namin ngayon, sana mag finals na nga eh. Sobrang tagal kasi ng araw kapag pagod ka. hindi ka naman pwedeng magpahinga kasi estudyante ka. kapag nag-aral ka sa school, kailangan pati sa bahay ay nag-aaral ka din.

Litcrit namin at isang oras nanaman ang bubunuin namin sa nakakainis na prof sa subject namin na ito. Sa lahat ng prof namin sa 2nd year 1st sem, sya lang talaga yung piaka-ayaw naming lahat. Hindi man lang niya alam yung salitang “consideration”. Badtrip. Feeling kasi niya siya na yung pinakamagaling na tao sa earth. Sabihan ba naman kaming spoon-feeding daw kami sa mga lessons eh halos wala nga siyang tinuturo. Sungalngalin ko ng kutsara ngala-ngala niya eh.

“will be going to have reporting about the literary pieces written in your syllabus for the rest days of this sem.” Sabi ni ma’am

Halos lahat kami ay nagulantang. Yung mga classmates namin na hindi nag-react sigurao hindi yun nakikinig. Nag-kunutan ang noo ng mga kakalase ko kaya naman natawa ako kaht naiinis ako sa prof namin.

“what do you want, you choose your partner or I will choose for you?”

“but ma’am we don’t have copies of those piece” sabi nung isa kog kaklase.

“we’ll talk about it later. So what do you want” tanong ni ma’am

“YOU CHOOSE” sabi ng mga kaklase ko

“The first batch will  report their analysis to the poem that you will be assigned. Second batch will be novels. There is only 30 minutes for you to let us know what you understand about the piece”

Lalo pang kumunot at nagsalubong ang mga kilay nila. SUSKO! Directions nga sa exam ang hirap na minsan i-analyze tapos gusto oa niya novels at poems. Buti sana kung tagalog eh, mas magiging madali pa iyon. Minsan nagsisisi ako kung bakit English yung kinuha kong major eh.

Nag-assign na si ma’am ng groups at parang walang nakikinig sa kanya kasi lahat sila may kanya-kanyang reklamo sa paraan ng pagtuturo ni ma’am. Well, ganun talaga. That’s life.

“Ms. Kimberly uhm… and.”

Sana naman makasundo ko kung sino man yung iap-partner sa akin ni ma’am. Napakahirap intindihin ng salitang teamwork kapag may isang hindi alam mag-spell ng salitang iyon. Diba kasi there is no “I” in team.

a PERFECT CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon