Chapter 9 -- Awkward

11 0 0
                                    

Pagtapos nila matulog sa library (sila lang, kasi hind naman ako nakatulog), pumunta na kami sa room namin para sa Filipino. Hindi kami pwedeng magpahuli sa klase dahil may groupings ngayon. Sigurado na kapag wala kami doon, hindi rin kikilo yung iba naming  mag groupmates. Kahit naman kasi maloko kaming tatlo, marunong naman kami maging responsible. Hindi kami tulad nung iba na puro pagpapaganda lang alam gawin sa buhay pero wala namng laman ang utak. Ang totoo nga niyan, hindi kami mahilig maglagay ng kung ano-ano sa mukha eh, tama na yung BB cream at CC cream para magmukha kaming maayos, tapos lipshiner naman para hindi kami magmukhang may sakit, yun lang ang mga ginagamit namin, minsan nga nakakalimutan pa namin maglagay kaya naghihilamos na lang kami para hindi naman kami mukhang kawawa.

Pagdating namin sa room, nangyari nga ang inaasahan naming tatlo. Walang gawa yung iba naming ka-grupo. Ang totoo nniyan kasi, hindi naman talaga kami nag-usap-usap tungkol sa gagawin namin pero syempre diba bilang isang future educator dapat lagi silang handa tulad namin nila Sam at Anj. Ang pinakanakakainis pa doon ay sila yung mas matatanda sa amin, meron na ngang nanay pati isang ga-graduate na pero hindi man lang nila naisip na gumawa. Bukod pa doo ay sila pa ang may ganang magalit sa amin, bakit daw kasi kami hindi pumasok ng maaga, eh di sana kung maaga saw kaming dumating nakapag-practice na daw sana sa roleplay.

Kung di rin naman matitigas mga mukha nilang lahat, wala na nga ilang nagitulong tapos sila pa ung may ganang magsisisigaw. Akal mo kung sinong matatalino, eh wala namang alam gawin kundi ang magnilandi at nagmarunong. Kung hindi lang talaga sila matanda baka kanina ko pa sila nasagot o kaya kung hindi lang ako mabait baka kanina pa basag mga mukha nila.

“eh kasi naman ate, kami na ngang tatlo gumawa eh, diba sinend naman namin sa FB nyo yung dapat kabisaduhin” sabi sa kanila ni Samantha

“eh kais naman busy ako kaya hindi ko na naharap. Graduating na ako kaya naman mas marami inaasikaso ko kumpara sa inyo.” Sabi nung isa

Nakita kong napabuntong-hininga nalang si Samantha sa nasabi nung kagrupo namin. Ipagmayabang daw ba na graduating sya, baka gusto niyang isungalngal ko sa kanya yung pride niya. Nakakainis lang kasi hindi lang naman siya yung busy, lahat kami busy kasi lahat kami estudyante. Mas mahirap nga yung saamin kasi as marami pa kaming subject na dapat ipasa, samantalang sya iilan na lang. parang hindi naman siya naging 2nd year student, parang hindi niya alam maging tulad namin.

Role play kasi ang gagawin namin ngayon, ang totoo kasi niyan kahapon lang namin ginawa yung mga lines na kakabisaduhin pero after nun, sinned agad namin sa kaila. Kasalanan na nila yun kapag hindi nila nabasa.

Badtirp na badtrip kaming tatlo dahil sa mga kagrupo namin pero dahil may magandang nangyari naman kanina, medyo okay lang ako. nakakapagtimpi pa naman, kaso nga lang puro bunong hininga ang ginawa ko buong period namin. Anong magagawa ko, nakakabadtrip lang talaga.

Pagtapos ng lahat ng klase namin (Filipino naman kasi ang last) pumunta muna kami sa mall. Cubao lang kasi ang school namin kaya paglabas namin ng school, konting lakaran lang ay nasa SM na kami. Kahit papaano ay naiisip namin na masaya pa rin mag-aral dito dahil malapit sa mall. (haha). Atleast kahit papano ay na-eenjoy namin yung college life namin.

a PERFECT CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon