Chapter 6 -- Wondering Wonderer

11 0 0
                                    

“oh bakit nagmamadali ka?” tanong ni Angela

“uh? Hindi naman ah” agad kong sagot

“teka nga Kim, bakit ka namumula?” tanong naman ni Samantha

“nakita mmo si Jervie?” dugtong ni Angela

Ano bang sasabihin ko, hindi ko naman pwedeng sabihin na napag-tripan nanaman kasi ako ni Xander dahil baka kung ano nanaman isipin nila. Ang akala kasi nila ex ko si Xander na gusto lang makipagbalikan. Kapag sinabi kong napagdiskitahan ako ni Xander baka isipin nila na kinikilig nanaman ako. namula lang naman siguro ako dahil nahiya ako sa sinabi niya. Hindi kasi ako sanay na nakakarinig ng ganun mula sa lalaki. Ganito din yung nangyari nung biniro ako ni Jervie last time, namula din ako.

“ah, eh kasi…” utal-utal kong sagot

“sus, oo na, si Jervie nanaman. Ano bang bago?” biro ni Angela

“ugh. Tama na nga, tara akyat na tayo. Bukas na yung building 5” sabi ko

Habang umaakyat kami sa building 5 papunta ng room namin, halos pagtinginan kami ng mga tao na nakakasalubong at nakakakita sa amin tatlo. Napakaingay kasi namin habang naglalakad, asahan mo na kapag kaming tatlo ang magkakasama hindi kami mauuusan ng kwento at tawa. Kaya ang saya-saya ko kapag sila ang kasama ko dahil humahaba ang buhay ko (sabi kasi sa nabasa kong reader’s digest, ang pagtawa daw ay nakakadagdag ng 5minutes ng buhay, nakakabawas din daw ng stress kaya naman tawa lang kami ng tawa)

Sa totoo lang hindi halata sa aming tatlo na masayahin kami, mukha kasi kaming tahimik at mahiyain pero ang hindi alam ng karamihan ay super kalog at maloko kami pag nagama-sama. Kapag absent ang isa sa aming tatlo, nagiging boring, dapat kasi talaga lagi kaming kumpleto. Para nga daw kaming powerpuff girls eh, yung iba sabi naman nila para daw kaming wonder pets, well, masaya lang kasi talaga kung magkakasama kaming tatlo.

Pagdating namin sa room ay may mangilan-ngilan na kaming mga clasmates, pagpasok namin ay pumwesto kami sa 2nd row, 2nd column. Ayaw namin sa likod dahil mahirap na lalo kung mahina ang boses ng prof, panget din naman sa harapan dahil madalas na tinititigan ng prof ay yung mga nasa harapan. Paiba-iba kami ng upuan dahil wala namang seat plan kaya adalas naming nauupuan, kung hindi 2nd row, ay ang 3rd row.

Nang makaupo kami, nagkwentuhan lang kami saglit at tumungo na. plakda ang mga ulo namin sa desk namin dahil sa sobrang antok. Akala ko kanina, ako lang inaantok sa aming tatlo dahil ang ingay nila at super energetic kanina pero mukhang mas pagod pa sila kaysa sa akin.

a PERFECT CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon