Chapter 3 -- I Think So

22 0 0
                                    

Napapaisip talaga ako sa kung ano ang nararamdaman ko. kasasabi ko lang kanina na iposibleng magustuhan ko siya pero bakit parang lumulutang ako kanina, para bang gusto kong yakapin siya sa sobrang kilig.

hindi naman ako yung tipo ng babae na desperado, na sa tuwing may magiging sweet  o papansin sa kanila, iisipin agad na type sila nung guy. ang totoo nga niyan, marami ang kaibigan kong lalaki, marami din sa kanila yung super close ko, yung tipong sila na yung sinasabihan ko ng mga secrets ko pero sure naman akong wala akog feelings para sa kanila. para sa akin, mga kuya at kapatid ko na sila.

pero bakit ganito yung naramdaman ko ng gawin iyon ni Jervie. hindi kami ganun ka-close at higit sa lahat, ang pagkaka-alam ko ay hindi ko na siya crush, wala na talaga akong gusto sa kanya, kaso ano ito? naguluhan ako bigla.

isang oras pa bago matapos ang speech class namin, nawala ang pagiging boring ng atmosphere sa room. pakiramdam ko parang mas gusto ko pa tuloy makilala si Jervie, pakiramdam ko magiging magaan ang loob ko sa kanya. sabi rin kasi sa akin dati ni Angela na masyadong mysterious ang pagkatao ni Jervie kaya madali talaga siyang makahatak ng atensyon which I think is totoo naman pero mukhang naging interesado ako sa kanya sa ibang dahilan.

"Hoy bakit?" tanong ni Jervie

bgla akong napalingon ng tumingin siya. ASAR! hindi ko man lang namalayan na nakatitig na pala ako sa mukha niya. lalo pa tuloy nag-init ang aking mukha, pakiramdam ko ay pulang-pula na ako kaya hindi ako  makatingin sa kanya ng deretso.

"wag mo kong titigan, malulusaw kapogian ko" sabi ni Jervie

"baliw, ano bang problema mo?" tanong ko

"ikaw ang may problema, tinititigan mo ko eh. gwapo ko noh?" pabiro niyang tanong

"ikaw gwapo? wag ka nga manira ng araw" sagot ko

"eh bakit ka nakatitig sa akin?" tanong ulit ni Jervie

"hindi kaya ako nakatingin sayo, dun ako kay Nikki nakatigin, bakit porke ba na nakatigin ako sa side mo ikaw agad yung tinititignan ko? assuming ka ah" palusot ko naman

"ok, pero pogi ko noh" biro niya

"baliw, tumigil ka nga. makinig ka na lang" sabi ko sa kanya

pumirme na ako ng upo at nakinig na sa prof namin nang biglang may tumusok sa baywang ko.

"Jervie" sigaw ko

"sshhh! waag ka maingay" suway niya

"tumigil ka nga. wag ka kasi mangiliti" sabi ko

hindi siya nakinig sa akin, sa natirang 45 minutes ng klase ay kiniliti lang niya ako. sa totoo lang ayoko siyang pigilan dahil parang kinikilig pa ako sa ginagawa niya. ewan ko ba, siguro inlove na ako. inlove na nga ba? agad-agad? pero ewan, basta masaya ako

hanggang sa matapos ang klase, sya pa rin ang laman ng utak ko, napapaisip pa rin ako kung ano bang meron kay Jervie at iba ang naramdaman ko.

pagabas namin ng room, agad kong hinila si Samantha at Angela papalayo para magkwento sa kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin.

"be bakit ba? san tayo pupunta?" tanong ni Samantha

"bilisan niyo may itatanong kasi ako eh" sagot ko

"ano ba yun aah? pwede mo naman sabihin dito eh" sabi naman ni Angela

"basta, bilis"

hinila ko sila papunta sa P.E. hall namin, bago ako magsalita ay lumingon-lingon muna ako sa likuran namin dahil baka may kasunod kaming classmate namin.

"ano ba yun?" tanong ulit ni Samantha

"ah teka Kim, parang alam ko na yan ah" sabi ni Angela

"Si Josh ba?" mabilis na tanong ni samantha

"oo be, bakit ganun."sagot ko

"kala ko ba hindi mo sya gusto?" tanong ni Angela

"yun ang alam ko, pero bakit ganun. oo crush na crush ko siya dati pero dati pa yun, ilang months na rin yung nakalipas noh"

"alam mo, gusto ni Jervie ng long hair" sabat ni Samantha

"ganun ba? kaso maikili pa buhok ko eh"  sagot ko na para bang nalungkot ako sa nalaman ko

"oh, eh bakit ka affected? akala ko ba hindi mo gusto?" ani Samantha

"ay, be naman eh"

"admit mo na kasi, gusto mo na siya ulit. swerte mo be" sabi ni Angela

"tumigil nga kayo" tangi kong nasabi

"hay nako umuwi na nga tayo, basta Kim, observe lang. kung sakaling ganyan pa rin siya sayo kabait or ka-sweet sa mga susunod na araw then it means na may something" paliwanag ni Samantha

"something kaagad?"

"ewan, basta observe"

isinuot ko na ang headset ko at pinatugtog na ang mp3 ko. tuwang-tuwa ako at hindi ko alam kung bakit, ano nga ba kasi talaga ang meron ngayon.

bago umuwi ay pumunta muna kaing tatlo sa library para maghanap ng assignment sa LitCrit namin. first week pa lang pero halos paulanan na kami ng assignments, hindi naman kami pwedeng umangal dahil ano bang magagawa namin.

habang naghahanap ako ng libro na pwedeng gamitin, bigla ulit pumasok sa isip ko si Jervie. habang iniisip ko yung mga nangyari kanina, hindi ko mapigilan ang ngumiti kaya naman tinakpan ko na lang ang labi ko para hindi nila makita at baka isipin pa nila na nababaliw ako.

nawala ako sa konsentrasyon ko at nakalimutan ko na kung ano ang assignment namin kaya naman kumuha na lang ako ng ilang libro at umupo. pagkatapos naming gawin ang assignments namin, nagkwentuhan muna kami. syempre lahat ng iyon ay tungkol sa mga hinaing namin sa schedule namin na sobrang hirap.

nang mag-12 na, umuwi na kami, hinatid muna namin sa sakayan si Samantha dahil taga-Marikina siya, hinintay namin siyang makasakay. si Angela naman, hindi daw sya sasabay sa akin dahil kaama nanaman niya si Jerson, syempre date nanaman ang aatupagin niya, ano pang bago. magkapitbahay lang kasi kaming dalawa kaya minsan kung nagkakasabay ang oras ng uwi namin, sabay na rin kaming umuuwi. hindi kami madalas magkasabay nung 1st year kasi open section ang kinuha ko..

Hanggang sa pag-uwi ko ay hindi ko maalis sa isip ko yung nangyari sa speech class kanina. gusto ko na nga ba ulit siya? hindi akosure pero ewan eh, ang gaan ng paligid nung katabi ko siya, mukhang nahulog na ulit ako sa kanya.

a PERFECT CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon