Nang makarating kami sa gateway, naglibot muna kami at nagtingin-tingin ng cellphone. Nag-iipon kai ako ngayon para pagdating ng next Christmas, meron na akong 20k at makakabili na ako ng magandang cellphone. Maluho akong babae at sobrang magastos pero lahat ng ginagastos ko ay galing sa ipon ko. Hindi ko man sariling pera yung allowance ko iniipon ko naman iyon para may pera ako. hindi ako basta-basta lang nanghihingi ng pera sa parents ko dahil sigurado naman ako na hindi sila magbibigay.
“Jervie gusto ko ng ganung cellphone oh” sabi ko
Tinuro ko ang Lenovo na phone na nagkakahalagang 15k. natatawa ako naging reaksyon ni Jervie dahil nag-derp face siya tapos biglang walk out. Para siyang baliw.
“hoy, yan nanaman. Man-iiwan nanaman siya” sabi ko
“tara na nga. Timezone na tayo” sabi niya
“ok sabi mo eh” sagot ko
Umakyat na kami sa taas at nag-timezone. Syempre gamit pa rin namin yung card niya. Siya lang naman kasi yung may dala lagi ng timezone card kaya siya lagi yung taya.
“peram card, lalaro ako dun” sabi ko
“wait saglit.” Sagot niya
Snwipe niya ang card dun sa may basketball at iniabot na sa akin yung card niya. Hini man lang siya nag-dalawang isip kung ibibigay ba niya sa akin yung card. Alam kong alam niya na mauubos ko lang yung load niya pero ayos lang naman sa kanya yun. yun yung gusto ko sa kanya, galante. XD.
“oy teka, wag ka makikipag-usap sa kahit sino ah pati wag mo kong iwan dito” sabi niya
“opo”
Lumakad na ako at naghanap ng pwedeng malaro. Para talaga kaming mag-tatay kung minsan. Kung makapag-paalala siya sa akin akala mo magulang ko, samantalang parents ko nga hinahayaan lang ako makipag-usap sa iba pero ung si Jervie ang kasama ko maraming bawal. Adik yun eh.
Nakaramdam ako na medyo napapatagal na ako sa paglalaro at hindi ko pa naikita si Jervie. Tinapos ko na yung nilalaro ko at hinanap ko siya. Nilibot ko ang buong timezone at nakita ko siya sa loob ng isang karaoke booth.
![](https://img.wattpad.com/cover/19899264-288-k249663.jpg)
BINABASA MO ANG
a PERFECT Crime
Fiksi Remaja"alam ko naman na kaibigan mo ko, pero maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yo na mahal kita? ang hirap kaya para sa akin na itago yun kasi natatakot ako na baka lumayo ka. alam ko rin na imposible na maging pareho yung nararamdaman natin sa isa't...