Habang nasa byahe kaming dalawa ni Xander, napansin ko na hindi siya nagsasalita at nakayuko lamang. Medyo nagtaka ako kung bakit tahimik si Xnder kaya naman inuga ko ang braso niya para sana kausapin pero bigla na lang siyang napahiga, buti na lang at nasa tabi ako ng pintuan at siya din ay nasa tabi lang ng pintuan kaya naman nang tumumba siya, sa upuan lang siya napahiga. Mabigat kasi si Xander, na-experience ko na na masandalan niya habang tulog siya at sobrang bigat talaga niya, para bang may laman na mga bato yung ulo niya. Hindi naman siya ganun katalino pero bakit napakabigat ng ulo niya.
Pinagmasdan ko lang si XAnder habang natutulog siya at syempre tlad ng dati, mga mata niya ang tinititigan ko. Malaya akong titigan ang mukha niya ngayon dahil tulog siya kaya naman walang mang-aasar sa akin. Minsan kasi kapag inaasar niya ako tungkol sa pagtitig ko sa mata niya medyo nakakaramdam ako ng pagka-awkward.
Medyo nakaramdam na rin ako ng antok dahil matagal ang byahe,rush hour na rin kasi kaya sobrang bigat nanaman ng traffic. Napadilat na lang ako nang biglang nag-preno ang driver. Agad akong napatingin sa salamin sa harap at may nakita akong pusa. Muntik nang masagasaan ni manong yung pusa, buti na lang at nag-preno siya.
“sorry ma’am, may pusa po kasi na dumaan” agad na sabi ng driver
“ok lang yun kuya, kesa naman masagasaan yung pusa” sagot ko habang nakangiti.
“ayos lang po ba kayo diyan sa likod?”
“opo kuya ayos lang kami”
“pasensya na talaga ah” sabi ulit ng driver
Nagpatuloy na kami sa byahe, napatingin ako kay Xander at para bang walang nangyari. Nakapirme pa rin siya mula sa pagkakahiga niya at tulog na tulog pa rin kahit na malakas ang preno ni manong kanina.
Ayos din talaga itong lalaking ito, siguro pagod na pagod si Xander kaya naman hindi na maistorbo sa pagtulog niya.
Maya-maya ay inikot ni XAnder ang katawan niya kaya naman muntik na siyang mahulog sa upuan. Buong-lakas kong iniusog ang katawan niya sa may sandalan at inangat ang ulo niya saka ipinatong sa hita ko. Ano bang tingin ni Xander dito sa taxi, mukha bang kama niya itong upuan?
Hindi ko rin naman matiis si Xander kaya inihiga ko na lang siya sa hita ko. Habang tinititigan ko ang mukha ni Xander, natawa na lang ako. minsan kasi talaga parang bata ang lalaking ito, wala siyang pakialam basta makuha o kaya naman magawa niya kung ano ang gusto niya. Hindi naman selfish si Xander dahil alam niya kung saan ilulugar ang pagiging childish niya. Minsan nga mas mature siya mag-isip kesa sa kuya niya.
BINABASA MO ANG
a PERFECT Crime
Novela Juvenil"alam ko naman na kaibigan mo ko, pero maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yo na mahal kita? ang hirap kaya para sa akin na itago yun kasi natatakot ako na baka lumayo ka. alam ko rin na imposible na maging pareho yung nararamdaman natin sa isa't...