a PERFECT Crime

196 2 0
                                    

PROLOUGE :

Kim's POV

Bakit ganun, kapag biniro mo siya, iisipin agad niya na puro biro na lang ang lahat ng bagay. Kapag nag-seryoso ka naman, iisipin niya na baka galit ka o kaya naman my pinagdadaanan.

Sobrang magkaiba kaming dalawa sa lahat ng aspeto, isa lang akong average student sa school namin, tahimik, hindi ganun ka-active sa school activities, hindi gaanong napapansin athigit sa lahat medyo mahiyain. Si Jervie naman, siya yung tipo ng tao na sobrang kinagigiliwan ng kahit sino, professor man o estudyante. Maraming babaeng nagkakagusto sa kanya from different courses. Mataino din si Jervie, sweet and madali siyang pakisamahan, ang problema lang sa kanya ay yung pagiging medyo mayabang niya. Gwapo naman kas siya tapos sikat pa kaya medyo naiintindihan ko kung bakit medyo mayabang yung tang yun.

Kung itsura at performance ang pagbabasehan, napakalayo naming dalawa. Kumbaga, ao level 10 pa lang, si Jervie naman level 178 na. Malayong-malayo talaga kami sa isa't-isa. Minsantuloy nagtataka ako kung paano kami naging magkaibigan. Lahat halos kasi ng mga kaibiga niya, magaganda, gwapo, matatalino at ahat sila ay nakakasilaw. Nahihiya na nga ako minan makisama kay Jervie eh dahil para kaming mag-nanay, pero hindi ko rin naman magawang iwasan ang lalaking iyon, bukod kasi sa classmate ko siya sa halos laat ng subject namin, kadalasan siya din ang katabi ko o kaya namn partner sa bawat activities.

Sobrang close kami ni Jervie na halos pagkamalan kaming mag-boyfriend. Kapag magkatabi kami, lagi kaming nagkukultan, nagkikilitian na halos hindi na kami nakikinig sa prof namin. Share kami sa halos lahat ng bagay, kasama na doon ang pagkain at tubig. Hindi kami nandidiri sa isa't-isa dahil mukhang kapatid naman ang tingin niya sa akin. At yun ang hindi ko matanggap.

Siguro marami na yung naka-experience o kaya nakabasa ng story tungkol sa friendzone and I know na familiar na yung ending nito sa iba, pero ako, hindi ako sure sa pwedeng mangyari.

Para kasi kaming mga baliw, or should I say na para AKONG baliw. Maybe nag-eexpect lang ako ng sobra pero paano ko pipigilan yung sarili ko na mag-isip ng higit pa sa dapat kong ma-imagne kung sa bawat kilos niya ay lalo akong nawawala sa sarili ko.

A perfect crime ika nga. Nakakainis lang isipin na hinayaan ko siyang nakawin yung puso ko pero hindi man lang niya alam kung paano pahalagahan. Hula ko nga, hindi rin niya alam na may something ako sa kanya.

Kelan ko ba mababawi yung kinuha niya sa akin?

a PERFECT CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon